CHAPTER 18

779 101 25
                                    

KYLE

"You look cute together." sabi ni Jane na nakatingin sa amin. Katatapos lang isuot sa akin ni King ang parehong sapatos at kasalukuyang ibinubuhol ang sintas. "Wait, let us take pictures."

Itinapat niya sa amin ni King ang cellphone niya at wala na akong nagawa nang tumayo si King at akbayan ako.

"There. Bagay na bagay kayo." sabi ni Jane. Sumimangot ako. Siguro, napansin niya iyon kaya biglang binawi yung sinabi niya. "I'm just joking."

Ganumpaman, si King, hindi pa rin inaalis ang braso sa balikat ko. Gagalaw na sana ako nang bigla siyang nagsalita. "Amamu silvu ple." Pagkatapos ay bumitaw siya sa akin at lumakad palayo. "Rose!"

Takang taka ako at napatingin ako kay Jane. "Anong sabi niya?"

"Oh. It's 'Un moment, s'il vous plait.' It means he needed a moment." sagot ni Jane. Tumingin siya kay King at iyon din ang ginawa ko. Papalapit si King sa isang babae.

"What in the world are you doing here, Rose?"

"Oh, Kuya A!" sigaw naman pabalik ng babae. Pinagmasdan ko ito. Kulot ang buhok at maganda ang mga mata. Kayumanggi ang kulay ng balat. Ngumiti ito at yumakap kay King at pagkatapos ay hinalikan pa siya sa pisngi. Lumingon ito sa dalawang kasama. "Girls, this is my cousin, the one that I told you about just the other day."

"Yung pinsan mo na nag-aral sa Europe?" tanong ng isa sa mga kaibigan niya.

"Yup. Kuya A, this is Sammie, and this is Cara."

"Hi." tipid na sinabi ni King sa dalawang babae na ngiting ngiti naman sa kanya. Tumingin muli si King kay Rose. "Don't you have classes today?"

"Kuya A, it's Saturday." sagot naman nito. Tumingin ito sa amin ni Jane. "Who are they?"

"Ah yeah. She's Jane, he's Kyle. They're my friends. Jane, Kyle, she's Rose, my cousin, and they're her friends."

"Hi, Rose." sabi ni Jane na nginitian lang ni Rose. Laking gulat ko nang lumapit si Rose sa akin at bigla akong hinalikan sa pisngi. "You're cute, Kyle."

Parang nakaamoy ng tae ang hitsura ng mukha ni King. Maging si Jane ay parang nagulat din sa nangyari.

"Magbobowling kayo?" tanong ni Rose.

"Apparently. What else would we do inside the bowling alley?" sarkastikong tanong ni King.

"Cool, so I think you could use another player. We're three so... We're one player short, and kayo din, so sali na lang ako sa inyo."

Lalong sumama ang mukha ni King. Ganumpaman ay pinilit pa rin niyang ngumiti. "You know that's not how it's supposed to be played. But fine, pair up with me so Jane and Kyle can match."

"You kidding? That's not gonna be fair!" sabi ni Rose. "You're a pro at this. Let me pair up with your boyfriend instead."

Nagulat ako.

"Excuse me?" Kumunot ang noo ni King. "What the hell are you talking about?"

"What's wrong? Why do you sound defensive?" nakangiting tanong ni Rose. "Isn't he your boyfriend? Boy space friend?"

Nagtawanan ang mga kaibigan ni Rose. Hindi kumibo si King pero salubong ang kilay na isinet up na ang lanes na paglalaruan namin.

"Alright." sabi niya habang ang mata ay nakatingala sa monitor na nakasabit sa itaas mismo ng bukana ng lane. "In one game of bowling, we play ten frames, and in each frame, we get two chances to knock down the pins, unless we get a strike on the first try. So, we have up to twenty attempts to knock down all the pins in a full game. The winners will face off in the next round."

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon