CHAPTER 67

544 52 22
                                    

RICCO ANDRE

"Hey, Kenjie! Kumusta? Napatawag ka?"

"Nakita ko kasing online ka, Kuya," sagot niya sabay tawa. "Kaya tinry ko. Ang aga mo yatang nagising?"

Almost 5 AM na. Anong oras na rin natapos ang munti naming family reunion dahil sa muling pagbabalik ni Papa Rodel at sa pagkakabunyag ng totoo tungkol kay Rose. Kung hindi pa naghikab nang paulit ulit si Azalea at sinabing uuwi na siya dahil malapit nang magising si Jared para maghanda sa pagpasok sa trabaho at walang maiiwan sa tabi ni Jace, hindi pa sila mapupuknat sa pagkwekwentuhan.

Nauna na silang umalis (sila Uncle Nelson, Aunt Kevin, at Azalea) at maya maya pa'y nagpaalam na rin sila Uncle Martin at Aunt Charlie, pero bago umalis ay muling humingi ng dispensa sa amin ni King at niyakap pa kami. Nangako naman si King na bibisitahin si Rose para makausap at malaman ang totoong dahilan kung bakit siya nagkaganoon.

Si Uncle Marco naman ay nagpasyang magsleepover - kasama ni Kuya Jason. Biniro pa nga sila ni Papa Rodel na baka hindi pa sila matulog kaagad at may gawin pang kung ano ano, na ibinalik naman kaagad ni Uncle Marco sa kanya, dahil paniguradong namiss nila ni Papa Allie ang isa't isa.

Si King, matapos akong halikan sa bibig (sa harapan ng mga magulang namin), ay umakyat na sa kwarto niya. Hindi na daw niya kayang pigilan ang antok niya. Ganoon din ang ginawa ko. Pero dahil sa dami ng nangyari, gising na gising pa din ang diwa ko, kung kaya napagpasyahan kong magbukas muna ng social media at magbrowse. Maya maya nga'y nagvideocall na si Kenjie.

Nasa England si Kenjie, sa London, kung saan naroon ang AG Icarus Laboratories ni King. Dahil hindi na ako ang CEO ng IGC, at si King na ang may-ari ng company, nagsabi ako syempre sa kanya kung may job offer ba na pwede kay Kenjie dahil nangako ako na bibigyan ko ito ng trabaho. Kung sa music school ko naman kasi, non-profit yun kaya allowance lang ang natatanggap ng mga volunteers. Hindi pwede si Kenjie doon.

Nang malaman ni King na si Kenjie ay anak ni Nanay Rowena, ang ginawa ay nagoffer ng scholarship para makapag-aral ito sa London, and at the same time, makapag-part time sa AG Icarus Laboratories. Hindi ko inaasahan na ganoon kabilis na tatanggapin ni Kenjie ang offer. Kung sabagay, once in a lifetime opportunity iyon. At ang kikitain niya ay di hamak na mas malaki kaysa sa pagbabarista sa umaga at pagbebenta ng katawan niya sa gabi dito sa Pilipinas.

"Actually, matutulog pa lang ako." sagot ko na sinundan ng tawa.

"Hala." Tumitig muna siya nang ilang segundo sa cellphone niya. Kita ang pag-aalala sa gwapong mukha. "Anong oras na, ah."

"There's just a lot going on lately. Pero patulog na din ako." Sumampa ako sa kama at itinakip ang kumot sa katawan ko. "Kumusta ka naman? How's the London life treating you?"

"Mabuti naman, Kuya," tugon niya. "Sobrang busy lang sa pag-aaral, tapos sa work. Pero okay lang. Naninibago pa rin ako, lalo na sa accent ng mga tao dito. Pero I'm learning a lot and meeting new people."

"That's good. Masasanay ka rin. Before you know it, magiging katulad mo na rin silang magsalita." Natawa ako. Bigla ko kasing naalala si King. Naiimagine ko na magiging ganoon din si Kenjie balang araw.

"How about diyan sa Pinas? Kumusta naman? Namimiss ko na diyan."

"Anong pinaka-namimiss mo dito?" tanong ko, sa halip na sagutin ang tanong niya.

"Syempre, ikaw!" mabilis niyang sagot, sabay tawa. "At sila Mama at mga kapatid ko. At syempre, yung pagkain. Wala akong makitang inasal dito eh. At saka halo-halo. Ay naku, kahit gaano pa kalamig dito, hahanap hanapin ko pa din yung halo-halo natin diyan."

Natawa akong muli. "Pag umuwi ka dito, kakain tayo ng maraming inasal at halo-halo. It'll be on me."

"Yun oh. I can't wait. Tapos, after that, pwede bang tayo naman ang magkainan?"

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon