Kabanata XX - Abaniko

7.9K 360 59
                                    

Ika-dalawampung Kabanata — Abaniko

 

Kasagsagan ng tanghaling tapat at kay sarap ng ihip ng hangin upang magsiyesta. Dumungaw sa bintana si Raya at tuwang-tuwa siya habang dinarama ang lamig ng hanging dulot ng tag-araw.

"Hindi ka ba napapaso sa init ng hangin?" napatingin si Raya sa nagsalitang si Emelita.

Hanep, kung makapagreklamo, parang nasa pugon to ah. Naiinitan na siya sa lagay na ito. Kung nasa Manila 2014 ka, siguradong tutong ka na, bulong ni Raya sa sarili.

"Ah, hindi naman. Makapal ang balat ko at sanay na ako sa init," sagot ni Raya.

"Mabuti naman at sanay ka pala," bumalik sa pagsusulat si Emelita sa kanyang kwaderno.

Lumapit si Raya upang silipin kung anong ginagawa ni Emelita. Naaninag niyang gumagawa ito ng isang tula.

"Ang abanikong tangan ng aking kamay,

Ay boses ng pipi kong pagmamahal.."

Nagulat si Emelita nang marinig na inuusal ni Raya ang kanyang isinulat.

"Ah, patawad, nagtataka lang kasi ako sa ginagawa mo," ngumiti siya nang pilit upang maiwasan ang pag-init ng ulo ng senyorita sa inasta niyang pagiging tsismosa.

"Ah, sige. Sana'y nagpaalam ka para basahin ito. Ipapabasa ko naman sa iyo eh," at saka iniabot ni Emelita ang kwaderno upang mabasa ni Raya ang laman nito.

"...ang pagsintang hindi mausal ng aking labi

Ay ihahatid ng abanikong maiging nahabi"

"Magaling ka palang gumawa ng tula, Emelita!" galak na sabi ni Raya. Bilang isang AB Literature graduate, alam niya kung patok o hindi ang isang tula. Ngunit mahina siya sa panunuri sa mga tula kaya't di rin niya maiwasang tanungin ang dalaga.  

"Mahilig lang akong magbuhos ng damdamin gamit ang aking pluma. Kaya nga lagi kong hawak ang aking kwaderno at nagsusulat ng kung anu-ano," ngumiti nang matamis si Emelita.

"Ay salamat naman at may pagkakapareho tayo ng hilig! Mahilig din akong magsulat!"

"Siya nga?" bumaling siya ulit kay Raya at ngumiti ulit. Napatigil si Raya dahil may naramdaman siyang kakaiba. Yung mga ngiting ganoon, tila nakita na niya. At bigla siyang nakadama ng kakaibang damdamin, yung damdaming nagpapahilab sa kanyang tiyan at tila kumabog ang dibdib niya at hinihigop ang kanyang hininga. "Hindi maari ito. Hindi naman siguro ako natotomboy sa kanya," bulong ni Raya sa sarili.

Kaya naman ibinaling ulit ni Raya ang usapin sa ginagawa ni Emelita.

"Bakit pala abaniko?"

Tumawa si Emelita. "Isa lamang iyang karaniwang tula, Raya. Wala iyang lalim at literal lahat iyan,"

"Paanong naging tagapaghatid ng pag-ibig ang  isang abaniko, aber?"

"Sa aming mga principalia, mayroon kaming tinatawag na lenguwahe ng abaniko."

"Ano yun?"

"Ganito iyan, kaibigan. Alam mo namang mahigpit na ipinagbabawal sa aming lahi ang makipag-igihan sa kung kani-kanumang binata. At bilang tradisyon ng aming lahi, hindi kami pinapayagang makipag-usap sa mga binata hangga't hindi magnobyo o magnobya. At kahit na magnobyo't nobya na ang dalawang tao, mayroon pa ring tsaperon. Kaya minsan, hindi ganoon kadali ang pag-uusap ng dalawang magkasintahan kung kaya't idinadaan namin ang lahat sa aming pagkilos. At ang ginagamit namin ay ang abaniko," paliwanang ni Emelita.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon