ENGR. RICCO ANDRE LUCAS-IBARRA
CEO, Ibarra Group of Companies"Good morning." masiglang bati ni Azalea na inaannounce ang pagdating niya. Nagrequest ako na kahit nagstep-down na siya sa position niya as CEO, ay dito pa rin siya magopisina, para may kasama ako. It's been two weeks since I was appointed as the new Chief Executive Officer ng Ibarra Group of Companies.
Kung iisiping mabuti, ang layo layo na sa naging buhay ko noong nasa bar pa ako at naghuhubad. Naaalala ko pa na secretly, nagwiwish ako na magkaroon ng disenteng trabaho, tulad ni King, at sasabihin kong 'pupunta ako sa company' instead na 'papasok na ako sa putahan'. Sino ngang magaakala na mararating ko ang kinalalagyan ko ngayon? Imagine, from call boy to CEO?
Sa pagsagi ni King sa isip ko, nakaramdam na naman ako ng hindi maipaliwanag na lungkot. Hindi ko batid, napansin pala iyon ni Azalea.
"Hey, cheer up. Umagang umaga, nakasimangot ka na naman ah."
Umiling ako at pinilit na ngumiti. "I'm just sleepless." sabi ko at sinubukan ko nang buklating muli ang napakaraming mga folders na nasa ibabaw ng mesa ko.
"Sleepless?" si Azalea na hinila pa ang swivel chair niya at dinala sa harap ng table ko at saka umupo. "Let me guess. Isinet up ka na naman ni Uncle Allie for a blind date last night 'no?" nakangiting tanong niya.
"Yeah, he did. Pero hindi naman ako sumipot."
"Ay naku, Kuya Ricco. Ikaw talaga. Sayang naman ang effort ni Uncle Allie. Pero bakit nga ba lagi ka niyang hanahanapan ng date?"
"He thinks he's getting old. Naaalarm na daw siya that until now, single pa rin ako. You know, siya na lang ang meron ako, and he's afraid that when it's time for him to leave me, I will be alone. Ewan ko. Parang gusto kong magfreak out everytime he mentions death. I always tell him that he will live longer. Baka nga mauna pa 'ko sa kanya eh."
"Oh, shut up, Kuya Ricco." nakairap na sinabi ni Azalea. "Pero alam mo, may point siya. Successful ka naman na. You have everything. Bakit hindi mo pa maisipang magsettle down? Everything will be easier pag may katuwang ka na sa buhay."
"Here we go again." sabi ko sabay ng buntong-hininga at pag-ikot ng mga mata. "Do I have to keep on repeating myself, Azalea? You know very well what it is that I want."
"Andon na 'ko, Pinsan. Fine, kung lalaki talaga ang gusto mo, then find one."
Mabilis akong lumingon pagkat hindi kami solo ni Azalea sa office. May ibang tao na nakakarinig ng pinaguusapan namin.
"Mahina pa 'yan. Ilakas mo pa, Azalea."
Lumingon din siya sa babaeng medyo may edad na at kasalukuyang nagpupunas ng mga shelf. "Ano ka ba? Si Nanay Rowena 'yan. Wala kang dapat ipag-alala. Mabait 'yan."
Ngumiti ang babae sa akin kaya ganoon din ang ginawa ko.
"Oo nga po, Engr. Ibarra. OK lang po, ako lang naman ito. Walang problema. Kung narito nga lang ang anak ko, ipakikilala ko siya sa iyo... ay..." Natahimik ang babae kung kaya napatingin ako kay Azalea.
"What's wrong, Nay?"
Umiling ang babae. "Naalala ko lang po, Ma'am. Na kahit nandito ang anak ko, malabong matitipuhan iyon ni Engr. Ibarra. Sobrang gwapo ni Sir at mayaman."
"Si Nanay naman." sabi ko, pero pakiramdam ko ay namula ang mukha ko. "Gagayahin kita, Nay. Ako lang naman ito. Bakit? Nasaan po ang anak mo, Nay?"
Umiling muli ang babae at umiwas ng tingin. "Wala po, Sir. Nasa malayo." At pagkatapos ay tumalikod na siya at itinuloy ang paglilinis.
BINABASA MO ANG
Mon Amour (My Love)
RomanceA Sequel to 'The Other Half' Angelo returns home from France after six years, wealthy and accomplished. Yet, despite his success, he is still a virgin. He's determined to lose his virginity by any means necessary. Then he meets Kyle, a striking and...