CHAPTER 58

515 65 15
                                    

RICCO ANDRE

Malalim na ang gabi. Sa totoo lang, sobrang late na. Sigurado ako, alalang alala na sa akin si Papa Allie. Pero hindi ko chinecheck ang phone ko kung may tumatawag ba o nagmemessage. Pagkatapos ng tagpong iyon sa simbahan, dumeretso ako sa bar – sa mismong bar kung saan ako nagtrabaho bilang dancer at callboy na si Kyle Moreno bago ako umuwi sa amin bilang si Ricco Andre.

Malalim na ang gabi at madilim sa loob ng bar, pero nakasuot ako ng sunglasses. Mugtong mugto ang mga mata ko at mahapdi, gawa nang hindi ako mahinto sa pag-iyak. Hindi ko matanggap na sa isa pang pagkakataon, nireject ako ni King. Pagkatapos ng lahat. Pagkatapos ng lahat lahat.

Hindi ko alam kung may mali ba sa ginawa ko. Idinaan ko sa kanta ang naguumapaw kong damdamin na hindi ko macontain sa puso ko at pakiramdam ko ay parang sasabog na ang dibdib ko. Maliban doon, hindi ko rin nasabi sa kanya ang plano ni Jane na huwag nang ituloy ang kanilang kasal.

Pero iyon nga iyon eh. Anong pumasok sa isip ko? Dahil ba hindi na itutuloy ni Jane na magpakasal sa kanya ay babalik na sa akin si King nang ganoon kadali? Na para bang yung kasal lang nila ang dahilan para lumayo sa akin si King. Nakalimutan ko na bago pa iyon, hindi naman na talaga malinaw sa amin ang lahat. Bago iyon, halos patayin pa nga niya ako sa suntok sa loob ng sarili kong office.

So kasalanan ko. Baka tama nga si Azalea. Padalos-dalos ako. Ganumpaman, masamang masama ang loob ko. Sobrang masakit sa puso na wala akong ibang magawa kundi ang umiyak. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak. Gusto kong gumawa ng mali. Gusto kong makalimot kahit sandali.

Yung bar na pinuntahan ko – bagamat iyon pa rin ang pangalan at nasa parehong lugar nito dati, ay ibang iba na kaysa sa dati. Hindi ko sigurado kung si Papi pa rin ang may-ari nito o iba na. Pinarenovate at ginawang modern na night club. Nagmukha nang mamahalin at mas malawak na kaysa sa dati.

Dahil naka-sunglasses ako, madali para sa akin na obserbahan ang mga tao sa paligid. Lowkey na ang galawan ng mga callboy ngayon, hindi tulad dati na may nakalaan pang kwarto kung saan sisilip ang mga kliyente para mamili. Dati, obvious na obvious na may nagaganap na kababalaghan sa loob. Hindi na ngayon. Siguro, dahil naghigpit din ang batas at naging mainit ang mata ng mga pulis sa mga night clubs na ginagawang pugad ng prostitution kung kaya nagbago ng strategy ang mga dumidiskarte.

Sa unang tingin, iisipin mong customers lang din sila. Nasa bar counter, o naglalakad lakad, o sumasayaw sayaw sa dance floor. Nagbleblend sila sa mga tao dahil maayos din ang pananamit nila – tulad ng pananamit namin dati.

Pero dahil trabaho ko iyon dati, alam ko. Alam ko kung sino ang callboy at kung sino ang potential na kliyente na nagpapanggap din na naroon sa bar para uminom. Kita ko ang galaw ng mga mata nila. Naghahanap. Sumusubok. Nakikiramdam. Inaapproach ng mga callboy ang mga kliyente na para bang dati nang kakilala. Maguusap sila at magtatawanan na para bang hindi sila naiilang sa isa't isa. Maya maya pa'y magbubulungan. Maloloko nila ang lahat. Pero hindi ako.

Nakapwesto ako sa may bar counter at nakakarami na rin ako ng inom. Hindi na nga ako nakakeep up sa pangalan ng mga alak na sineserve sa akin ng bartender. Basta uminom na lang ako nang uminom. Wala na akong pakialam sa lasa, o sa presyo, o kung gaano karami.

Naisip ko, sa hitsura ko at pangangatawan, hindi ako para lapitan ng mga dumidiskarteng callboy. Mas gwapo at mas mukha pa nga akong bata kung ikukumpara sa karamihan sa kanila kaya hindi nila iisipin na kailangan ko sila. Hindi ako katulad ng ibang lalaki doon – na karamihan ay may edad na at ang iba pa nga'y halatang halata mong bakla.

Pero kung may lalapit sa akin para magoffer, pagbibigyan ko. Wala na akong pakialam. Gagawa ako ng mali at makikipagsex ako sa lalaking hindi ko kilala – at babayaran ko siya ng maraming pera para doon.

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon