CHAPTER 21

577 95 11
                                    


KYLE

"Tang ina, Philip!" malakas kong sigaw. Nabulabog na halos lahat ng mga tao sa boarding house at maging si Mamu ay napahangos papunta sa kwarto namin. "Hindi mo ba 'ko titigilan? Tang ina mo ah, napipikon na 'ko sa'yo!"

"Hindi kita titigilan hangga't hindi ko nakukuha yung pera ko. Tayong dalawa lang ang tao dito sa kwarto kanina, Kyle. Nasa kama ko lang yun. Ngayon, wala na!" sumisigaw ring sinabi ng baklang si Philip.

Lumabas ako sa sala at sinundan pa rin niya ako. Nagagalit siya dahil nawawala ang perang kasusweldo lang daw niya at ako ang nililigalig palibhasa'y ako lamang ang kasama niyang natutulog sa kwarto pag umaga.

"Ano ngang gusto mong palabasin? Na ninakaw ko yung pera mo?" nanginginig kong tanong. Nakatingin sa amin si Mamu at halos lahat ng boarder. "Tang ina, kilabutan ka, Philip! Hinding hindi ko magagawa ang iniisip mo!"

"Eh ano ngang gusto mong isipin ko?" nakapamewang na tanong ng baklang sumisingasing. "Na basta na lang naglaho ang pera ko? Tang ina kilabutan ka rin, Kyle! Alam ko na kung kakapkapan ka ngayon, makikita ang pera ko sa'yo. Alam kong tinatago mo lang."

Dahil sa sinabi niya ay nagdilim ang paningin ko. Mabilis ko siyang kinuwelyuhan sa kabila ng malakas na sigaw ni Mamu na tumigil na kami.

"Aba putang ina! Anong pinupunterya mo? Yung perang kinita ko? Palibhasa nakita mo kong nagbibilang kahapon. Galing yun sa kliyente ko! Galing yun sa pagpapagamit ko ng katawan ko! At kahit ilang beses ko yung gawin, titiisin ko, wag lang akong magnakaw. Kaya wala kang karapatang pagbintangan ako! Tang ina mo ah! Hindi ko pagiinteresan ang perang hindi naman sa akin."

"Wag kang magmalinis!" bulyaw ni Philip kahit pa kapit ko pa rin siya sa kwelyo. "Alam ng lahat na sa lansangan ka lumaki, at magnanakaw ka noong bata ka. Sino pang lolokohin mo ngayon?"

"Ah tang ina mo Philip! Putang ina!" Nagpupuyos na ako sa matinding galit at hindi ko na napigilang umiyak. Itinulak ko nang malakas si Philip at tumumba siya sa sofa. Pagkatapos ay pinagsusuntok ko siya sa tiyan. "Wala nga sa akin ang pera mo! Bakit ayaw mong maniwala? Yung perang nasa akin, galing yun kay King, galing yun sa kaibigan ko! Kung gusto mo ihaharap ko siya sa'yo para maniwala ka!"

Dahil sa sobrang galit ay hindi ko na napansin na nakakarami na pala ako ng suntok at hindi na pumapalag si Philip. Nahimasmasan na lamang ako nang may humila sa akin palayo habang ang iba nama'y inalalayan palayo si Philip.

Sumalampak ako sa sofa. Hindi ko mapigil ang luha ko. Agad naman akong tinabihan ni Mamu.

"Wala ba talaga sa'yo?" tanong niya.

"MAMU!" bulyaw ko. "Wala nga! Bakit ba ako ang pinagbibintangan niyo?"

"Wag mo akong sigawan! Hindi ako si Philip."

Hindi ako nakakibo. Akala ko ay makakatikim ako ng sampal mula kay Mamu.

"Hindi kita pinagbibintangan. Tinatanong kita! Ngayon lang may nangyaring ganyan dito, Kyle."

Pinahid ko ang luha ko. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko. "Yun na nga Mamu eh. Limang taon na halos akong narito. Kilalang kilala mo na ako. Mula nang pasukin ko ang paghuhubad, tinalikuran ko na lahat ng modus ko sa kalye noong bata ako." Muli na namang tumulo ang luha ko. "Mamu, kilala mo ako. Hindi ko magagawa yung sinasabi ni Philip. Kaya nga di ba, kahit pagkatao ko, kahit kahihiyan ko, isinusugal ko, kumita lang ako ng pera? At lis, pinaghirapan ko. Hindi ko maaatim na magnakaw para lang may makain ako at may maipambayad sa iyo."

"Eh bakit kaya bigla bigla namang pinag-initan ka ni Philip na kinuha mo yung pera niya? Nagulat nga ako kasi kanina lang, narinig ko pa siyang may kausap sa cellphone. Sabi niya wala na siyang pera. Tapos ngayon sasabihin niya may pera siya sa kama, tapos nawala?"

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon