CHAPTER 10

1K 112 29
                                    

KYLE

Itinulak ko nang malakas ang dalawahang pinto na may spring. Gulat na mga mukha ng mga katrabaho ko at ilang kostumer ang sumalubong sa akin. Dumeretso ako sa dressing room. Mainit na mainit ang ulo ko at palagay ko'y masisigawan ko ang kahit sinong humarang sa daraanan ko.

Galing ako sa pipitsuging motel hindi kalayuan sa club kung saan ako nagtratrabaho. Doon lang ako dinala ng bading na kliyente na nag-book sa akin mahigit isang oras na ang nakakalipas.

"Aba, Kyle. Para kang bagyo ah. Dahan dahan naman ng kilos." bati ni Papi. "Mabuti na lang at dumating ka na. Maghanda ka na dahil mamaya konti, may kliyente ka na naman."

"Maliligo muna ako, pwede?" iritable kong tanong sabay hubad ng polo kasunod ang pantalon. Wala akong pakialam kung may mga nakakakita sa akin. "Tang ina, nakakadiri yung baklang gurang na iyon. Ang baboy! Nilaway lawayan ako eh ang baho baho naman ng bunganga. Puta, kadiri talaga. Sa susunod nga wag niyo na iyon papapasukin dito!"

"Pwede ba naman iyon?" tanong ni Papi, nakataas ang kilay. "Basta ba may pambayad siya, bakit babawalang pumasok? Para iyon lang eh. Hindi ka pa ba sanay na malawayan?"

"Leche!" sigaw ko. "Ikaw kaya? Tang ina, pakiramdam ko ilang araw akong hindi makakakain dahil sa ginawa niya." Inamoy ko ang kahuhubad ko lang polo. "Putang ina kumapit yung amoy ng laway niya o! Nakakainis! Bwisit!"

"Hoy, Kyle, umayus-ayos ka!" sigaw ni Papi. Naglapitan ang ilang kasamahan kong kolboy at hinagod hagod ang balikat ni Papi. Yung iba naman, ako ang hinimas-himas sa likod. Para siguro wag na akong sumagot. Alam kasi nila na kapag nagtuloy-tuloy ang sama ng mood ni Papi, pati sila madadamay.

"Eh nakakainis kasi!" sabi ko.

"Brad, awat na. Si Boss ang kausap mo o." sabi ni Troy na nakapolo lang pero walang pantalon. Kasalukuyan yatang nagbibihis nang mag-umpisa ang sagutan namin ni Papi at hindi na nagawang tapusin bago umawat.

"Eh bakit pati ako, sinisigaw-sigawan mo? Parang kasalanan ko pa na nagkaroon ka ng kliyente." Nakapamewang si Papi pero alam kong kalmado na siya dahil panay ang yakap sa kanya ni Allen, ang kasamahan kong kolboy na lagi niyang tinitikman dahil kahit hindi kagwapuhan eh ang laki laki ng kargada. "Parang ka-level mo lang ang kausap mo ah. Sinasabi ko sa iyo, Kyle. Hindi por que ikaw ang laging pinipili ng mga kliyente eh magdadalawang isip akong tsugiin ka kapag ako napuno sa'yo. Ang dami dami mo nang reklamo ah. Nakatikim ka lang ng mayaman at malinis na kostumer, tumaas na bigla ang standard mo! Di bale sana kung laging may kagaya nung mayaman na kliyenteng iyon na pupunta at bibilhin ang buong gabi mo."

Natahimik ako. Bigla kong naalala si King. Ang gwapo at mayamang si King. Sabi niya, ibu-book daw niya ako ulit. Kailan kaya niya gagawin iyon? Halos isang linggo na ang lumipas mula nang mangyari yun sa amin.

Tama si Papi. Ngayong naranasan ko nang makipagsex sa isang kagaya ni King, ramdam na ramdam ko ang malaking kaibahan niya sa iba pang mga kliyente. Para bang lahat ng iba, nakakadiri na. Kung maaari lang na siya na lang lagi ang maging kliyente ko.

Gustong gusto ko siyang itext at sabihang ibook niya ako ulit pero ayaw kong mag-isip siya ng kung ano tungkol sa akin. Ayaw kong magmukhang naghahabol. Sa isang mayamang katulad ni King, nagkataon lang na ako ang naibook niya nang gabing iyon, at dahil hindi siya masyadong nasiyahan sa akin, maaaring ibang lalaki naman ang piliin niya sa susunod. Marami siyang pera at hindi imposibleng mangyari iyon.

Naligo ako at muli kong isinuot ang dilaw na polo na may mahabang manggas at itim na pantalon bagamat diring diri ako dahil nakakapit na doon ang laway ng balahura kong kliyente kanina. Wala naman akong magagawa. Iyon lang ang damit ko at malayo ang boarding house para makapagpalit pa ako. Sinuklay ko nang maayos ang itim na itim, malambot at bahagyang maalon kong buhok at ginawang presentable ang sarili ko.

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon