RICCO ANDRE
Napatingin ako nang tumunog ang mahinang beep kasunod ng pagbukas ng pinto ng office ko. Pumasok si Azalea na nakakunot ang noo. Hindi siya bumati sa akin o tumingin man lang. Umupo siya sa office chair niya at tila wala sa sariling tumulala.
"Are you OK?" tanong ko na ikinagulat niya. Mulagat siyang tumingin sa akin.
"Oh. Kuya Ricco! Andito ka pala."
Tumayo siya at lumapit sa akin. Pagkatapos ay niyakap ako nang mahigpit. Mas mahigpit at mas matagal kaysa sa usual niyang ginagawa.
"Happy Birthday, Kuya Ricco." sabi niya habang umiiyak. Dahil doon ay hindi ko napigilang macurious, and at the same time, magalala.
"What's going on?" tanong ko. "Bakit umiiyak ka?"
Kumalas siya sa pagkakayakap at tumitig sa mga mata ko. "Wala ka bang napapansin? Kahit ano? Since you came in this morning?"
Umiling ako. "Well, maliban sa kakaibang titig ng mga tao mula pa sa lobby, pati na sa elevator, eh wala naman akong ibang napansin. Inisip ko, baka may pinaplanong surprise sa akin ang mga empleyado. Kaya nagpatay-malisya na lang ako." sabi ko, sabay tawa.
Pero hindi natawa si Azalea. Tumingin lang siya sa akin na para bang isa akong baliw na hindi alam ang mga sinasabi ko. Maya maya pa ay umiling siya. "How could you be so naïve, Kuya Ricco?"
Bumalik siya sa upuan niya at bumuntong hininga.
Sinundan ko siya at tumayo ako sa harap ng desk niya. "Aren't you going to tell me? Hindi kita maiintindihan unless you make yourself clear."
Muli siyang bumuntong hininga. "Bakit ngayon pa, of all days? Kung kailan birthday mo. I'm so sorry, Kuya Ricco."
Hindi ako sumagot at tumingin lang ako sa kanya. Nakakaubos ng pasensya ang magpaulit ulit ng tanong.
"Right now, as we speak, lahat ng employees ng IGC, from the BODs down to the housekeeping, naroon sa labas ng building at nagrarally."
"What?" gulat at hindi makapaniwala kong tanong. "Are you serious?"
Lumapit ako sa glass wall na natatakpan ng blinds. Akma ko sanang hihilahin ang isa para tumaas nang pigilan ako ni Azalea.
"Don't. They might see you."
Dahil doon ay nabitawan ko ang beaded na tali.
Tumungo si Azalea, kasabay ng panibagong batch ng luha na tumulo mula sa mga mata niya. "Maliban sa'yo at sa akin, there's not a single soul na narito ngayon. Kahit yung secretary mo, naroon ngayon sa labas. They are determined to stay outside and protest, and they will continue to do it hangga't hindi ka lumalabas, which will signify na binibitawan mo na ang position mo as CEO."
Nanlulumong napaupo ako sa office chair ko. "So it's finally happening." mahina kong sinabi.
"I don't understand. Bakit ginagawa nila 'yun?"
Tumingin ako kay Azalea, medyo frustrated sa idea ng tanong niya.
"We're sinking, di ba? They just want to throw the captain into the sea and not wait for the ship to reach the seabed before they do something."
"But you are not just the captain. YOU are the owner of the ship! Paano ka nila mapapaalis sa sarili mong company?"
Umiling ako. "Not anymore, Azalea."
"What do you mean?" mainit niyang tanong. "Kay Uncle Allie ang company di ba? Sa Grandpa mo, kay Engineer Samuel? Can you fill me in? Last time I checked, you're an Ibarra. Di ba? So what are you saying now?"
BINABASA MO ANG
Mon Amour (My Love)
RomanceA Sequel to 'The Other Half' Angelo returns home from France after six years, wealthy and accomplished. Yet, despite his success, he is still a virgin. He's determined to lose his virginity by any means necessary. Then he meets Kyle, a striking and...