Kabanata XXVI - Simula ng Semana Santa

8.1K 362 139
                                    

Kabanata XXVI — Simula ng Semana Santa

Napagsuot ni Tandang Eling ng belo si Raya kahit pa bakas sa mukha ng dalaga ang pagtanggi nito. Ngunit wala naman siyang magawa dahil hindi lang naman siya ang dalagang nakasuot nito, kundi lahat ng babaeng nakikita niyang papunta sa simbahan. Kahit na nagmukha siyang  manang  sa suot niya, wala siyang nagawa. Tutal, mukhang ito naman yata ang uso sa panahong iyon.

Bakit ba ang arte ko ngayon? Bulong niya sa sarili at natawa bigla.

"Ano ka ba namang bata ka, bakit ka ba tumatawang mag-isa?" pagpansin sa kanya ni Tandang Eling.

"W-wala po Lola," sagot naman nito. Saka nito iwinagayway ang palaspas na hawak. "Lola, ako na po ang magdadala ng bayong. Sa inyo na po muna ang palaspas, baka kasi masira ko ito sa sobrang ganda!"

Iwinagayway pa ni Raya ang palaspas na siyang naging dahilan ng pagkahulog ng rosaryong isinabit ng matanda. Saka napahawak sa bibig si Raya.

"Tong batang to talaga oo!" Si Tandang Eling na ang naghawak ng palaspas na gawa sa dahon ng murang niyog.  "Maganda talaga lahat ng ginagawa ni Diego. Talagang isa itong obra ng isang malikhaing kamay ng isang estudyante ng bellas arte,"saad niya habang tinititigan ang maiging pagpapaikot-ikot ng mga dahon ng murang niyo sa isa pang dahon na tila mga tubog na umaagos mula sa isang sumisirit na bukal.

"Kasingganda mo itong gawa ni Diego!" pahabol pa ng matanda.

"Salamat po."

"Sayang nga at hindi natin makakasama si Diego ngayon sa pagsisimba sapagkat sinamahan niya si Ka Timong papunta sa Tondo para sa isang mahalagang misyon ng lihim na samahan," humina ang boses ng matanda.

"Ganoon po ba? Malapit na po ba ang paglusob?"  tanong ni Raya.

"Iyan ang hindi ko alam, hija."

"Hindi ko po nagawa ang aking tungkulin. Wala po akong nakuhang impormasyon tungkol sa mga plano ni Don Ignacio."

"Ano ka ba, hija. Malaman man nila o hindi ang lahat, matutuloy pa rin ang pagbawi sa kalayaan."

Masigla namang binuhat ni Raya ang bayong ng mga gulay bilang alay nila sa simbahan. Linggo ng palaspas ngayon at ugali na rin nilang mag-alay ng kung anu-ano bilang parte ng kanilang indolhensiya.

Papaalis na sila nang biglang may humigit sa dala-dala niyang bayong. Napatingin siya sa kamay na humawak sa kamay niyang nasa bayong at laking gulat niya ang biglang pagngiti sa kanya ng taong iyon. Pati si Tandang Eling ay napangiti din.

"Oh, Karyo!  Anong meron?"  tumaas ang kilay ni Raya, hindi dahil ginulat siya kundi dahil iba ang aura ngayon ng binata.

"Ako na ang magdadala ng bayong," malamig na sabi ni Karyo matapos ngumiti.

Pinabayaan na lang ni Raya si Karyo sa kanyang nais kaya binitiwan na din niya ang bayong.

Narito nanaman siya, susulpot na lang bigla kung kelan di ako handa, bulong niya sa sarili.

"Salamat naman hijo at naisipan mo kaming samahan sa pagsisimba,"  saad ni Tandang Eling habang tinatahak nila ang daan papunta sa parokya.

"Opo. Matagal na din po kasi akong hindi nakakadalaw sa loob ng simbahan," sagot naman ni Karyo.

"Anong mabuting hangin kaya ang nakapagdala sayo sa muling pagsisimba, hijo?" tanong ng matanda.

"Gusto ko pong magpasalamat sa mga bagay na ibinigay sa akin ng Maykapal, lalo na ang mga bagay na nakapagpapasaya sa akin," muli itong ngumiti sa pagitan ng kanyang salita kaya't napatingin si Raya sa kakaibang tinig ni Karyo. At doon niya nalamang nakatingin si Karyo sa kanya.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon