KYLE/RICCO ANDRE
Pagpasok palang ng kotse sa gate ng subdivision ay halos malunod na ako sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Para bang sa isang iglap, bigla bigla na lamang nanumbalik ang lahat sa akin. Yung lugar, para bang kahapon lang nang huli kong nakita. Pamilyar pa rin ang pakiramdam bagamat sobrang laki na ng pinagbago nito.
Lalo pang nadoble ang hindi maipaliwanag na damdamin nang tumigil na ang kotse sa harap ng mataas na gate ng mansyon. Iyon ang mansyon na pininta ko sa aking isipan noong mga panahong inasam asam kong muling makauwi. Walang pinagbago. Tila ba lahat ay nanatili sa dati nilang ayos at kulay para sa akin. Para sa aking pagbabalik.
Sandaling tumingin sa akin si King ngunit hindi siya nagsalita. Malungkot ang mga mata niya. Ilang sandali pa ay bumukas na ang gate na iyon at pinaandar na ni King papasok ang kotse. Sumalubong sa amin ang isang maliit pero gwapong lalaking singkit ang mga mata.
"Ako na pong bahala, Sir." sabi nito nang makababa kami sa kotse. Tumingin ito sa akin at yumuko. "Good evening po."
"Thank you, Jason." tugon ni King sa binata. Bumaling siya sa akin. "Come on."
Lumakad kami papasok sa malaking pinto. Halos mapatid ang hininga ko. Ito ang mundong ginalawan ko noon, kahit sa sandaling panahon lamang. Hindi ako makapaniwalang narito akong muli. Ilang ulit kong kinurot ang sarili upang masigurong hindi ako nananaginip lamang.
"You sit. I'll talk to them first." mahinang sinabi ni King sa akin. Naramdaman kong pinisil pa niya nang mahina ang balikat ko bago siya naglakad palayo. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng sala. Napakalaki at napakaganda. Maliwanag at mayamang mayaman ang hitsura. Ito ang aking mansyon. Dito ako nakatira. Kay tagal na nawala ito sa akin. Dahil doon ay muli na namang tumulo ang luha ko.
Umupo ako sa malaki at malambot na sofa. Ilang saglit pa'y naulinigan ko ang mga tinig na nanggagaling sa hindi kalayuan.
"You need anything Angelo?"
"I just have to... tell you something." mahinang tugon ni King. Bakas na bakas sa boses niya ang kalungkutan.
"What is it, Son?" tanong ng isa pa, mas malambing ang tinig kumpara sa nauna.
Naramdaman kong huminga pa nang malalim si King bago muling nagsalita. "OK. I know this is kind of hard to believe. But I brought him home."
"Him?" tanong ng malambing ang tinig. "You mean...?"
"Papa Allie, I brought him home. My younger brother."
"What?"
"What the hell are you talking about? This isn't the best time to joke around, Angelo."
"I found Ricco, Papa Rodel." mahinahon na sinabi ni King na hindi sinabayan ang taas ng boses ng mga kausap. "He's alive and he's here. I brought him home. He's in the living room."
Nakarinig ako ng mga yabag. Napatayo ako nang tumambad sa sala ang mukha ng dalawang lalaking bagamat pinatanda na ng panahon ay kilalang kilala pa rin ng puso ko. Para akong ipinako sa kinatatayuan ko. Sila Papa Allie at Papa Rodel. Sila nga ang mga ito. Ang mga magulang ko.
Tumulo ang luha ko nang sandaling yakapin ako nang mahigpit ni Papa Rodel. "Is that really you, Ricco?" halos pabulong niyang tanong pagkat hindi na rin halos makahinga. Panay na rin ang tulo ng kanyang luha. "You're alive. Where have you been? My god. You're alive, Ricco."
Lumapit sa akin si Papa Allie. Halos malusaw ang puso ko nang mapagmasdan ko ang maamo niyang mga mata, ang maputi niyang kutis. Ang namumuti na ngunit malambot pa rin niyang buhok. Hindi niya ako kaagad niyakap, bagkus ay mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. Titig na titig sa akin ang mga mata niyang may luha.

BINABASA MO ANG
Mon Amour (My Love)
Roman d'amourA Sequel to 'The Other Half' Angelo returns home from France after six years, wealthy and accomplished. Yet, despite his success, he is still a virgin. He's determined to lose his virginity by any means necessary. Then he meets Kyle, a striking and...