Kabanata XXXIII : Ang Epilogo

7.5K 340 167
                                    

Kabanata XXXIII : Epilogo

"Langit at lupa ang pagitan ng dalawang taong itinakdang magkaroon ng pagtitinginan. Ang dalaga'y isang anak ng malupit na principalia na kumakamkam ng lupa sa isang bayan at ng isang labanderang indiyo.  Ngunit ang nakagisnan niyang ina ay ang mayamang ikalawang asawa ng Don.  Ang binata nama'y  isang anak ng magsasaka. Minsan nang nakamkam ang lupa ng pamilya ng  binata kung kaya't lumipat sila sa paanan ng bundok at doon nanirahan at nangalakal ng bagong mapagtatamnan. 

 

Nagsimulang magkaroon ng pagtitinginan ang dalawang taong ito nang minsang mapadaan ang binata sa tahanan ng dalaga habang inihahatid nito ang bigas na ipambubuwis ng pamilya niya sa kura ng bayan. Naawa ang dalaga sa pinagpapawisang binata kaya binigyan niya ang binata ng inumin at bimpo. Natuwa ang binata sa kabutihang ipinamalas ng dalaga. Kaya tuwing dadaan siya sa bahay ng dalaga, naghahagis siya ng bulaklak na rosal sa bintana ng dalaga bilang pasasalamat sa ginawa ng dalaga.

 

Di nagtagal, ang bulaklak na rosal ay sinasamahan na rin ng binata ng sulat ng pagpapasalamat na siyang nagpapasaya sa dalaga. At nang lumaon, napagpasiyahan ng dalawa na magkita sa Ilog Wawa.

 

Dahil malakas ang loob ng dalaga, marami siyang nagagawa upang makatakas sa ama niyang walang muwang sa kanyang pagtakas.

 

Tuwing ikatlo ng hapon sila nagkikita sa kanilang tagpuan. Pagkwekwentuhan o di kaya'y panghuhuli ng isda ang kanilang gawain sa ilog. Namamasyal din ang dalaga sa bahay ng binata at naging malapit sa pamilya ng binata. Doon nabuo ang kanilang pagkakaibigan at nang lumaon ay naging lihim na pag-iibigan. Ang suliranin nga lang, hindi maipagtapat ng binata ang tunay na nararamdaman sa dalaga dahil batid niyang walang patutunguhan ang kanilang pagtitinginan. Ipinapakita na lamang niya ang pag-big sa dalaga sa kanyang mga pahaging at gawi. Ang dalaga naman, umaasang mahal din siya ng binata. Hindi kasi sapat na baka binubulag lang siya ng mabubuting gawi ng binata at baka hindi iyon pag-ibig.

 

Di nagtagal, nalaman ng ama ng dalaga ang nagaganap sa pagitan ng dalawang magkaibigan. Sinubukan ng matapobreng Don na ilayo ang anak niya sa binata. Hinanap ng Don ang pamilya ng binata at nagbantang papatayin sila kung hindi ititigil ng binata ang pagkikipagkita sa anak niya.

 

Sa kalagitnaan ng taon, sumiklab ang isang digmaan sa pagitan ng mga indiyo at espanyol. Natuklasan ang lihim na samahan ng mga separatido. Ang Don ang gumawa ng paraan upang maparusahan ang lahat ng indyong nagtaksil sa rehimeng kastila sapagkat isa siyang matapat na tauhan ng hari ng Espanya. Hindi matiis ng dalaga na makitang may mga taong naghihirap.

 

Isang gabi, sinubukang tumakas ng dalaga mula sa kanilang bahay upang balaan ang binata sa binabalak ng kanyang ama. Ipapahuli lahat ng mga pamilyang nasa paanan ng bundok sapagkat hinihinalang ang mga ito ang nagsimula ng pagtataksil sa hari ng Espanya. Dahil batid ng dalaga na namumuhi ang kanyang ama sa pamilya ng binata, sinubukan niyang iligtas ang mga ito. Ngunit huli na ang lahat. Nadatnan niyang nakabitay ang ama, ina at babaeng kapatid ng binata. Hinanap niya ang binata sa buong kabahayan ngunit ang tangi lang niyang nahanap ay ang pugot na ulo ng binata na nakasabit sa puno ng mangga sa labas. Pati ang mga kabahayang malapit sa bahay ng binata ay sinunog. Halatang sinadyang hindi sunugin ang bahay ng binata bilang senyales na ito ang puno't dulo ng pagsira sa bahaging iyon. Nagpupuyos sa galit ang dalaga. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na apoy na nagmumula sa kanyang puso. Naisip niyang saksakin din ang kanyang sarili ngunit gusto rin niyang makaganti sa mga gumawa ng karahasang ito sa lalaking minamahal niya.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon