Kabanata XLI: Dalawang Landas

6.2K 289 21
                                    

Kabanata XLI: Dalawang Landas



Tinawagan ni Jiggs ang kaibigan ni Raya na si Cheska upang ipaalam ang nangyayari kay Raya.

"Masyado na yatang depressed ang kaibigan ko," malungkot na tinig ni Cheska nang dumalaw ito kina Jiggs.

"She's not depressed," pagtutuwid ni Jiggs.

"It's here," hawak ni Cheska ang resulta ng pag-aaral ng doktor na tinatawagan ni Jiggs. Kapwa sila napalingon sa kinalalagyan ni Raya na himbing na himbing sa pagtulog. "Depression." Dugtong niya.

Napailing si Jiggs.

"Alam kong wala ako sa lugar para sabihin kung katanggap-tanggap ba ang resulta, pero alam kong hindi siya depressed," pagtatanggol ni Jiggs.

"These past few days, she's been into struggle to redeem herself. Nagsama-sama pa ang mga downfalls niya sa buhay nahinarap niyang mag-isa. And actually, napag-alaman ng HR ng pub house na isa siyang potential suicidal and prone to depression. Nakita ito noong aplikante pa lang siya. Pero sabi ni Boss, normal lang daw iyon sa mga creative people. Sumang-ayon naman ang HR kasi may mga ganoong cases daw. As long as hindi siya self-destructable," eksplanasyon ni Cheska.

"Kaya nga kapag gusto niyang magsalita, I'm always here to listen. But she's a strong woman," dagdag pa nito.

Matamang nakinig si Jiggs kay Cheska.

"Napansin mo ba ang mga sudden mood changes sa kanya?" tanong ulit ni Cheska.

Tumango lang si Jiggs.

"Hindi naman sa sinasabi kong hindi healthy ang kanyang mental health, pero she acts like a bipolar at.."

"Enough," pagpuputol ni Jiggs. "Okay na. I've heard a lot. But I think you don't understand the kind of battle she's in."

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang pagkatuklas sa Katipunan ang naging hudyat ng siklab ng pagdanak ng dugo sa kapuluan. Kasabay nito ang halos kumahog na pagpaplano ng samahan kung ano ang mga susunod na hakbangin upang lumusob at tuluyang isakatuparan ang kanilang mga pagsalakay.

Ganun din kabilis ang takbo ng kabayong sinasakyan nina Raya at Karyo. Mahigpit na yumakap si Raya sa baywang ni Karyo nang wala nang halong pangamba sapagkat ang yakap na iyon ang nagpapaalala kay Karyo na kailangan niyang ingatan ang dalaga sa kabila ng mabilis nilang takbo.

Ang paglalakbay nila sa kabundukan ng Morong ay tila paglalakbay nila sa buhay. Ilang mabatong landasin ang kanilang dinaanan. Halos magdadapit-hapon na nang mapatigil sila sa kanilang pagtakbo nang makaaninag sila sa di kalayuan ng mga grupo ng kalalakihang armadong nakasakay sa mga kabayo. Tinapik ni Karyo ang likod ng kabayo upang tumigil. Sinigurado niyang ang grupong iyon ang naghihintay sa kanila.

Isang mahabang sipol ang kanilang narinig. Hudyat iyon na sila'y mga kasama. Ipinagpatuloy ni Karyo ang pagpapatakbo sa kabayo.

"Mga kapatid!" sigaw ng isa sa mga lalaking kasapi ng grupo. Hindi man kilala ni Karyo kung sino iyon ngunit sumagot pa rin siya.

"Mula sa kabahayan ni Ka Timong, Karyo ang aking ngalan. At itong aking kasama ay may ngalang Raya," anito.

"Ang matalino at matapang na anak ni Ka Sendong?" saad ng lalaking matikas ang pagkakatindig. "At ang dalagang may angking tapang."

Yumuko ang dalawa.

"Heneral Geronimo ang aking ngalan," saad nito at sumenyas sa grupo.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon