Kabanata XLIII: Bayong

5.3K 251 20
                                    


1898

Habang lumalalim ang gabi, ganoon ding lumalalim ang mga iniisip ni Raya.

Ano na kaya ang nangyari kay Karyo? Nagtagumpay kaya sila sa kanilang pag-aalsa?

Ngunit lalo siyang kinabahan nang maaalala niya ang isang bahagi ng kasaysayan. Pagkatapos ng taong 1898, nahati ang Katipunan sa pagitan ng Magdalo at ng Magdiwang. Hindi nagtagumpay ang paglusob sa kabisera, kundi tumakas ang ilang sundalo papuntang Cavite upang humingi g tulong sa hukbo ni Aguinaldo.

Lalo siyang kinabahan. Iniisip niya kung ano ang mangyayari kay Karyo. Isa ba siya sa mga masasawi? Isa ba siya sa mga nakatakas papuntang Cavite? At kung mangyaring madakip din ang Supremo, saang panig kaya mapupunta si Karyo?

Narinig din niya kanina ang usapan nina Diego at ng isang di kilalang lalaki ngunit ang malinaw niyang narinig ay ang pagpunta sa Villa Fernandino. Kung sino man ang pupunta doon, hindi niya masisiguro.

Hindi namalayan ni Raya ang oras. Nakarinig siya ng pagtilaok ng manok at mula sa siwang sa kanyang pintuan na malapit sa kusina ay nakaaninag siya ng kaunting liwanag. Tiyak niyang may nagising na.. Nakita niya sa relo na alas tres na pala ng umaga

"Umaga na pala," sambit niya. Pakiramdam niya'y kakahiga lang niya kanina ngunit biglang bumilis ang oras. Nagtaka siya ngunit gusto na lang niyang isiping dahil sa marami siyang iniisip kaya hindi na niya namalayan ang oras. Pero di niya talaga maiwasang magtaka.

Bumaba siya sa cocina upang magtimpla ng kape. Naaninag niya ang likod ni Diego kung kaya siya'y bumati.

"Magandang araw Diego," garalral pa ang kanyang boses.

"Kung ikaw at ang araw ang makikita ko tuwing umaga, tiyak na iyon ay isang magandang umaga," saad nito. "Mag-iiwan ako ng sulat na tayo ay uuwi ng San Mateo ngunit iba ang ating ruta. Upang mailihis natin sila kung sakaling tayo ay hanapin."

Napangiti naman ni Raya sa sinabi ni Diego. Naiisip niyang kagaya ni Karyo, isa ring maginoo at palabirong lalaki si Diego.

"Kaninang hating gabi, lumakas ang hukbo ng mga espanyol para ipagtanggol ang kabisera," saad ni Diego.

Nasipat ng mata ni Raya ang biglang pagbabago ng ekspresyon ni Diego. Kaya't siya ay nagtanong.

"Anong nangyari sa San Mateo? Ang mga umanib sa labanan? Sina Karyo?" tuloy-tuloy na pagtatanong nii Raya.

Inilapag ni Diego ang hawak niyang baso pagkatapos nitong humigop. Tumikhim siya ng kaunti ngunit hindi na rin niyang maiwasan ang pagnginig ng kanyang labi.

"Na..nahatulan na ng kamatayan si Ka Timong. Ginarote siya kahapon alas sais impunto. Ang lahat ng may kaugnayan sa kanya ay pinaghahanap. Kabilang na tayo," yumuko si Diego.

Biglang lumapit si Raya at niyugyog ang balikat ni Diego.

"Panaginip lang ito hindi ba? Paanong mahahatulan ng kamatayan si Ka Timong, eh, mayaman siya. May kaya, kaibigan niya ang mga opisyal? Hindi ba? Sinungaling ka!" sigaw ni Raya.

Tinakpan ni Diego ang bibig ni Raya.

"Sssh. May balimbing sa lugar na ito. Sa oras malaman niyang nahatulan ng kamatayan si Ka Timong, darating ang oras na babaliktad siya sapagkat wala na ang isang makapangyarihang pundasyon ng samahan," bulong ni Diego.

"Hinihintay lang kitang magising upang may lakas ka sa ating paglalakbay. Magmadali ka, kunin mo ang iyong gamit at tahimik tayong lilisan sa lugar na ito," utos ni Diego.

Tumakbo si Raya sa kwarto at isinilid ang kanyang mga damit sa bayong. Dahan-dahan siyang bumaba at lumisan.

Samantala, handa na rin si Diego sa kanilang pag-alis. Naihanda na rin niya ang kabayong sasakyan nila. Ngunit napansin niyang tila mabagal ang pagkilos ni Raya kaya minabuti niyang tignan ito sa kwarto. Ngunit sa pag-awang niya sa pintuan ng kwarto, nakita niyang walang Raya sa loob kaya't dali-dali siyang pumasok sa kusina. Hindi dumaan si Raya sa pintuan. Kung ano man ang iniisip ng dalaga'y hindi niya mawari. Kaya sinundan niya lahat ng maaring dinaanan ng dalaga. Posibleng dumaan ito sa likod ng bahay kaya dali-dali siyang pumaroon. Naaninag niya ang isang bagay mula sa malayo. Pero natitiyak niyang iyon ang bayong ng dalaga.

Tinalasan niya ang kanyang mga mata mula sa dilim ngunit ni anino ng dalaga ay di niya makita. Ni yapak ay di niya nahanap.

Kinuha niya ang bayong at kinumpirma kung ano ang laman nito. At sigurado siyang iyon ay mga gamit ng dalaga.

Mula sa kalayuan, may mga umaligawngaw na putok ng baril. Dalawang beses, tatlong beses... apat na beses.

Nagmadali niyang tinungo ang kabayo at sinundan niya ang pinagmulan ng putok ng mga baril.

"Diyos ko.." usal nito habang tuloy-tuloy na hinahampas ang puwitan ng kabayo upang bumilis ang kanilang pagtakbo.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon