RICCO ANDRE
Sinuklay ko pakanan ang may pagkakulot kong bangs at pagkatapos ay umupo ako sa kama.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Kung ako ang tatanungin, ayokong lumabas sa kwarto ko. Ayokong humarap sa kahit kanino, maliban kay King. Sana, hindi na lang ako umuwi. Sana, nagmatigas na lang ako at nag-stay na lang sa beach house.
Tanghali na nang nakabalik kami sa Maynila. Hindi na nga kami halos nakakain ng tanghalian at nakapag-usap kasama si Papa Allie. Agad na kaming pumasok sa kanya-kanya naming mga kwarto para maligo at magprepare.
Ngayong tuluyan nang nawala ang trace ng alcohol sa katawan ko at papalapit na ang oras ng press conference sa IGC, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Alam mo ba yung pakiramdam na ang bigat bigat ng puso mo at tila sasabog na, but at the same time, parang may malaking butas at ang empty ng pakiramdam? Pareho kong naramdaman yun. Ayaw tumigil ng utak ko sa kakaisip kung ano ang mga gagawin ko at sasabihin. Oo, sinabi ni King na walang dapat ipagalala dahil siya si Mr. Song; na siya ang bagong owner ng company, pero may mga nabanggit pa rin si Mr. Lim sa media katulad na lamang ng pagiging callboy ko noon, na ngayon ay alam na ng buong mundo. Paano ko haharapin at sasagutin ang mga tanong na ibabato sa akin tungkol doon?
Maya maya pa ay may kumatok na sa pinto ng kwarto ko. Tumayo ako para pagbuksan iyon at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni King na nakangiti.
"Are you done?" tanong niya. Lumapit siya at hinawakan ang necktie ko at inayos ito sa pagkakakabit. "We must dash. We're running late."
Tumango ako at dinampot ang coat ko na nakapatong sa kama. Hinawakan ni King nang mahigpit ang kamay ko kung kaya muli akong napatingin sa kanya. Nakangiti pa rin siya sa akin.
"Are you quite alright?" tanong niya. "Let's try to conclude this swiftly, so you can head home and take a well-deserved rest. You don't appear to be in the best of health."
Totoo, dahil nung nasa kotse na kami, bigla akong nakaramdam ng hilo at para akong lalagnatin. Naramdaman kong marahan na hinimas ni King ang tuhod ko. Napatingin ako sa kanya.
"Everything is going to be alright." sabi niya. Saglit siyang lumingon sa akin at ngumiti, at pagkatapos ay ibinalik na ang paningin sa kalsada.
"What will I do?" tanong ko. "What will I say to them?"
"Allow me to clarify. Perhaps I have a different understanding. You no longer wish to be the CEO, do you?"
Mabilis akong umiling. "No. Ayoko na."
"Excellent. Currently, you remain the CEO. You simply need to inform everyone of your intention to resign long before these issues surfaced. This will alter the public perception, dispelling the notion that you were ousted from the company and that the position was forcibly taken from you. I've instructed Mr. Lim to draft the letter for you, which you'll sign later in front of everyone."
"And then?"
"Nothing more. You won't respond to any other questions. I'll strive to keep it brief to prevent the press from bombarding you with unnecessary queries."
Kahit paano ay nakakagaan ng pakiramdam. Ano kayang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko alam. In the first place, baka nga hindi na ako umuwi. Baka nagtago na lang ako kung saan at hindi na nagpakita kahit kailan.
Pinagmasdan ko siya habang seryoso siyang nagmamaneho. Kahit may ganito kabigat akong pinagdadaanan, ramdam ko sa puso ko ang maliit na ligaya na sa wakas, heto at ganito ulit kami kalapit sa isa't isa; na ginagawa na niya ulit yung mga bagay na ginawa niya dati; na kinakausap na niya ako ulit tulad ng pakikipagusap niya sa akin dati; na tumitingin na siya ulit sa mga mata ko tulad noon, at nakikita ko sa mga mata niya ang hinaharap.
BINABASA MO ANG
Mon Amour (My Love)
RomanceA Sequel to 'The Other Half' Angelo returns home from France after six years, wealthy and accomplished. Yet, despite his success, he is still a virgin. He's determined to lose his virginity by any means necessary. Then he meets Kyle, a striking and...