Kabanta XXXVII — Citation
Umiiling-iling na natatawa si Jiggs matapos niyang matikman ang pagsusungit ng empleyado ng pinsan niya. Wala siyang planong iwan ang tila wala sa sariling dalaga. Plano niyang hindi siya alisin sa kanyang paningin hanggat nakasakay na ito sa taxi. Ngunit tila malupit ang panahon sa kanya at bumuhos ang napakalakas na ulan. Tatakbuhin niya sana ang dalaga at yayain muna itong sumilong ngunit biglang may bumusina sa likod niya.
Bumukas ang bintana ng pick-up.
"You take good care of her," matipid na saad ni Macky.
Tila alam na ni Jiggs kung anong ibig sabihin ng kanyang pinsan kaya agad nitong binuksan ang pintuan ng kotse upang sumakay.
"Thanks Kuya Macky. By the way, anong ginawa mo sa kanya? " saad nito habang pinupunasan ang sarili.
"Long story. Ikaw na ang bahala. Kapag nakita niya ako, baka magpakamatay yun sa harapan ko. Gawin mo ang lahat para sumama siya sa iyo pauwi," saad ni Macky. Kinuha nito ang payong at saka bumaba sa kotse. Sumaludo pa ito sa kanyang pinsan.
Agad na tinungo ni Jiggs ang kinaoroonan ni Raya. Nakita nitong nakalupasay ito sa kalsada. Bumisina siya ng pagkalakas-lakas.
"Sakay na Raya!" sigaw nito.
Matalim na tinignan ni Raya si Jiggs.
"Lumayo ka sakin! Hindi ako sumasama sa taong di ko kilala!" sigaw naman ni Raya.
"Magkakasakit ka niyan eh. Wag ka nang makulit! Sakay na!" yakag niya ulit.
"Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon. I dont need you, your car, and your face. Wala ang laptop ko! Nasira na! Pag sumakay ba ako sa kotse mo, babalik ang lahat sa akin? Hindi diba? So leave me alone!" tila siya batang umiiyak matapos niyang itupi ang tuhod at tinakpan ang kanyang mukha.
Bumaba naman si Jiggs dala ang ekstra payong na dinala ng kanyang pinsan.
"Alam kong kahit basa ka na, papayungan pa rin kita," saad nito habang pinapayungan ang umiiyak na dalaga. "Dahil gusto kong malaman mo na may taong handang magpakatanga para sa iyo, maiparamdam lang niya na nag-aalala siya sa iyo. Huwag ka nang umiyak diyan. Malabo man ang daan papunta sa iyong uuwian, may mga taong handa ka pa ring samahan," dugtong pa nito.
Tumingala si Raya kay Jiggs.
"Nagpakahirap ka pang mag-rhyme diyan! Makata lang ang peg? Pasalamat ka, mahilig ako sa panitikan," pinunas ni Raya ang luha niya at saka tumayo. "Wala akong kasalanan pag nabasa yang upuan ng kotse mo ah!"
"Okay lang, Ako din naman, mababasa ko yung upuan eh," ngumiti ito at saka binuksan ang pintuan upang papasukin si Raya sa loob.
Nag-abot si Jiggs ng tuwalya kay Raya. Pagkatapos niyang mag-abot, nakakita siya ng t-shirt sa backseat.
"Magpalit ka ng damit," sad nito habang iniaabot ang t-shirt sa kanya. "Malinis yan."
"Aba, parang alam mong mababasa sa ulan ang taong susunod mong papasakayin sa kotse mo ah."
"Kanina pa kasi makulimlim. Baka alam ni Kuya Macky na uulan. Sa kanya tong pick up eh," sagot nito.
"Narinig ko nanaman yang pangalan niya. Wag mo ngang mabangi-banggit s akain yang nakakasurang panagalan niya. Naiimbyerna ako!" Ibinato niya ang tshirt sa back seat, humalukipkip at tmingin sa labas
BINABASA MO ANG
Está Escrito (It is Written)
Fiksi SejarahIsang Historical fiction sa loob ng isang historical fiction. Mabubuhay ka pa kaya sa kasalukuyan kung di ka pa nakakatakas sa nakaraan? (Completed) (Taong Inilimbag: Disyembre 2013 - Mayo 2017) ....