KYLE
Nagugutom ako. Paano, ala una pasado na ako nagising kaya nang bumangon ako, wala na akong inabutang tanghalian. Inubusan ako ng mga punyetang boarders. Ang nakakainis pa, hindi na nga ako tinirhan ng pagkain, tinalakan pa ako ni Mamu. Daig ko pa raw ang señorito kung makademand.
Samantalang nagbabayad naman ako. Yun nga ang set-up namin eh. Makikiparte ako sa lulutuin niya araw araw, tapos babayaran ko na lang kasabay ng bills ko sa boarding house. Sino pa bang aasahan kong magluto para sa akin, eh wala nga akong pamilya? Minsan, nakakapikon din talagang makipag-usap kay Mamu eh. Parang may ubo sa utak.
Wala akong choice. Naligo na lang ako at umalis. Sa labas na lang ako kakain. Dinala ko na rin ang marurumi kong damit para maipa-laundry dahil tambak na rin. Kung kay Mamu ko ipakikisuyo na labhan (na binabayaran ko rin naman), baka kung ano ano lang ang marinig ko ulit. Kaya wag na lang.
Bitbit ang isang malaking plastic bag na may mga guhit na pula at puti ay pumara ako ng dyip. Kumakalam na ang tiyan ko dahil ang huling kain ko ay tanghalian pa kahapon. Kakamadali, hindi na ako nakakain kagabi bago ako pumasok sa trabaho (at kadalasan talaga, hindi ako kumakain dahil alam mo na - pag oras ng trabaho ko, hindi ako pwedeng dumumi at dapat laging malinis ang pwet ko - kung nagegets mo ang sinasabi ko). Tapos, nagkataon pa na puro kuripot ang mga nagtake out sa akin. Wala man lang nakaalalang pakainin ako, pagkatapos nila akong pagurin. Paguwi ko naman kaninang umaga, antok na antok na ako kaya itinulog ko na lang ang gutom ko.
Inuna ko ang laundry shop. Ang pangit naman kasi na bitbit ko pa yung malaking plastic bag sa kakainan ko.
"Self-service, Sir?" tanong ng babae pagpasok ko.
Umiling ako. Kung alam lang niya na kaunti na lang, hihimatayin na ako sa gutom.
"Ah sige po." sabi niya habang nilalagay ang mga damit sa basket para kiluhin.
"Paki-ingatan." sabi ko. "Mahal ang mga 'yan."
Tumaas ang kilay ng babae. Tinignan ang tatak ng isang polo, at isa pa, at isa pa pagkatapos ng isa. "Okay po."
Tameme siya eh. Siguro, napahiya. Totoo naman kasing ang mamahal ng mga damit na iyon. Kay King galing eh.
Bigla ko tuloy naalala si King. Ilang araw na rin mula nang huli kaming nagkita. Hindi ko makalimutan ang huling itinanong niya sa akin. Hindi ko nagawang sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Bakit ako? Bakit sa dinami ng tao sa mundo, eh ako pa? Hindi kaya dahil gusto lang niya ng makakasex lagi? At kapag naging kami na, hindi na niya ako babayaran? Sa tingin ko naman hindi naman ganoon yung dahilan niya. Kasi nga nitong huli, sobra sobra na naman yung binigay niya. Ibig sabihin, walang kaso sa kanya ang pera.
Napailing ako. Haay Kyle, ano ba 'to? Bakit iniisip mo na naman siya? Di ba napagusapan na natin 'to? Hanggang sex lang kayo. Hindi mo siya hahayaang pumasok sa sistema mo. Pero bakit parang may kung ano kay King at apektado ka masyado?
Nakakainis! Ano ba 'to? Bakit nalulungkot ako dahil hindi kami nagkikita? Bakit lagi kong tinitignan kung may teks siya sa akin? Oo nga pala, hindi man lang nakakaalala ang walang hiyang iyon. Ilang araw na rin ah. May ganun bang nanliligaw? Hindi man lang nagpaparamdam.
Kung sabagay Kyle, pumayag ka bang magpaligaw? Di ba hindi naman? Bakit may inaasahan ka?
Pero teka, hindi ko rin naman sinabing hindi pwede ah. Kung talagang totoo siya itutuloy pa rin niya kahit umayaw ako.
Ah ewan. Nababaliw ka na Kyle. Tigil tigilan mo na ang kaiisip sa bagay na iyan.
"Bale 5 kilos po, Sir." nakangiting sinabi ng babae.
BINABASA MO ANG
Mon Amour (My Love)
RomanceA Sequel to 'The Other Half' Angelo returns home from France after six years, wealthy and accomplished. Yet, despite his success, he is still a virgin. He's determined to lose his virginity by any means necessary. Then he meets Kyle, a striking and...