Kabanata XIV - Pagtitipon: Unang Bahagi

8.2K 371 45
                                    

Ikalabing-apat na Kabanata — Ang Pagtitipon: Unang Bahagi

Halo-halo. Mukha silang halo-halo

.

Iyan ang naisip ni Raya nang makita niya ang mga taong nagtitipon sa bulwagan ng bahay ni Ka Timong. Naroon kasi ang iba't ibang klase ng tao sa bayang iyon, mga anak-mayaman, katiwala, edukado, naninilbihan. Halos lahat ay naroon at nagsisiyahan.  Kung hindi lang dahil sa pang-iimpluwensiya ng mga kastila sa pamumuhay ng mga tao roon, napakasarap sigurong mamuhay sa San Mateo. Walang namamagitan sa mga elitista at dukha, walang iringan mula sa magkalayong agwat ng pamumuhay doon. Nakagawian na kasi doon na isantabi muna ang estado ng pamumuhay, alang-alang sa mga pagtitipong kagaya ng pagtitipon sa bahay ng respetadong si Ka Timong na nabibilang sa "elitistang dukha."

Ngunit kahit na ganoon  at halo-halo sila roon, makikita mo pa rin ang kaunting namamagitan sa kanila, partikular na sa pananamit, paggawi at paraan ng pagsasalita.  Makikita pa rin ang manipis na linyang naghihiwalay sa mga ito sa isa't isa. Kumpol-kumpol din ang bawat grupo at maririnig mo ang mga pasaring ng mga ito sa isa't isa.

 

"Mga patay gutom."

"Mga taksil."

"Walang modo."

"Mapagpanggap."

Mabuti nga at hindi humahantong sa awayan ang mga ito, kung hindi lang ginagalang sa bayan si Ka Timong, marahil ay naging lunan ng bakbakan ang bahay ni Ka Timong.

Napag-alaman din ni Raya ang dahilan ng pagtitipon sa bahay ni Ka Timong. Bukod sa idaraos ang pagtatapos ni Kuya Diego sa kanyang kursong Bellas Artes, doon din niya nalaman ang kurso ng iba pa niyang mga "kuya". Si Aurelio ay kumukuha ng kursong pangmusika, kung kaya't kabilang siya sa mga musikerong tumutugtog sa piging na iyon. Si Kuya Roque naman ay medisina, katulad ni Karyo.

"Ano na ngayon ang balak mo , Kuya Diego, ngayong tapos ka na sa pag-aaral?" tanong ni Raya kay Kuya Diego nang nahagilap nitong nag-iisa sa may balkonahe habang ang kanyang bisita ay  masayang nagkainan pagkatapos ng pasasalamat na pagdarasal na pinagunahan ng mga hermano't hermana.

"Gusto kong magkapamilya," sagot nito.

Muntik nang maibuga ni Raya ang hawak na inumin. Matapos ng mahaba-habang pag-aaral niya, nais niyang mag-asawa? Nahihibang na ba siya?

"N-ngunit, napakabata mo ba kuya. Atsaka, sayang naman kung hindi mo magagamit ang iyong talento ano? Gamitin mo muna iyan sa paghahanap ng ikabubuhay tsaka mo isipin ang pag-aasawa," saad ni Raya na parang aleng nanenermon.

"Beinte singko na po ako, aleng dalaga. At isa pa, maaari naman akong magpinta at maging ama sa magkasabay na panahon, di ba?" paliwanang ni Kuya Diego. "Ikaw? Anong balak mo sa buhay?"

Tapos naman na si Raya sa pag-aaral sa kanyang panahon. At hindi rin talaga niya alam ang patutunguhan sa buhay niya bukod sa pagsusulat at pagpoproofread sa pinapasukan niyang publishing company. Pero siyempre, hindi niya pwedeng banggitin iyon kay Kuya Diego.

"Beinte dos na ako pero di ko pa alam ang gagawin ko. Siguro ee-enjoy..este, lalasapin ko muna ang pagiging dalaga ko," saad ni Raya.

"Magkaedad pala kayo ni Karyo ano, kaya pala minsan, hindi mo siya ginagalang," sabay tawa pa ni Kiya Diego.

"Grabe ka naman Kuya, siya itong napakasuplado at napakasungit eh. Hindi niya ako nirerespeto bilang babae," nakangusong sabi ni Raya.

"Mabait naman iyang si Karyo eh. Tinatantiya pa siguro niya ang ugali mo," paliwanang ni Kuya Diego.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon