CHAPTER 66

520 71 35
                                    

Disclaimer: This story is a work of fiction. The portrayal of substances, particularly Propofol, is purely fictional and for creative purposes. It is not intended as a recommendation, endorsement, or guide for any real-world use. The author does not endorse or encourage the misuse or mishandling of any substances mentioned in this story. Readers are advised to exercise caution and discretion. The narrative is crafted for entertainment purposes only, and any resemblance to real events or persons is coincidental.

RICCO ANDRE

Mula sa lapag kung saan ako bumagsak, tumingin ako sa kanya. Madilim, sapagkat walang ilaw sa buong bahay ngunit sapat ang liwanag na nanggagaling sa paligid upang maaninag ko ang mukha niya. May kung anong kakaiba sa kulay niya - parang translucent - na kung pakikinggan ko ang sinasabi ng isip ko, tila ba hindi siya buhay, na para siyang isang multo.

Tahimik lang din na nakatingin sa akin si Papa Rodel. May kung ano sa akin na gustong tumakbo palayo, pero malaki ang bahagi na gustong mag-stay at alamin ang totoo. Hindi ko alam kung tunay ba ang nakikita ko o pinaglalaruan lang ako ng paningin ko.

Maya maya pa'y hinawakan niya ako sa braso at hinila ako patayo, at pagkatapos ay niyakap ako nang mahigpit na mahigpit. Doon na tumulo ang luha ko. Si Papa Rodel na nga ito. At nagbalik na nga siya. Sa wakas.

"Oh mon dieu," si King na hindi na nag-aksaya ng panahon at kaagad na nakiyakap sa amin. "Papa Rodel, is that really you?"

"Shhhh." Kumalas sa pagkakayakap sa amin si Papa Rodel sabay tapat ng daliri sa kanyang bibig. "Keep it down," halos pabulong niyang sinabi.

Lumakad papasok sa bahay si Papa Rodel at sumunod lang kami na parang mga bata.

"What's going on, Papa Rodel?" si King. "Don't get me wrong. It's a delight to finally see you, but what are you doing here now, at this moment? It's confusing me."

"Angelo, I said keep it down," halos pabulong pa rin na sinabi ni Papa Rodel. "Where is your Papa Allie?"

"We should be asking you that!" Hindi ko napigilan ay napalakas din ang boses ko dahil sa pagaalala. "He's supposed to be here."

Sandaling tumingin sa akin si Papa Rodel at pagkatapos ay bumuntong hininga. "Hay naku. You boys don't know how to keep quiet."

Tumigil siya sa paglalakad nang makarating kami (sa tantiya ko) sa living room. Pinindot niya ang switch at agad na kumalat ang liwanag sa paligid at medyo napapikit pa ako dahil sa pagkasilaw.

Narinig kong napasinghap si King kung kaya agad akong tumingin sa paligid at nagitla ako sa nakita ko.

May basag na mga vase na nakakalat sa carpet at sa onyx floor, katabi ng isang kitchen knife. Basag din ang salamin ng coffee table. Tanggal sa pagkakakabit ang isang curtain rod at nasa lapag ang mga kurtina.

"Blimey! Are they dead?" tanong ni King. Bakas ang takot sa tinig. May dalawang tao na nasa sala. Nakilala ko yung isa, yung lalaki. Si Kuya Jason. Nakahiga siya sa mahabang sofa at walang malay. Yung isa, babae na kulot ang buhok. Nakahiga siya sa lapag, patalikod mula sa kinatatayuan namin kung kaya hindi ko makita ang mukha niya. Isa sa mga kurtina ay pinagpupunit at ginamit upang ipanggapos sa katawan niya. Napatakip ako sa bibig ko dahil kung hindi ay mapapasigaw ako.

"No, they're not," tugon ni Papa Rodel. "They're just in deep sedation. Matapang yung gamot na naiturok sa kanila."

"Was it Propofol?" tanong ni King.

"Yes."

Lumakad si King para lapitan ang dalawa at pinagmasdan ko lang siya. Masyado pa rin akong terrified sa idea kahit na sinabi ni Papa Rodel na tulog lang yung dalawa.

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon