CHAPTER 27

621 92 16
                                    

KYLE

Dumating ang araw na kinatatakutan ko.

Alam kong walang dapat ikatakot dahil naroon si King sa tabi ko pero hindi ko maiwasang mag-isip kung anong klaseng pamilya ang ipakikilala niya sa akin. May ideya na ako na mayaman at malakas ang impluwensya ng pamilyang kinabibilangan ni King pero hindi ko pa rin talaga alam kung gaano. Alam ko na sa isang tulad ko na napulot lamang sa basurahan, pinilit na bihisan at pabanguhan, ay lalabas at lalabas pa rin ang tunay na amoy kapag naihalo na sa tunay na marangya at mataas ang lugar sa lipunan.

Natatakot ako na mahusgahan, hindi tanggapin, pandirihan at layuan sa oras na malaman ng mga ito kung ano ang totoo. Maliban doon, lalaki ako, at lalaki rin si King. Yun pa lang ay hindi na ganoon kadaling tanggapin. Nagaalala ako na mabibigyan ko ng malaking problema si King. Oo, mukhang OK lang siya at parang wala siyang inaalala, pero sapat ba iyon para mapanatag ang loob ko?

Kung sabagay, wala naman akong hindi kayang harapin. Ginusto ko ang bagay na ito, at kahit baligtarin man ang mundo, pipiliin kong mahalin si King. Dahil doon ay wala akong ibang magagawa kundi ihanda ang aking sarili na harapin ang lahat ng maaaring mangyari. Bahala na.

"Are you comfortable?" tanong ni King.

Hindi ako sumagot at pinagmasdan ko lang siya. Mugto pa ang mga mata at halatang katatapos lang umiyak. Kalilibing lang ng lolo niya, at alam ko, nagluluksa pa siya.

Huminga ako nang malalim at nginitian ko siya nang tumingin siya sa akin.

"You're anxious. They're nice people, Kyle. I'm sure they'll like you."

Tumango ako. "Sana nga, King. Kinakabahan lang ako pero gusto ko na rin talagang makilala ang -"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil may biglang pumasok sa isip ko.

"Akalain mo yun? Mahal nga siguro talaga kita, no?"

"Why?" takang tanong naman niya.

Tumawa ako. "Eh paano, minahal kita, nagtiwala ako sa'yo. Tapos, ang alam ko lang, pangalan mo ay King. Bukod doon, hindi ko man lang alam ang apilyedo mo."

"Apilyedo? You mean my last name?"

Tumango ako.

Kumunot ang noo ni King. "Really? Are you sure? I didn't know that. I thought I told you already."

"Hindi nga. Ang nakapagtataka eh hindi ko man lang din naisip na alamin. Kahit si Jane, hindi ko natanong."

"That's weird."

"So ano nga? Sasabihin mo na ba o tatanungin ko pa si Jane?"

Tumawa nang malakas si King. "No need. I'll tell you now."

Ewan ko. Pero bigla na lang, kumabog nang malakas ang dibdib ko.

"Actually, King is just a nickname. My real name is Angelo Roi. Angelo Roi Ibarra-Lucas."

Natigilan ako. Nang sandaling iyon, pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko. Nahilo ako at umikot ang paningin ko. Nanlabo ang mga mata ko. Para akong mawawalan ng malay-tao. Angelo Roi Ibarra-Lucas? Totoo ba ang narinig ko? Nananaginip lang ba ako?

Kasabay ng pagtulo ng luha ay tila isang bangungot na lumangoy ang aking isipan sa isang napakadilim na alaala. Alaala na kay tagal ko nang ibinaon sa limot.

"Ciao! Come ti chiami?" sabi ko sa isang batang lalaki na nakita ko sa gilid ng barko. Kung ako ay nakabihis nang maayos at mamahalin ay tila luma at kupas ang suot ng batang iyon habang tahimik na nakamasid sa engrandeng pagtitipon na idinaos sa deck ng barko. Naroon ang mga magulang at ang kuya ko sa loob. Naisipan ko lang lumabas dahil sobra na akong naiinip.

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon