RICCO ANDRE
"What did you say?"
Hindi kumibo si Papa Allie at sa halip ay umiwas ng tingin kay Papa Rodel at nagpanggap na muling kumakain.
"ALLIE!"
Muli na namang nabasa ng luha ang mga mata ni Papa Allie. Binitawan niya ang kutsara at tinidor at hinawakan nang mahigpit ang mga kamay ni Papa Rodel.
Si Papa Rodel, pumiglas at tumayo sa gitna ng dining room – sa harap ni Papa Allie.
"What's going on, Allie? Anong sinasabi mong hindi magkapatid sila Angelo at Ricco?"
"I'm sorry, Rodel. You heard it right."
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon. Para akong nahilo na ewan. Nanginig ang buong katawan ko. Kung totoo ang sinasabi ni Papa Allie, ibig sabihin, pwedeng maging kami ni King. Pero paano? Paanong nangyari na hindi kami magkapatid?
"How could that be?" nanghihinang tanong ni Papa Rodel. "Can you explain to me, Allie?"
Umiling si Papa Allie at yumuko sa lamesa. Lumapit ako para hagurin ang likod niya.
"Allie, magsalita ka please."
"Angelo is not my son. He's yours alone. The same way that Ricco is mine and not yours."
Tuloy pa rin sa panginginig ang katawan ko habang panay ang hagod ko sa likod ni Papa Allie.
"Allie..." si Papa Rodel na tila wala sa sariling muling bumalik sa kanyang upuan. "You're joking, right? Itong si Ricco, you're telling me he's not mine?" Tumawa siya pero ang nakakalungkot doon, hindi masaya ang tunog at may luha sa mga mata niya. "Minahal ko ang batang 'to ng buong buhay ko and now you're telling me that he's not mine? This is not funny, Allie."
Inangat ni Papa Allie ang malungkot niyang mukha. Tumingin siya sa akin at pagkatapos ay kay Papa Rodel.
"I'm sorry, Rodel. I'm really sorry."
"What have I missed? Magkasama tayong pinlano ang lahat di ba, Allie? The reproductive Science... di ba? We talked to a lot of people... doctors.. scientists.. researchers.. We did a lot of things para doon, para maging ready ang katawan at isipan natin and we did all those things together. We spent a lot of money on that, Allie. So... which part have I missed? Saang part ako nalingat at may nangyaring hindi ko alam? Can you fill me in?"
Habang humahaba ang linya ni Papa Rodel, lalong lumulungkot ang boses niya. Naaawa ako sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang pagkabigla at sakit na naramdaman niya dahil sa nalaman.
"It did not work, Rodel. It failed." tugon ni Papa Allie na lalong naging malala ang pag-iyak. "The skin cells and fibroblasts taken from us did not turn into embryonic stem cells. So what they did with our sperm was the usual – you know, surrogacy. With women's eggs. Yung mga babaeng supposed to be ay carrier lang dapat, sila ang naging nanay nila Angelo at Ricco."
Napapikit si Papa Rodel. "Are you kidding me? We spent millions on that, Allie. Kasi sabi nila, sure yun. At naniwala ako na alam nila ang ginagawa nila."
"Ako din naman, Rodel. Believe me. When the doctor told me the truth, I was shattered too."
"BUT I'M A DOCTOR TOO, ALLIE! WHY DIDN'T YOU TELL ME?"
"BECAUSE I DIDN'T WANT TO DISAPPOINT YOU!"
Diyos ko. Kung pwede lang magtago sa ilalim ng lamesa. Parehas na silang sumisigaw at umiiyak. Hindi ko na rin alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko gaanong maunawaan ang mga sinasabi ni Papa Allie pero isang bagay lang ang malinaw para sa akin. Anak niya ako at anak ni Papa Rodel si King at hindi kami magkadugo.
BINABASA MO ANG
Mon Amour (My Love)
RomanceA Sequel to 'The Other Half' Angelo returns home from France after six years, wealthy and accomplished. Yet, despite his success, he is still a virgin. He's determined to lose his virginity by any means necessary. Then he meets Kyle, a striking and...