CHAPTER 37

560 87 22
                                    

RICCO ANDRE

"Kuya, I'm so sorry. Wala kaming kaide-idea. We would have stopped her, had we known it." sabi ni Aunt Charlie. Hiyang hiya siya at hindi halos makatingin sa mga magulang ko.

Pagkaalis ni King, pinapunta kami ni Papa Allie sa sala at pagkatapos ay tinawagan niya ang mga magulang ni Rose. Kung ako ang masusunod, magkukulong ako sa kwarto ko. Sa sobrang hiya ko dahil sa nangyari, parang wala akong lakas ng loob na harapin silang lahat. Isa pa, hindi ko maipaliwanag pero hilong hilo ako at antok na antok. Na kahit ang gulo gulo ng paligid, makakatulog ako kung hindi ko pipigilan ang sarili ko.

"Pinapayagan namin siyang magpunta nang magpunta dito sa inyo kasi buong akala namin, nagpupunta si Rose dito kasi alam niyo na, walang malisya, cousins eh." dagdag pa ni Aunt Charlie.

"I agree. Pasensya na talaga, for all the mess, Sir Allie, Sir Rodel." sabi naman ni Uncle Martin, na bagamat nakakatingin sa mga magulang ko ay kitang kitang nahihiya rin.

"We're sorry too. We should have seen it coming. Naiwasan sana. Pero gaya nga ng sabi mo, Charlie, this is something that we wouldn't expect. Magpinsan sila eh." tugon ni Papa Allie na dismayadong dismayado pa rin.

Dahil doon ay lalo akong napayuko. Ginaya naman ako ni Rose. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya pero nang mga sandaling iyon, parang gusto ko siyang saktan. Wala naman talaga akong kasalanan eh. Maging ako, nabigla sa mga pangyayari. Ang alam ko lang, dumating si Rose bago gumabi. Nanood kami ng balita sa sala kasama sila Papa Allie at Papa Rodel. Tapos, tinawag na kami ni Ate Joanna para maghapunan.

Hindi ko na nga halos naubos ang pagkain ko dahil nakaramdam na ako ng antok. Nahiya lang akong magpaalam na uuna nang pumanhik kaya hinintay ko silang matapos at dumeretso na ako sa kwarto ko. Hinubad ko lahat, maliban sa boxer ko at tumalon na ako sa kama. Wala na akong narinig o nalaman pagkatapos nun dahil mabilis akong nakatulog.

Naramdaman ko na lang na may nakapatong sa akin at nang dumilat ako, si Rose ang tumambad sa paningin ko. Wala siyang damit. Bukas ang ilaw sa kwarto. At ang pinakamalala pa doon, si King, naroon sa pinto at nakatingin sa amin.

At para bang huli na ang lahat para ipaliwanag ang side ko. Ang bilis ng pangyayari. Nagkagulo na. Nasaktan na ang mga dapat masaktan, maging ang mga hindi dapat masaktan. Ah basta. Napakagulo. Hiyang hiya ako sa mga nangyari. Lalo na sa mga magulang ko. Higit pa roon, sobra akong naghihinanakit dahil alam kong nasaktan na naman nang labis si King.

Dinampot ko ang unan sa sofa at itinakip sa mukha ko. Paano, humikab na naman ako at sandaling nawala ang focus ko sa pinaguusapan. Bakit nga ba ako antok na antok? Ako, na sanay na sanay sa puyatan? Nakapagtataka.

Teka...

Bigla kong naalala ang eksena habang naghahapunan kami. Nagpresenta si Rose na magtimpla ng juice sa halip na si Ate Joanna. At nang bumalik siya sa lamesa ay bitbit na niya ang pitsel na puno ng tinimpla niyang 'four seasons' at may nakalagay sa bukod na baso. Ibinigay niya iyon sa akin.

Hindi kaya...?

Tang inang Rose ito. May ipinainom yata sa akin para magawa niya ang gusto niya! Putang ina. Gigil na gigil ako at kung hindi lang nakakahiyang gumawa ng panibagong eksena, mumurahin ko talaga siya. Pero pinigil ko ang sarili ko. Minabuti ko na lamang na manahimik.

"Whatever happened, it cannot be undone. Pero pwede nating putulin." mahinahong sinabi ni Papa Rodel. Inayos niya ang pagkakasuot ng salamin. "We will do our best, para macorrect 'to. Ricco will be grounded. We'll confiscate his phone. He won't be allowed to see Rose and any of her friends. After all, it won't be very difficult kasi he just stays here."

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon