Unang Kabanata - Haraya
"You need to finish this on or before the deadline, or else, you're fired!" napapangiwi si Haraya habang pinapakinggan sa kabilang linya ng telepono ang kanyang boss.
"Opo. Give me three months!" sagot niya habang napapakagat siya sa ibabang labi niya dahil inaasahan niyang isa pang malupit na pagtataray ang maririnig niya.
"Nagpapatawa ka ba? We've given you enough time para matapos mo yan, and yet, you're telling us to give you three months?" sigaw ulit ng nasa kabilang linya.
Bobo mo Raya, sinabi mo pa kasi yan eh! Bobo ko! Ang bobo ko! Bulong niya sa sarili niya.
"Sir, promise. I just need some space and time. 'Diba nga po hindi nagiging magandang ang bunga 'pag minamadali ang mga bagay-bagay? Sabi nga po nila, hindi nagiging matamis ang bungang hinog sa pilit. At ang batang nagmumukhang matanda ay 'di kaakit-akit?" pangangatwiran niya.
Nakarinig siya ng buntong-hininga mula sa nakusap niya sa telepono. Bigla siyang napangiti.
"Okay Raya. I'll give you four months. But, be sure to make that a best seller or else, you know what that means. Publishing companies are really into big danger against cyberbooks so we should take risks . Remember, we believe in your skills," anang nasa linya.
Naisip niyang gumagana nanaman ang mahiwagang pananalita niya sa boss niya.
This is it. Naibulong niya sa sarili niya.
"Thank you po! Thank..." pupurihin pa sana niya nang bonggang-bongga ang boss niya pero binabaan lang siya ng telepono. Kaya pagbaba niya ng telepono, nakaramdam siya na tila nanalo siya sa isang debate.
"Tss. Sungit talaga niya!" bulalas na lamang niya.
Napahiga siya sa kama. Ang totoo niyan, hindi siya mapakali dahil kailangan niyang panindigan ang apat na buwang palugit sa kanya. Pero ang problema, mukhang sinapian yata siya ng katamaran nitong mga nakaraang araw. Nakatitig lang siya sa kisame. Pumikit siya at nag-isip, ngunit wala siyang makitang liwanag sa kanyang mga kasagutan.
"Ano'ng gagawin ko?" tanong niya sa sarili.
Writer's block. Writer's block ang nararansan niya ngayon. Bumalikwas siya at binuksan ang nasa tabi niyang drawer. Inilabas niya ang apat na libro na halos isang pulgada ang kapal. Tinitigan niya ang mga ito.
The Sweet Armour - Isang istorya ng pakikipaglaban sa pagitan ng pag-ibig at kamatayan. Naka 200,000 copies at di na muling narecopy. Unang-una niyang self-published book. Sumugal siya para dito. Bilang isang bente-anyos na dalaga, napakatapang niya para makipagsapalaran sa paglilimbag ng kanyang aklat nang hindi alam kung marketable na ito. Ngunit nasa 10 porsiyento pa lamang sa naililimbag na libro ang nabebenta lang ang tubo niya dito. Maituturing niya ito bilang kanyang unang pagkabigo sa kanyang larangan.
Evening Grace - Isang karaniwan at pangmasang kwentong pag-ibig ng isang mayaman at mahirap. Unang aklat na naipalimbag niya sa kompanyang pinapasukan niya ngayon. Medyo bumenta naman. At masaya naman siya na kahit baguhan pa lang siya sa kompanya, ay nabigyan siya ng pagkakataon para maipakita ang kanyang talento sa pagsusulat. Pero maituturing niya itong karaniwan lamang.
Mr. Casanova Meets Ms. Nobody - Sa ikalawang pagkakataon, isa nanamang kwentong maituturing niyang karaniwan. Una niyang itong teen fiction and nangangako siyang di na siya magsusulat ng ganitong uri ng basura. Bukod sa cliche na ito, isa ito sa pinakamaituturing niyang walang dating. Halos kiligan lang at kaharutan. Pop lite. Kaya pumatok ito. Wala naman siyang magagawa. Ito ang pinakamatagumpay niyang libro pero hindi siya kontento dito.
BINABASA MO ANG
Está Escrito (It is Written)
Ficción históricaIsang Historical fiction sa loob ng isang historical fiction. Mabubuhay ka pa kaya sa kasalukuyan kung di ka pa nakakatakas sa nakaraan? (Completed) (Taong Inilimbag: Disyembre 2013 - Mayo 2017) ....