Kabanata XXXVI - Ulan

6.2K 288 82
                                    

Kabanata XXXVI - Ulan

“Revise,” matatag na saad ni Macky.

“No way, boss. Pinaghirapan ko po yun eh." sagot ni Raya sa turing ng boss niya.

Nasa patio sila ng isa sa mga cottages sa resort nina Macky. Makulimlim nanaman ang kalangitan, tila nakikisama sa pagpupuyos ng damdamin ni Raya nang malamang gusto ng boss niyang si Macky na palitan ang kanyang isinulat.

“I said, revise it, change the plot. Ayokong magkatuluyan yang bida mo. I dont bet on happy endings. Ibigay mo yung female lead character sa male third wheel character. Baguhin mo ang plot. Alisin mo sa eksena si Karyo.”

“No way sir,” Paghihimagsik niya.

“Or else, I’ll fire you,” tila kulog ang naging wika ni Macky.

“P-pero boss, akala ko ba, ending lang ang ayaw niyo? Bakit ngayon, gusto niyong irevise ko mula sa umpisa? Is there something wrong with the manuscript? May mga elements ba akong nakalimutan? Marami bang grammatical errors? Promise boss, kukutuan ko yun nang maigi. Kung kinakailangang matulog ako sa office sa kaka-proofread, gagawin ko. Just dont ask me to change the plot,” may pagmamakaawa sa mata ni Raya.

Napansin ni Macky na nangingilid ang luha sa mata ng kausap niya. Sumipsip siya ng isang beses sa tasa ng kapeng hawak niya.

“Minsan, kahit anong gawin mong pagtutuwid, may mga bagay na hindi na mababago,” sagot ni Macky. “At ang bagay na hindi mababago ay ang desisyon ko.”

“Pero boss, hindi lahat ng desisyon, tama. Kaya hangga’t hindi mo alam kung kelan ka tama o mali, baka may paraan pa para mabago ang lahat?”

“Ako ang boss dito, Ms. Martinez. Ako ang nakakaalam kung anong makakabuti para sa kompanya.”

“Ibig mo bang sabihin, boss, na hindi makakabuti ang ginagawa ko? Ano bang pinupunto mo?”

“Hindi iyan papatok,” wika niya.

Lalong kumirot ang puso ni Raya sa sinabi ng boss niya. Kung kailan nahanap na niya ulit ang motibasyon niya sa pagsusulat, saka naman pinapahina ng boss niya ang loob niya. Noong panahong halos hindi na matandaan ni Raya kung paano magsulat, naroon ang mahiwagang boss niya na namimilit sa kanyang magsulat ulit ng nobela. Si Boss Macky ang maituturing niyang isa sa mga dahilan kung bakit bumalik siya sa pagsusulat, kahit na noong una’y napipilitan lang siya dahil sa kikitain niya kapag nakapagpublish ulit siya ng bago niyang libro.

Ngayon, tila bumaliktad ang lahat. Ang dating tukod niya ang siya ngayong ginagamit na pamalo sa kanya. Ang dating ulang nagdudulot ng tubig upang mabuhay siya ay naging bagyong sumasalanta sa kanyang  pangarap at tiwala sa sarili. Hindi man sila naging malapit sa isa’t isa, ngunit itinuturing na niyang kaibigan ang boss niya. At ngayong nararamdaman niyang si Boss Macky ay ang bagong katauhan ni Karyo sa hinaharap, bakit napakalupit nito sa kanya?

“Paano niyo nasabing hindi papatok ito boss? Diba ikaw na rin nagsabi sa akin na kaya ko ito? Anong nangyari boss?” nanginginig ang boses ni Raya. Gusto niyang umiyak ngayon sa harapan ng boss niya.

“Walang impact. Poor characters.”

“Yun lang ba boss? I can revise that. Gagawin kong mas descriptive!” pagtatanggol ni Raya.

“ Masyadong mahaba. Lalo na sa part na makikilala ng bidang babae ang counterpart ng mahal niya sa nakaraan sa hinaharap. It leads to a second season.”

“What’s wrong with second season boss? Wala namang masama sa  Book 2!” Pagdadahilan niya ulit.

“You don’t know what your ideas are leading to, Ms. Martinez. Hindi madaling magkaroon ng book 2 ang isang libro, practically speaking. Una, hindi mo alam kung kakagat pa ba ang mga readers sa ikalawang libro mo. Hindi lahat ng nagbabasa ay mayayaman. What if, yung una mong libro lang ang ma-afford nila? Ikalawa, minsan, nagkakaroon sila ng ekspektasyon sa libro mo. At kung di nameet ng libro mo ang ekspektasyon nila, makakaapekto ang telltales ng Book-Two Syndrome sa sales ng libro mo. Saan ka nakakita ng feedback na sinasabing mas gusto nila ang Book 2 kesa sa Book 1? Ikatlo, youre leading characters away from the setting, and away from the reality. Tama ka, fiction lang yan. But stories must reflect the lives of people. Yung makakarelate sila, para mas may impact,” mahabang paliwanag ng boss niya.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon