RICCO ANDRE
"A cup of Roobois tea for Ma'am Jane." sabi ni Kenjie habang nilalapag ang tasa ng tsaa sa table sa tapat ni Jane. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "And one tall iced Americano with extra shot of espresso for my hero, Engineer Ricco."
"That's too much." tumatawa kong sinabi. Nagtawanan din sila Kenjie at Jane. "Thank you so much, Kenjie."
"Kung may kailangan po kayo, Sir. Just call me."
Tumango ako at ngumiti. "Thanks."
Sandali muna kaming humigop sa kanya kanya naming mga inumin bago kami nagtinginan muli ni Jane.
"What are we going to talk about?" umpisa ko. "Magkikita rin naman tayo mamaya sa rehearsal. Pwede namang doon na lang tayo nag-usap. Not that I don't want to meet you here, ha? Pero alam mo 'yun, bawal ka mastress di ba? Traffic pa naman."
Nagulat ako nang biglang nabasa ng luha ang mga mata ni Jane at hinawakan ang isa kong kamay. "Ricco, I'm so sorry, ha?"
Automatically, tumulo na rin ang luha ko. Hindi ko napigilan. Hindi ako galit kay Jane. Kung kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot. Pagkatapos ng lahat, kahit alam kong ilalayo na niya sa akin si King, wala akong nararamdamang kahit kaunting hinanakit para sa kanya. Batid kong tulad ko, biktima lang din si Jane ng pagkakataon. At lagi kong naaalala ang pagiging mabuting kaibigan niya, hindi lamang para kay King, kundi sa akin rin mismo.
"Hindi mo naman kailangang magsorry, Jane eh. Wala tayong magagawa, ganun talaga." Lalo akong naiyak. "Ang sakit sakit isipin na walang mangyayari sa lahat ng pagmamahal ko, sa lahat ng paghihintay ko sa kanya. Pero Jane, naiintindihan ko. Mahal na mahal ko si King, at bawat araw na papalayo siya, pakiramdam ko, pinapatay ako nang unti unti. Pero siguro, ganoon nga talaga. May mga bagay na hindi nakatakdang mangyari. Please take care of him for me. It doesn't mean that I'll stop loving him though."
Hindi kumibo si Jane at sisinghot singhot na uminom muli mula sa kanyang tasa.
"Wala namang nagbago Ricco eh." sabi niya after a while. "Ikaw pa rin. Hindi iyon nawala sa kanya. Ikaw ang mahal ni King."
Natigilan ako. "Why are you telling me that? Hindi kita maintindihan."
"Nakikita ko sa mga mata niya, Ricco. Na ikaw pa rin ang nag-iisang laman ng puso niya. Mahal ka ni King, mahal mo rin siya. Anong dahilan niyo para hindi niyo makasama ang isa't isa?"
"Jane." Tinitigan ko siyang mabuti para maconfirm kung tama ba yung tingin kong narinig ko. "Wag mong sabihing..."
"I'm not marrying him, Ricco. Not anymore."
"What?" Halos mapatayo ako dahil sa narinig. "No, Jane. Are you out of your mind?"
Kumuha ng tissue si Jane mula sa stand at itinupi iyon, at pagkatapos ay maingat na idinampi sa gilid ng mga mata niya. Pero wala rin, kasi may panibagong luha na namang tumulo.
"Ricco, gusto ko lang malaman mo. Mahal ko si King. High school pa lang kami, sobrang halaga na niya sa akin, iba na ang naging lugar niya sa puso ko. Lagi kong sinasabi sa kanya, wala akong ibang hangad kundi ang maging maligaya siya. Alam niya 'yan."
Huminga siya nang malalim at pagkatapos ay kumuha ng pinabagong batch ng tissue, this time, mas marami kaysa kanina.
"Kung magpapakasal ako sa kanya, ako mismo ang mag-aalis sa kanya ng pagkakataon upang mahanap ang tunay na kaligayahan, na halos buong buhay na niyang hinahanap hanap. Siguro ganoon talaga pag nagmamahal ka. It's not about owning the person that you love. It's about seeing that person happy. At hindi ako ang kailangan niya, Ricco, para maging masaya. Ikaw ang kailangan niya."
BINABASA MO ANG
Mon Amour (My Love)
RomanceA Sequel to 'The Other Half' Angelo returns home from France after six years, wealthy and accomplished. Yet, despite his success, he is still a virgin. He's determined to lose his virginity by any means necessary. Then he meets Kyle, a striking and...