RICCO ANDRE
Paggising ko nang sumunod na araw, doon ko naramdaman ang epekto ng lahat ng alak na ininom ko nang nagdaang gabi. Sobrang sakit ng ulo ko at parang tuyong tuyo ang lalamunan ko.
Bumangon ako at nagulat pa ako nang makita kong wala akong suot na kahit ano. Saka ko lang naalala kung ano ang nangyari, at kung sino ang kasama ko magdamag.
Si Kenjie... wala siya sa kama. Umuwi na kaya siya? Dali dali akong tumayo at nagsuot ng robe at pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.
Inabutan ko si Kenjie na abalang abala sa kusina. Sandali ko siyang pinagmasdan. Bagsak ang itim na itim na buhok na bumagay sa maliit niyang mukha – parang yung mga leading man sa KDrama. Wala siyang t-shirt at nakaboxer shorts lang na pinatungan ng itim na apron. Ang lakas ng sex appeal ng batang ito. Naalala ko tuloy bigla kung gaano siya kagaling at ka-wild sa kama. Naremind niya ako ng pagiging tao ko na may pangangailangang kailangan tugunan. At the same time, natulungan niya akong pansamantalang kalimutan ang hapdi sa puso dulot ng mga pangyayari sa buhay ko.
Ngumiti ako habang papalapit ako sa kanya. "Why are you up so early? Dapat hinabaan mo pa ang tulog mo."
Napalingon siya sa akin at halatang nagulat. "Sir. Good morning po. Halika, kain ka na po." Inurong niya ang isang silya sa dining table para upuan ko. Napansin kong sari-sari ang pagkain na nakahain sa lamesa.
"Lumabas ka?" tanong ko habang umuupo.
Tumango siya. "Opo. Buti nga po at may convenience store sa baba nitong building. Wala ka po kasing stock, Sir. Sorry po. Nakialam ako sa ref mo."
Dahil doon ay natawa ako. "OK lang, don't worry. Hindi ako masyadong nagsstock ng pagkain dito dahil napakabihira ko lang gamitin 'tong unit na 'to. Doon pa rin ako umuuwi sa bahay namin."
"Halata nga po, Sir. Kaya pala parang bago pa lahat ng gamit. Sige, kain ka na po, Sir. Ginawan din po kita ng hangover drink." sabi niya at pagkatapos ay inilapag sa tapat ko ang isang basong inumin na kulay pula.
"Thank you. Ikaw din."
"Opo, Sir. Ligpitin ko lang po ito."
Pinagmasdan ko ang binatang abalang nililigpit ang mga ginamit sa pagluluto. Nakakatuwang isipin na ang bata bata pa niya pero parang ang dami na niyang alam sa buhay. Hindi ko alam kung kaya malapit ang loob ko sa kanya ay dahil sa idea na anak siya ni Nanay Rowena at kapatid siya ni Kyle, o dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya, yung panahong ganoon ang edad ko.
O baka pareho.
"Teka, paano ka nga pala nakabili ng mga iluluto, eh di mo naman ako ginising para bigyan ka ng pera?"
Ngumiti siya. "Sir, isinend na po kasi sa akin ni Boss sa GCash yung percentage ko sa binayad mo kagabi. Pumasok po sa account ko kanina. Grabe, Sir. Ang laki po yata talaga ng ibinayad mo sa kanya. Ngayon lang ako sinendan ni Boss nang ganoon kalaki. Nagtext pa siya sa akin na magpakabait daw ako sa'yo at galingan ko daw. Ginalingan ko naman po, di ba?"
Dahil sa sinabi niya ay natawa ako at muntik pa akong masamid. Gusto kong itanong kung magkano ang isinend sa kanya ni Papi pero alam ko na hindi appropriate yun. Siguro, nagdalawang isip si Papi na tablahin si Kenjie dahil alam niya na malalaman ko at tiyak na susugurin ko siya pag ginawa niya iyon.
"Mga sinasabi mong bata ka."
Kumamot siya sa ulo. "Naku, ang daldal ko na masyado. Sorry po, Sir."
Tumango ako. "That's okay. Pero Kenjie, about what happened between us..."
"Opo, Sir." sabi niya, biglang yumuko at lumungkot ang awra. "Alam ko po. Isang beses lang po talaga yun, at alam kong hindi na ulit dadating sa akin ang chance, kaya ginrab ko na. Alam ko po kung saan ako lulugar, kaya wag po kayong mag-alala. Hindi po ako mageexpect ng kahit ano at wala din po akong pagsasabihan."
BINABASA MO ANG
Mon Amour (My Love)
RomanceA Sequel to 'The Other Half' Angelo returns home from France after six years, wealthy and accomplished. Yet, despite his success, he is still a virgin. He's determined to lose his virginity by any means necessary. Then he meets Kyle, a striking and...