Kabanata XLVI - Kumot

5.8K 277 28
                                    


Kabanata 46: Kumot



I will always be Raya's man. -Jiggs

Hindi ko alam kung bakit biglang poot ang naramdaman ko kay Kuya Macky. All this time, akala ko kakampi ko siya. Akala ko gusto lang niyang mapabuti ang kalagayan ko. Hinayaan ko siyang manipulahin ang buhay ko, ang ilayo ako sa taong may koneksyon sa buhay ko. Pinaniwala niya akong normal ang aking pamumuhay. Damn! Punyeta lang. Mukha akong tanga. Nagmukha akong maamong tupa. Kaya pala hanggang ngayn, may anuman sa loob kong naisa na kumawala, maging malaya at magrebelde.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Kuya. Kailangan naming mag-usap. Pero kailangan ko ring magpakahinahon. Kailangan kong magpaka-Jiggs, hindi ang magpakamanong.

Pero sa halip na ako ang tatawag, ako ang tinawagan. Tumatawag si Aling Berta. Mukhang hihingi nanaman ito ng cash advance.

"Good morning Aling Berta, ang paborito kong landlady! Kumusta ang araw ng maganda?" pabiro kong sabi sa kanya.

"Sir Jiggs, may problema," saad nito sa mahinang tono.

"Hmm, tungkol ba sa may sakit mong anak? What can I do for you?" tanong ko sa kanya. Pero sa kabila ng utak ko, hinihiling ko n asana ay hindi ito tungkol kay Raya.

"Sir Jiggs..kasi..si.."

"Ah okay, don't worry, ako bahala sa babayarin sa ospital ng anak mo, bilang gantimpala sa mga nagawa mo sa amin!" saad ko.

"Sir, hindi poi yon, kasi.. si Raya," mahina pa rin ang kanyang boses.

"Anong si Raya?"

"Si Raya po, nawawala!" bigla nitong sabi.

"Okay, I'll be there," sagot ko.

Kinabahan nanaman ako bigla. Pero dahil cool ako, huminga ako ng kaunti, isinara ang laptop at ipinasabi ko sa sekretarya ng boss ko na may importante lang akong aasikasuhin. Nagtungo agad ako sa kotse para magtungo sa apartment ko.

Pagdating ko sa apartment, nadatnan kong naroon na rin ang kotse ni Kuya Macky. Maaring tinawagan na rin siya ni Aling Berta. In the first place, ang amo talaga ni Aling Berta ay si Kuya Macky. Siya ang nagbigay ng trabaho sa kanya at siya din ang naging utusan ni Kuya sa pagbabantay kay raya

Nadatnan kong nakahalukipkip si Kuya Macky.

"Oh, kala ko nasa Cebu ka?" tanong ko sa kanya para mawala nang kaunti ang kaba ko.

"An emergency came up," saad nito.

"Ito ba ang emergency na sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi," pagdedeny niya.

"Ano bang importansiya sa'yo ng babaeng iyan?" tanong ko sa kanya. Gustong-gusto ko nang marinig ang mga paliwanag niya.

"She's my person," tipid niyang sabi. Alam kong nag-iingat lang siya sa kanyang sasabihin.

"You fired her, wala ka nang koneksyon sa kanya!" medyo tumaas na ang boses ko.



"Aling Berta, salamat sa serbisyo, maari bang iwan mo muna kami ni Jiggs?" saad nito sa kanya na agad naming sinunod ng matanda.

Tinitigan ni Kuya Macky ang kamang hinihigaan ni Raya na walang laman kundi ang kumot na gusot.

Hinintay ko ulit siyang magsalita.

"Sa tingin ko, sa puntong ito, maaaring nagkaroon na ng malinaw na dahilan ang lahat sa iyo, pero hanggang diyan ka na lang dapat. Huwag mo nang hayaang makisali ka dito," tugon niya.

Está Escrito (It is Written)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon