RICCO ANDRE
"Masaya akong makita ka ulit dito. Akala ko po, hindi ka na babalik."
"Noong una, Sir, opo. Parang ayaw ko na pong bumalik. Pero naisip ko, may mga tanong na dapat kong sagutin, sa parehong paraan na may mga tanong din sa isip ko na kailangan ko ng kasagutan."
Naroon ako sa tenants' quarter at naka-de quatrong nakaupo sa solong upuan habang umiinom ng mainit na kape na tinimpla para sa akin ni Nanay Rowena.
Mula nung araw na nakalimot ako sa sarili at naligaw ako sa kwarto niya at nasigawan ko siya, natakot siya at ilang linggo siyang umabsent. Akala ko, tuluyan na siyang magpapaalam sa company. Hanggang isang araw, dinatnan ko siyang naglilinis sa office ko. Sa tuwa ko ay halos yakapin ko siya. Pinigil ko lang ang sarili ko.
"Ito po." Ibinigay ko sa kanya ang paper bag na bitbit ko nang puntahan ko siya. "Para sa'yo, Nay."
"Ano po ito?" tanong niya habang atubiling inaabot ang paper bag mula sa akin. Hindi ako kumibo. Tahimik niyang binuksan ito at inilabas ang bagong picture frame – kasing laki ng nabasag ko nung nakaraan, ngunit higit na mas maganda.
"Pasensya ka na po, Nay, sa nangyari." malungkot kong sinabi. "Hindi ko rin akalaing magkakaganun. Hindi ko alam kung bakit nawala ako sa sarili at nakalimutan ko panandalian kung sino ako at kung bakit ako narito sa kumpanyang ito."
"Engr. Ibarra... hindi po kaya..." umpisa niya pero hindi niya itinuloy ang sinasabi.
"Ano po iyon?"
Umiling siya. Gusto kong pilitin siyang ituloy iyon pero nag-alala ako na baka matakot na naman siya sa akin at baka hindi ko rin magawang kontrolin ang sarili ko kapag nasimulan kaya minabuti ko na lamang na manahimik. Huminga ako nang malalim.
"Pasensya na ulit, Nanay Rowena, kung natakot ka sa akin."
Tumango siya at nagtungo sa tokador at may kinuhang isang libro. Binuklat niya iyon at kinuha ang isang litrato na nakaipit sa mga pahina – ang litrato ng batang lalaking nakalaro ko sa barko noong gabing malagim na iyon. Ang litrato ni Kyle Moreno.
Pumikit ako. Naramdaman ko na naman sa sarili ko ang hindi maipaliwanag na damdamin. Parang lumiliyab. Rumaragasa. Parang kung hindi ko pipigilan ay mawawala na naman ako sa sarili. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Umupo si Nanay Rowena sa tapat ko at tahimik na inilagay ang litrato sa bagong picture frame.
Nang matapos siya ay tinitigan niya iyon nang matagal. May luha sa mga mata niya.
"Nay."
"Kilala mo po siya, Sir?"
Natigilan ako. Sasabihin ko ba ang totoo? At kung oo ang sagot, paano ko gagawin iyon?
"Anak ko si Kyle." sabi ni Nanay Rowena na hindi na hinintay ang sagot ko. "Anak ko siya sa pagkadalaga kaya apilyedo ko noong dalaga pa ako ang daladala niya. Moreno."
Nayanig ang mundo ko. Oo, inasahan ko na iyon, pero iba pa rin yung nanggaling na sa kanya mismo ang mga salita, ang confirmation na oo, si Kyle nga ang batang iyon. Para akong mawawalan ng malay. Hindi ako makahinga nang maayos at umikot ang paningin ko. Grabe ang kaba sa dibdib ko.
"Hindi niya nakilala ang tatay niya dahil iniwan kami noong nalamang buntis ako."
Naalala kong bigla kung paano nginuso ni Kyle ang dagat noong tinanong ko siya kung nasaan ang papa niya. Kaya pala. Kaya pala ganoon ang naging tugon niya.
"Sobrang hirap ng buhay namin kaya umabot siya ng 8 years old pero hindi pa rin siya nakakatuntong sa eskwela. Hindi ko nagawang pag-aralin siya dahil maghapon akong naghanap-buhay para lang may makain kaming mag-ina. Hanggang isang araw, dumating ang kapatid ko at sinabing isasama niya si Kyle sa probinsya at doon pag-aaralin. Pumayag ako, kahit alam kong mangungulila ako sa kanya. Ang mahalaga, mapapabuti siya, at magkakaroon ng mas magandang kinabukasan kaysa nasa piling ko ngunit tumitirik ang mata niya sa gutom. Wala akong ibang napabaon sa kanya maliban sa ilang damit, at birth certificate niya na kakailanganin niya sa pageenrol."
![](https://img.wattpad.com/cover/270393589-288-k411409.jpg)
BINABASA MO ANG
Mon Amour (My Love)
RomanceA Sequel to 'The Other Half' Angelo returns home from France after six years, wealthy and accomplished. Yet, despite his success, he is still a virgin. He's determined to lose his virginity by any means necessary. Then he meets Kyle, a striking and...