CHAPTER 52

550 76 20
                                    

RICCO ANDRE

Pakiramdam ko, pinagsakluban ako ng langit at lupa. Ipinagpag ko ang nanginginig kong mga kamay habang pinagmamasdan ko ang namumugto kong mga mata sa salamin. Hindi ko mapaniwalaang nangyayari ito. Hindi ko sukat akalaing aabot sa ganito.

Naghilamos ako para huwag mahalata ng mga tao na umiyak ako. Hindi maganda ang timing. Dapat, masaya lang, dahil first birthday ni Jace, anak ni Azalea. At sa resort namin (Ibarra) ang venue ng celebration.

Paglabas ko ng restroom, saktong palabas din si Azalea sa pambabaeng restroom. Nagkatinginan kami.

"O, Kuya Ricco." gulat niyang sinabi. "You're here pala. Kanina pa kita – wait, are you OK?"

Tumango ako at pinilit ngumiti. Kumunot ang noo ni Azalea.

"You don't look OK." Hinawakan niya ang noo ko. "Are you sick? Umiyak ka ba?"

Umiling ako. "I'm OK, Azalea. Ano ka ba?"

Pero hindi pa rin siya mukhang convinced. "Wait, parang alam ko na."

"Ang alin?" maang-maangan kong tanong.

Umiling siya at naging malungkot ang mukha. "Naririnig ko rin kasi ang mga usap-usapan ng mga tao sa company, Kuya Ricco. Kaya may idea na ako kahit paano. Hindi ko lang magawang sabihin sa'yo kasi hindi ko rin alam kung paano. Hindi ko rin kasi mapaniwalaan."

Hindi ko nagawang magsalita.

"Unstoppable na ba?"

Tumango ako. "I tried to fool myself, tried to tell myself this isn't happening. But this is real. Lahat halos ng lines natin, either nalulugi, or maliit ang naprepresent na numbers. We're not hitting the mark, for several months now. We're sinking."

Napatakip sa bibig si Azalea. "God. I'm so sorry, Kuya Ricco."

"It's not your fault, Azalea."

"I feel responsible too. Aaminin ko Kuya Ricco, I've seen it coming. I'm so sorry. Sana mas natulungan pa kita. Kaya lang, ang hirap din pagsabayin ng work at ng pagiging nanay at asawa kung kaya I stepped down from the position kahit na alam kong hindi ka pa gaanong ready."

"You don't need to be sorry. Wala namang may gustong mangyari 'to." sabi ko. Pero ang totoo, nasa isip ko ang lahat ng iyon. Bakit nila ako hinayaan at ibinigay sa akin ang napakabigat na responsibilidad na iyon, kahit wala akong kaalam-alam?

"Does Uncle Allie know already?"

Umiling ako at tumingin sa direksyon ng resort kung saan dinadaos ang birthday party. "No, not yet. Wala pa kong courage to let him know, Azalea. Nahihiya ako. Kung magkakataon, lahat ng pinaghirapan ng grandfather ko, all those years, mapupunta lang sa wala. Hindi ko matanggap iyon."

Itinakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko. Hindi ko napigilang muling maiyak. Naramdaman kong hinagod ni Azalea ang likod ko.

"Wag mo na munang isipin 'yan, Kuya Ricco. Kahit today lang. Pag nakita ka nilang ganyan, baka makahalata sila, lalo na si Uncle Allie. Kahit today lang, palipasin lang muna natin 'tong birthday ni Jace. Then, let's plan together. Malay mo, makaisip pa tayo ng solusyon."

Inalis ko ang takip ng mukha ko at sisinghot singhot na dumukot ng panyo mula sa bulsa para punasan ang basa kong mukha. Sana ganoon kadali. Sana magawang tangayin ng masasayang tugtog at palaro ng children's party ang bigat ng nararamdaman ko. Sana, madaan sa magic tricks ng clown na maglaho na lang ako bigla. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang susunod pang mga araw.

*

Gumagabi na at unti unti nang nauubos ang mga tao. Isa isa nang naguuwian ang mga bisita – lalo na yung may mga anak na dumalo sa children's party. Tapos na ang party ni Jace at puro grown-ups na lang ang naiwan na nagiinuman at nagvivideoke sa venue – karamihan ay mga kabarkada o kamag-anak ni Jared (asawa ni Azalea).

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon