Kabanata XXXIV — Espasyo
Nagising si Raya sa isang silid na punong-puno ng puting liwanag. Sa kanyang kanan ay may mesang kinalalagyan ng dalawang orasang-buhangin. Ang isang orasang buhangin ay tumigil na sa paggalaw. samantalang ang isa'y nagsisimula pa lang sa paggalaw. Malapit na rin itong maubos.
Hindi niya alam ang ibig sabihin niyon ngunit tila nakikinita na niyang iyon ay mga hudyat ng kanyang paulit-ulit na pagtawid mula nakaraan at kasalukuyan, o di kaya'y kasalukuyan at hinaharap. Alinman sa dalawa, ayaw na niya itong intindihin.
" Dalawang ubos na orasang-buhangin at isang hindi pa ubos. Ibig sabihin, may isa pa akong pagkakataon upang makabalik sa nakaraan. Ito na nga ba ang huli?"sambit niya sa sarili
Ilang saglit pa'y may tumamang ilaw sa kanya na siyang ikinabulag niya nang pansamantala.
Nang imulat niya ulit ang kanyang mata, nasa pamilyar na silid ulit siya. May pagka-minimalist ang disenyo ng kwarto. Ang pader nito ay nakulayan ng puti. Kakaiba naman ang porma ng mesa sa gilid ng puting kama. Animo'y isang taong may polio na di pantay ang taba ng mga paa nito. Mayroon ding iisang larawang nakasabit sa uluhan ng kanyang kama. Larawan ito ng isang babaeng nakasuot ng simpleng baro't saya.
Bumalik sa kanyang alaala ang lahat. Nakabalik na ulit siya. At kung magkakaroon pa siya ng isang pagkakataon upang makabalik sa nakaraan, kay Karyo, iyon na ang pinakahuli.
Sa tabi ng kanyang kama, nakayuko ang isang lalaking tila nakatulog sa pagbabantay sa kanya. Bahagya siyang kumilos upang kunin ang kanyang laptop. Ititipa na niya lahat ng naiisip niya bago pa mawala io sa kanyang alaala.
Sinubukan niyang balikan ang mga alaalang kasama niya si Karyo. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kanyang ideya, hanggang sa mabuo na niya ang nobelang ipinapagawa sa kanya sa loob ng dalawang oras.
Niyakap niya ang kanyang laptop at nagwika,"I'm a genius!" Pagbibiro niya sa sarili. "Salamat sa alaala, Karyo."
Unti-unting umangat ang ulo ng lalaki. Kinusot niya ang mata niya at bigla nitong hinipo ang noo ni Raya.
"Bumaba na ang lagnat mo. Mabuti naman at nagising ka na."
"B-boss Macky.." gulat na sabi ni Raya. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Ngayon lang niya natitigan ng maigi at malapitan ang kanyang boss. Hindi siya nagkakamali. Hindi rin siya nag-iilusyon. Sigurado siyang hindi ito dahilan ng pagka-miss niya kay Karyo.
Kaya naman, hindi na niya maiwasang magtanong.
"Have we met before sir?" tanong nito habang nakataas ang kilay.
Tawa lang ang isinumbat sa kanya ng kanyang boss.
"I guess you need rest, miss," kumuha si Macky ng isang mangga sa sidetable at hiniwa ito saka ibinigay kay Raya.
"Salamat po," makyemeng sabi ni Raya.
Nagsisimula nang magtaka si Raya sa mga nakikita niya. At naniniwala siyang may kaugnayan ang nakaraan sa kasalukuyang kinalalagyan niya.
"Hindi kaya si boss si Karyo? Hawig sila eh. Hindi ako maaring magkamali. Magkahawig sila. Ang kaibahan lang, yung hairstyle. Kay Karyo, parang dinilaan ng baka ang hairstyle niya. Kay boss, laging nakatayo. Yung kutis ni Karyo, medyo magaspang. Kay Boss, parang walang pores. Sa physique naman, mas matikas si Karyo kasi banat ang buto niya. Si Boss, medyo balingkinitan. Mas payat nang kaunti si Boss pero hawig ang hugis ng kanilang panga, at lalim ng mata.Kailangang makita ko yung six pack-abs iniya! Sugurado akong yun ang hindi nagbago! Oh my!" saad niya sa isip niya.
"B-boss, mukhang nakakaabala na po ako sa inyo. Baka may iba pa po kayong gagawin. Go on po, I can manage myself," saka siya kumindat.
"Miss Martinez. It seems that you don't like my presence, do you?"
"Ah, eh, hindi naman po," sabi ni Raya habang kumakagat ng isang hiwa ng mangga.
"Good. Madalang mo na nga lang akong makita, akala ko papalayasin mo pa ako sa harap mo," saad niya habang binabato sa hangin ang isa pang mangga.
Doon lang napaisip si Raya.
"Kaya ba ayaw magpakita sa akin ni Boss dahil ayaw niyang mahalata ang isang bagay na ayaw kong isipin? At bakit tila marami siyang alam sa akin? Anong kinalaman niya sa nangyayari sa akin? Anong mahika mayroon ka Boss..o Karyo? "
Hindi man sigurado si Raya sa kanyang haka-haka ngunit nais niyang makakita ng ebidensiya na ang boss niya at si Karyo ay iisa. Ngunit kung ganoon man, bakit tila malabo pa rin ang lahat, kagaya ng malabong ugnayan nila ng kanyang boss?
"B-boss. Why are you acting like this?" inihilig niya ang kanyang ulo para masuri ang reaksyon ng kanyang boss.
"Acting like?"
"Acting like you care? Hindi pa po tayo close. I mean, we're communicating and exchanging ideas through media, but were not that close personally."
"It's business, miss. Natural namang I care ,cause you're my employee. And whatever things I'm doing, dont misinterpret it. It's part of the business. No strings attached. " Saka nito ikinumpas ang kamay niya na parang nagbibigay ng harang sa pagitan nilang dalawa.
Pfft!Talaga lang ah? bulong ni Raya.
"Uhm, by the way sir. Tapos ko na yung last part ng novel. Here. Ilang oras ko din itong ginawa," pagmamalaki niya.
"What? Diba sinabi ko nang magpahinga ka? Kaya nga kita binigyan ng vacation leave para makapagpahinga from the stress I've caused you. Bakit trabaho pa rin ang intupag mo ngayon? Tignan mo. Overfatigue ka ngayon. Sabi ni Jiggs, bigla ka na lang daw natumba noong chineck ka niya. Ang tigas talaga ng ulo mo," saad nito.
"Sorry Sir, I just felt the urge to write it when I woke up, sorry," malungkot niyang sabi.
Kinuha din ni Macky ang laptop na ibinigay ni Raya para basahin ang huling bahagi ng manuscript. Habang si Raya naman, matamang tinititigan ang kanyang boss.
Ang gwapo mo talaga boss. Pero mas gwapo si Karyo.
Habang tinititigan niya ang mata ng kanyang boss habang binabasa ang kanyang ginawa, hindi niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.
Tumikhim si Macky bilang pahiwatig na tapos na siyang magbasa.
" Ayoko iyong ideya na pati yung bidang lalaki ay makikigulo sa pagta-time travel ng bida. "
"Bakit boss? Nakakarelate ka ba?" saad ni Raya, sinisiguro niyang makikita niya ang reaksyon ng boss niya sa malapit na katotohanang nangyayari sa kanyang mga karakter. At kung may alam man ang boss niya sa mga nangyayari sa kanya, tiyak ni Raya na mag-iiba ang reaksyon niya.
I already knew it boss, may kinalaman ka sa pagtatime travel ko, bulong niya sa sarili. At sigurado akong ikaw si Karyo.
Kumunot ang noo ng kanyang boss.
"In what part, miss?" takang tanong ni Macky.
Tila nawalan ng sasabihin si Raya. Paano ba niya sasabihing kapwa sila nagbalik sa kasalukuyan mula sa nakaraan? At nag-isip siya ng isang ligtas ngunit may konotasyong pahayag.
"Sa paghabol sa kasalukuyan, para mabawi ang mga oras ng nagdaan?" sagot nito.
"You dont know anything about my past," saad ni Macky nang may blankong mukha. Agad niyang inilapag ang manggang hawak niya saka siya tumayo at tinungo ang pintuan. "By the way miss, I wont give you the check today. I want you to revise that. You Don't know what you're writing. It may take more risk than you think."
Naiwang nakanganga si Raya sa tinuring ng boss niya. Pagkaraan niyon, tumawa siya nang mahina.
Kuhang-kuha niya ang pagka-bipolar ni Karyo. Ang kaibahan lang, nag-eenglish siya. Bulong ulit ni Raya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Está Escrito (It is Written)
Historical FictionIsang Historical fiction sa loob ng isang historical fiction. Mabubuhay ka pa kaya sa kasalukuyan kung di ka pa nakakatakas sa nakaraan? (Completed) (Taong Inilimbag: Disyembre 2013 - Mayo 2017) ....