CHAPTER 41

658 94 33
                                    

RICCO ANDRE

"Engr. Ibarra, he's here."

Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko.

"Very well. Let him in, Miss Chavez. Thank you."

Pumasok siya - si Doctor Aaron Gabriello Icarus.

At para bang huminto sa pag-ikot ang mundo.

Humalimuyak sa kabuuan ng board room ang amoy ng pabangong pamilyar na pamilyar para sa akin - ang Le Mien ng Parfum Français. Isang tao lang ang nagmamay-ari ng pabangong iyon. Walang iba kundi ang mismong gumawa nito.

At iyon nga. Ang inaasahan naming lahat na foreigner na CEO ng AG Icarus Laboratories, ay hindi ko sukat akalain, walang iba, kundi si King.

Para akong aatakihin sa puso.

Napakagwapo niya. Parang mas tumangkad pa siya at mas gumanda ang katawan. Pumuti din ang kulay ng balat. Manipis ang gupit ng platinum na buhok. May manipis na bigote at balbas sa palibot ng mukha. Nakat-shirt lang siya na kulay itim kaya kita ang mga tattoo sa magkabilang braso. Nakasuot na siya ng salamin sa mata na talaga namang nagpagwapong lalo sa kanya.

"Mr. Lucas?" gulat na gulat na tanong ng isang board member nang makilala ang dati nilang CEO.

"Yes, it's me." kaswal niyang sagot. "Why do you seem frightened? Do I resemble a ghost?"

Ang strong ng British accent. Hindi ko maiwasang mapanganga. Nagulat ako nang tumingin siya sa akin at ngumiti. "Mr. CEO. Good morning."

Hindi ako makahuma. Hindi ako makapagsalita. Gulat na gulat ako kung kaya maging pagkurap ay hindi ko magawa. Tama ba ang nakikita ko at naririnig? O nililinlang lang ako ng isip ko? Si King, na kay tagal ko nang hinahanap at hinihintay, narito na mismo sa harapan ko?

"Mr. Ibarra?" muli, ay nakangiting sinabi niya. "Aren't you going to speak up?"

"Kuya Angelo." si Azalea, na gulat na gulat din. "It's really nice to have you back. However, there must be some mistake. We are expecting a meeting with Doctor AG Icarus, and not -"

"You've got the correct person, Mrs. Javier, my cousin. Didn't you receive my email earlier today? I sent it to you directly."

Napatakip si Azalea sa bibig. "You are Aaron Gabriello Icarus?"

Tumango si King at pagkatapos ay komportableng umupo sa isa sa mga upuang nakapalibot sa mahabang mesa.

"Mr. Lucas, if you are saying that you are Dr. Icarus, does that mean you own AG Icarus Laboratories?" takang tanong ng isa sa mga BOD.

Kumunot ang noo ni King. "What sort of question is that? Who else would be the owner apart from myself? Come on, folks, you're squandering my time."  Humalukipkip siya at tumingin sa suot kong necktie. Nakakahiya dahil hindi ko na nagawang palitan dahil nadistract na nga ako sa idea na paparating ang may-ari ng AG Icarus. Anong iisipin niya sa akin? Nakatapos na ako at naging CEO at lahat, dugyot pa rin ako?

"Anyway, as it appears that your new CEO isn't ready to begin yet, allow me to explain the reason for my presence here. This will be brief. My answer is No. AG Icarus Laboratories won't be joining IGC."

Natahimik ang lahat. Bakas ang matinding pagkabigla sa mukha ng ilan at pagkadismaya naman sa iba.

"Why not? IGC is one of the most successful companies here in the Philippines. With that, mas lalong makikilala ang products mo, if you partner with us." sabi ng isa pang BOD.

Tumawa si King at umiling iling. "You're jesting, aren't you? Do I appear to be someone in need of fame and figures? Is that truly your motive for wanting my company to merge with yours? Allow me to be direct. I believe it's you who stands to benefit from our association, not the other way around. Am I correct?"

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon