One year later...
RICCO ANDRE
Bahagya kong hinawi ang mataas na pulang telon na nagsisilbing tabing sa backstage, sapat upang masilip ko ang auditorium ng theater. Diyos ko. Napakaraming tao. May humigit kumulang isang oras pa bago magsimula ang performance ng mga estudyante pero tila wala nang uupuan ang mga taong paparating pa lamang upang manood.
Culminating activity ng mga estudyante ko sa music school. Graduation day nila. Simpleng recital lang naman sana ang mangyayari - kakanta at tutugtog lamang sila ng mga instrumento sa entablado. Pwede na sanang idaos sa simpleng venue basta may stage at enough na space para sa mga manonood.
Pero dahil hindi simpleng tao lamang si King, hindi siya pumayag.
Months ago, nalaman namin mula sa attorney ni Grandpa Samuel na may pending na project ang IBDC (Ibarra Builders and Development Corporation). Isang tanghalan na connected sa foundation na kanyang itinatag noon para sa mga batang lansangan. Ang sabi ng attorney, may budget na raw na nakalaan at may blueprint na din. Sadyang hindi lang naituloy dahil nagkasakit na si Grandpa Samuel at kalaunan nga'y sumakabilang-buhay na.
Kaya naman hindi nagaksaya ng panahon si King at agad na kinontak ang mga kilala niyang engineer at architect at nagemploy ng mga tao upang isakatuparan ang naiwang project ng aming lolo.
At ngayon, ang mga estudyante ko sa music school ang pinaka-unang magtatanghal sa entablado ng bagong bagong teatro na pinangalanang "Echoes of Dreams Theater" na isinunod sa pangalan ng music school.
Ticketed ang event. Tulad ng naunang culminating activity, ang mapagbebentahan ng tickets ay mapupunta sa mga bata, para sa kanilang formal education, at para bigyan ng maliit na allowance ang mga volunteer na nagaassist sa akin sa pagtuturo, dahil again, non-profit ang music school ko.
Para ipromote ang event, nag-assign si King ng marketing team kaya umabot hanggang sa social media ang announcement tungkol dito. At dahil sa celebrity status ko, at kilalang personalities din si King at ang mga tao sa paligid namin, sold out ang seats. Maraming gustong manood. Kinailangan pa naming gawan ng second and third sets ang event. Tinanong ko naman ang mga bata at wala namang problema sa kanila. Gustong gusto pa nga nila. Humihirit pa ng fourth set.
Nasa third set na kami (third day), at successful naman ang naunang dalawa. Medyo may kaunting sablay sa performances ng mga bata, pero hindi naman big deal. Hindi naman sila mga pro, kaya hindi dapat magexect masyado ang mga tao. Ganumpaman, sinabihan ko sila na ibigay ang best nila sa last day ng event, at tandaang mabuti yung mga corrections para hindi na nila maulit yung mistakes nila.
Nalaman ko sa marketing team na may dadating na mga influencers and vloggers na icocover ang event para sa content nila. Sinabi rin nila na may mga artista at talent scouts din na nagpakita ng interes kung kaya sinabihan ko ang mga bata na galingan nila, lalo na kung pangarap nilang maging singer o musician, eh pagkakataon na nilang madiscover. May mga pulitiko rin daw na dadating, at malaking opportunity iyon upang ilapit na mabigyan ng scholarship ang mga bata para sa kanilang pag-aaral.
Huminga ako nang malalim at binitawan ko na ang telon. Hindi ko maintindihan kung bakit mas grabe ang kaba ko ngayon kung ikukumpara sa naunang dalawang set.
"Coach, marami na pong tao?" Halos mapatalon ako sa gulat. Nasa likuran ko na pala ang ilan sa mga estudyante. Humarap ako sa kanila at ngumiti.
"Yes. Just like day 1 and day 2, puno ulit. Mukhang mas marami pa today."
"Hala..." sabi ng isang batang babae at tumingin sa mga kasama niya bago sila bumungisngis na tila umaarteng natatakot na ewan.
"O, baka naman kabahan na naman kayo, ha?" nagaalala kong sambit. "Hindi makakatulong sa performance niyo 'yan. Focus. At lagi niyong iisipin na magaling kayo."
BINABASA MO ANG
Mon Amour (My Love)
RomanceA Sequel to 'The Other Half' Angelo returns home from France after six years, wealthy and accomplished. Yet, despite his success, he is still a virgin. He's determined to lose his virginity by any means necessary. Then he meets Kyle, a striking and...