Disclaimer: The first part of this chapter is told from Kyle's perspective, and he has no filter. Be prepared for explicit language and inappropriate content. Proceed with caution.
KYLE
Hindi ako halos makahinga. Hindi ko maintindihan pero para bang ito ang first time kong makikipagsex. Sobra sobra ang kaba sa dibdib ko na kulang na lang, lumabas na ang puso ko.
Sanay na sanay ako sa ganitong bagay. Ilang taon ko na itong ginagawa. Pero sa dahilang hindi ko maipaliwanag, parang lahat ay bago para sa akin. Sanay ako na hinuhubad ang lahat sa simula pa lang at agad na akong susunggaban ng kliyente ko. Iba ngayon. Hindi ko alam kung anong tawag sa ginagawa ni King, pero iba ito sa lahat ng naranasan ko.
Hindi ko maintindihan pero parang mababaliw ako sa ginagawa niyang unti-unti at dahan dahang pag-aalis ng suot ko. Gustuhin ko man siyang pigilan ay hindi ako makakilos. May kung ano sa akin na hindi ko man maamin, gusto ang ginagawa na iyon ni King. Nasasabik ako sa tuwing mabibitin ako sa ginagawa niya.
Hindi. Hindi ko maaaring tanggapin na tinatablan ako. Napakaraming beses ko na itong ginawa at nakakaraos ang mga kliyente ko na wala man lang epekto sa katawan ko. Hindi ako maaaring matangay sa nakakalunod na pakiramdam na dulot ng ginagawa ni King sa leeg ko. Gustong gusto kong humiyaw sa tindi ng kiliti nang maramdaman kong dumampi ang maiikling buhok niya sa mukha sa balat ko. Napapikit ako. Napaawang ang mga labi ko. Hindi naman niya makikita dahil abala siya sa paghalik sa leeg ko kung kaya pumikit ako sandali.
Muling pumwesto si King sa harapan ko at halos traydurin ko na ang sarili ko nang sipsipin niya ang utong ko. Muntik na muntik na akong mapaungol. Pinilit kong kontrolin ang sarili ko para huwag tumirik ang mga mata ko. Kailangang hindi mapansin ni King na tinablan na ako. Hindi maaari.
Magtatagumpay naman sana ako, kung hindi ako ipinagkanulo ni Manoy. Ngayong binubuksan na ni King nang dahan dahan ang zipper ng pantalon ko, hindi ko na napigil ang pagdaloy ng dugo sa alaga ko. Tumigas iyon na parang bakal. Ang masaklap pa, binanggit pa talaga sa akin ni King na naramdaman niyang tinitigasan ako. Nagkaroon ng ningning ang mga mata niya kasabay ng pilyong ngiti.
Bigla ko tuloy naalala yung ginawa kong panunukso sa kanya sa department store. Parang ambilis yata ng karma. Kung pwede lamang na umiwas ako ng tingin ngunit lalo naman siyang makakahalata. Kaya lang ay parang mababaliw na akong pagmasdan siya. Bitin na bitin na ako. Sabik na sabik na.
Ibinaba na ni King ang pantalon ko, at si Manoy na hindi marunong makisama, sukat ba namang pumintig nang hawakan ito ni King habang nakaluhod sa harapan ko. Hindi pa siya nakuntento at pinisil pisil pa niya iyon. Gusto kong umungol. Gustung gusto ko na.
Ilang saglit pa'y hinila na ni King pababa ang boxer brief ko. Sumampal si Manoy na parang spring sa tiyan ko. Nakakahiya. Hindi ko maitago na nalilibugan na ako talaga. Titig na titig si King sa alaga ko at napansin kong tumulo ang luha mula sa mga mata niya.
"Mon dieu." sabi niya. "Dites-moi que je ne rêve pas."
Ano bang mga pinagsasabing nitong taong 'to?
Tumayo si King sa harapan ko. Titig na titig siya sa mga mata ko habang unti unting hinuhubad ang suot na brown na jacket. Suot pa niya ang itim na v-neck na t-shirt ngunit ang lakas lakas na ng dating niya. Ang gwapo gwapo niya at lalong pinagwapo ng pataas na buhok at mga matang parang bituin sa kinang. Hindi siya nagsasalita pero lumilitaw ang malalalim na dimple sa magkabilang pisngi. Mabuti na lamang at mayaman si King, dahil kung mag-aapply siya sa club, tiyak na may tulog ako.
Dahan dahang hinubad ni King ang suot niyang t-shirt. Pinigil ko ang hininga nang lumantad sa harapan ko ang halatang pinaghirapang katawan. Parang wala nang ibang ginawa si King kundi ang pagandahin ang katawan niya sa gym. Hindi ko napansin na nakagat ko na pala ang labi ko. Sa sandaling iyon, parang may bahagi sa akin na gustong lapitan si King at sunggaban. Parang gusto kong magprisintang ako na ang magtatanggal ng damit niya. At higit pa doon, parang gusto kong traydurin ang sarili ko at ako mismo ang humalik sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
Mon Amour (My Love)
RomanceA Sequel to 'The Other Half' Angelo returns home from France after six years, wealthy and accomplished. Yet, despite his success, he is still a virgin. He's determined to lose his virginity by any means necessary. Then he meets Kyle, a striking and...