KYLE
Alas singko pasado na nang matapos ang shift ko sa department store kung saan ako ay nagreliever. Pagod na pagod ako sa pagasikaso sa maraming mga customer na karamihan ay hindi naman bumili matapos akong abalahin at pagurin na magpabalik-balik sa stockroom para kumuha ng mga sapatos na gusto nila.
Pero kahit paano'y sinwerte pa rin. Suot ko ang maganda at mukhang mamahaling sapatos na iniwan ng isang customer matapos niyang bumili ng bago. Mayaman siguro iyon. Halata naman sa hitsura at sa porma. Pati pagsasalita, parang hindi basta basta lang. Tapos, wala man lang panghihinayang sa pera. Sukat ba namang ipinapatapon sa akin yung sapatos niya eh maliban sa nabasa lang nang kaunti, bagong bago pa at ang ganda ganda.
Ayoko nga sanang isuot pa. Gusto ko sanang iuwi at ipakita kay Mamu. Kaya lang, bawal namang magbitbit ng kung ano galing sa loob dahil mahuhuli ako kapag nagfrisking. Ang ginawa ko'y yung luma kong sapatos ang itinapon ko, bagamat nakakahinayang.
Yung medyas, dinoble ko sa suot ko. Muntik pa nga akong mahuli nung hinubad ko. Nagdahilan na lang ako na dalawa talaga kung magmedyas ako kasi nagpapaltos ang paa ko kapag isa lang.
Bigla kong naalala yung lalaki. Ang bango bango niya at hindi ko pa naamoy kahit kanino yung pabango niya. Naalala ko kung gaano kaganda ang mga mata niya na akala mo'y tagos hanggang kaluluwa ko kung tumingin. Naalala ko kung paano naging tensyonado ang mga labi niya habang tinutukso ko. Idinikit ko pa ang paa niya kay Manoy. Napangiti tuloy ako.
Napakapilyo mo talaga, Kyle. Kitang kita kung paano nawala sa wisyo yung tao dahil sa ginawa mo.
Sayang nga eh. Kung wala lang kami sa department store at nasa club kami, hindi mo maiimagine ang mga bagay na gagawin ko para matukso siya. Mukhang tiba tiba ako kapag ganoon kayaman ang nagtake out sa akin. Bakit kaya ganoon, no? Bakit may mga taong ganoon kayayaman samantalang may mga tulad ko na heto, gagawin ang lahat, kahit sariling kaluluwa ay ibebenta, magkaroon lamang ng maliit na kita para huwag magutom at patuloy pa ring mabuhay?
Dahil sa naisip ko, nawala tuloy ang ngiti ko.
Kung tutuusin, hindi naman dapat ganoon. Wala naman dapat ako sa sitwasyong ito. Ewan ko, hindi rin gaanong malinaw ang lahat, pero nagising na lamang ako isang araw sa katotohanan na nag-iisa na lamang ako. Na wala na ang pamilyang kinilala ko. Wala na ang pamilyang kumalinga, nagmahal, nagparamdam ng lahat ng kaginhawaan sa akin sa loob ng walong taon. Bente tres anyos na ako ngayon. Labing limang taon na akong nag-iisa. Labing limang taon na akong nahihirapan. Labing limang taon na akong nakikipaglaban sa buhay.
"Mommy, bili mo po ako ng balloons." narinig kong sinabi ng isang batang lalaki habang hawak ng ina sa kamay at naglalakad sa park na nadaanan ko. Kasama ng mag-ina ang isang lalaki na sa aking palagay ay ang ama ng bata habang nakapasan dito ang isa pang batang lalaki. Masayang masaya sila habang magkakasamang namamasyal.
"Sure, baby. Anong color ang gusto mo?" malambing na tanong ng nanay ng bata.
Hindi ko na napigilang mapaluha. Ganoon dapat ang natatanggap na paglalambing at kalinga ng isang bata. Iyon ang isang bagay na sandali ko lamang naranasan ngunit agad na ipinagkait sa akin. Napakabata ko pa noon. Hindi ko pa kayang mamuhay mag-isa. Hindi ko pa kayang lumaban.
Tandang tanda ko pa kung paano nagkagulo ang mga tao. Nagsalita sila sa wikang hindi ko lubos na maunawaan. Kabi-kabila ang sigawan, ang iyakan, at yakapan kapag nagkita na ang bawat myembrong nawalay sa isa't isa. Inilibot ko ang paningin sa paligid, umaasang makikita ko ang mga magulang ko at kuya. Numipis ang mga tao ngunit walang kapamilyang dumating para sa akin. Lumalalim ang gabi, lumalamig ang paligid. Lalo akong nakaramdam ng takot. Hindi ko napigilang umiyak. Hindi ko alam kung nasaan ako. Pero kung nasaan man iyon, tiyak ko, malayong malayo iyon kung saan man naroon ang pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Mon Amour (My Love)
RomanceA Sequel to 'The Other Half' Angelo returns home from France after six years, wealthy and accomplished. Yet, despite his success, he is still a virgin. He's determined to lose his virginity by any means necessary. Then he meets Kyle, a striking and...