CHAPTER 49

672 83 72
                                    

RICCO ANDRE

Nagising ako nang biglang tumunog ang alarm. Alam mo yung pakiramdam na galing ka sa sobrang lalim na pagkakatulog tapos bigla kang maaalimpungatan? Ganoon yung nangyari sa akin.

Nakapikit akong kumapa sa bedside drawer para kunin ang cellphone ko at patayin ang alarm. Pakiramdam ko, wala akong itinulog. Para bang pumikit lang ako at pagkatapos, nag-alarm na agad ang phone ko. Sa sobrang lalim ng tulog ko, wala akong maalala sa buong magdamag. Hindi yata ako bumangon para umihi o uminom (na usual kong ginagawa sa kalagitnaan ng gabi). Maging mga panaginip ko, hindi ko maalala. O baka sadyang hindi talaga ako nanaginip.

Bumangon ako pero hindi muna ako tumayo. Umupo muna ako sa gilid ng kama habang nagsstretching at naghihikab. May kaunting liwanag na sa labas - nakikita ko sa bintana, ngunit hindi pa ganap na sumisikat ang araw. Kinuha ko ulit ang phone ko at tinignan ang oras. 5:33 na ng umaga.

Dali dali akong nagshower at nang mabasa ang ulo at katawan ko ay doon na tuluyang nagising ang diwa ko. Sabado. Nilu-look forward ko talaga ang araw na iyon dahil hindi ako papasok sa trabaho - bagamat kung ako ang tatanungin, mas gusto kong araw araw akong naroon sa company dahil natatambakan ako ng trabaho, isa o dalawang araw lang akong mawala. Kaya lang, si Papa Allie mismo ang nagsabi na magpahinga ako tuwing weekend, lalo na noong napansin niyang namamayat ako. Iniisip niyang dahil iyon sa stress kung kaya ang huli niyang sinabi ay 'It's not a request, Ricco. It's a command. Let your employees do the work for you during the weekend.' Ay naku. Wala na akong nagawa.

Kung sabagay, ayos rin naman. At least, nagkaroon ako ng pagkakataon na magstay maghapon sa bahay kasama siya; magNetflix, magbasa, o di kaya'y tumugtog ng piano.

Nagbihis ako ng usual kong attire kapag nageexercise. Maaga pa naman, at malamang, tulog pa si Papa Allie. Napagdesisyunan kong lumabas muna saglit at magjogging.

Pagbaba ko sa kusina, gising na si Ate Joanna at nagluluto na ng almusal.

"Good morning po, Sir Ricco."

"Good morning." bati ko rin sa kanya. "Ang aga mo namang gumising." Binuksan ko ang ref at kinuha ang water bottle ko. "I'll just go out for a run. Sana natulog ka pa. It's Saturday naman. Maya maya pa gigising si Papa Allie."

"Naku, Sir, anong oras na rin po. Saka binilinan ako ni Sir Allie na maagang magluto lalo na't narito si Sir Angelo."

"Ha?" halos mabitawan ko ang water bottle dahil sa pagkagulat. "Dito siya natulog?"

"Opo." kunot noong tugon ni Ate Joanna. Nakatingin siya sa akin na para bang inaalam niya kung nagbibiro ako o ano. "Di ba po? Kagabi po siya umuwi. Sabay sabay pa nga po kayong kumain ng hapunan."

Natigilan ako. Bakit hindi ko maalala yun? Sinubukan kong alalahanin ang mga naganap nang nagdaang araw ngunit tila blanko ang isip ko. Bakit ganoon? Ano na naman ba ito?

"Ah oo." pagkukunwari ko, kahit ang totoo, wala talaga akong maalala. Pinilit kong tumawa. "Ano ba 'yan, antok pa yata ako. O siya, lalabas na muna ako."

"Kumain ka na po muna, Sir Ricco. O kaya, magkape?"

"Hindi na muna. Sasabay na lang ako kina Papa Allie mamaya."

Hindi ko na hinintay pang sumagot si Ate Joanna. Dali dali na akong tumakbo palabas at baka bigla rin may magising at mapurnada pa ang plano kong magjogging.

Tinakbo ko ang may kahabaan din naming bakuran hanggang sa makalabas ako sa gate.

In-on ko ang music at nagstart na akong magjogging. Kaya lang, kahit anong lakas ng music ay mas maingay pa rin ang utak ko. Naroon si King sa bahay? Umuwi siya kagabi? Sabay kaming nagdinner? Doon siya natulog? Anong mga ikinilos at sinabi ko sa kanya kung ganoon?

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon