CHAPTER 68

729 47 22
                                    

RICCO ANDRE

Nakayuko si Rose nang pumasok siya sa visiting area, akay ng dalawang pulis na babae. Ang makapal at kulot niyang buhok ay nakatirintas papunta sa kaliwang side. Hindi ko mawari kung namayat ba siya sa ilang araw na pananatili sa loob ng kulungan, o sadyang maluwag lang sa kanya ang suot na inmate uniform.

"Umupo ka." sabi ng isa sa mga pulis nang makalapit sila sa amin. "Ayan, kausapin mo ang mga bisita mo."

Inangat ni Rose ang mukha at halatang nagulat nang makita kami. "Take me back. I don't want to talk to them," sabi niya, sabay talikod.

"Rose," mahinahong sinabi ni Uncle Martin. Sinamahan niya kami dahil alam niya na mangyayari ito - na magmamatigas si Rose at mahihirapan kaming kausapin ito nang maayos.

Sa kabila ng pagtawag sa kanya ng ama, hindi tuminag si Rose at tuloy tuloy na lumakad palayo. Tumingin ang mga pulis sa amin na para bang sinasabing wala silang magagawa sapagkat hindi nila pwedeng pilitin ang preso kung ayaw nitong makipagusap sa bisita.

"Rose, come back and sit," malakas at matigas na sinabi ni Uncle Martin. "Or this will be the last time you'll ever see me, or even your mom."

Walang nagawa si Rose kundi huminto sa paglalakad. Sandali siyang tumayo nang walang kakilos kilos malapit sa gate ng visiting area. Ilang sandali pa'y muling humarap sa amin, ngunit sa pagkakataong ito ay namumula na ang mga mata dahil sa mga luhang pinipigilang tumulo.

Mabilis siyang naglakad pabalik sa amin - sa mahabang lamesa kung saan sa kabilang side ay nakaupo kami nila King at Uncle Martin. Padabog siyang umupo sa tapat namin, ang mga mata'y nanlilisik habang nakatitig kay King, na kulang na lang ay may lumabas na apoy mula sa mga ito.

"Ano ba kasi yun? Anong kailangan niyo sa akin?" maangas niyang tanong. "Come on, spit it out. Wag niyong sayangin ang oras ko."

"Rose."

Sandaling tumingin si Rose sa kanyang ama na malungkot na nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay muling ibinalik ang matalim na tingin kay King. Hindi siya tumitingin sa akin.

"Ano? Bakit kayo nagpunta dito? Para ano? Do you honestly expect me to get on my knees and cry at magmakaawa na tulungan niyo akong makalaya? It's not gonna happen!"

Hindi kumibo si King. Ganoon din si Uncle Martin. Ako, hindi ko maintindihan ang tensyon na nararamdaman ko. Hindi ko alam ang kahihinatnan ng confrontation namin na ito kay Rose. Maging ang objective kung bakit nagplano si King na bisitahin at kausapin ito ay hindi rin malinaw sa akin.

"I am not sorry, if that's what you expect me to say. Hinding hindi mangyayari 'yun. Yung mga ginawa ko, I don't regret any of it, not one bit. In fact, I could have done more. Kung hindi lang bobo yung James na 'yun."

Napayuko ako nang marinig ko ang pangalan ni James (Joshua). Hindi ko pa rin matanggap na yung taong pinagkatiwalaan ko, kasabwat pala ni Rose at ni Mr. Lim na puro masama ang hangarin sa akin at sa pamilya ko.

"If you're going to ask me, I want to do the things I've done over and over again. Hintayin niyo akong makalabas dito. And when that happens, I'll make sure I'll succeed."

"Are you finished?" kalmadong tanong ni King. Sobrang somber ng aura niya at parang bored na bored. Ni hindi man lang siya tinablan sa mga litanya ni Rose. "We didn't come here to argue, Rose. We came because we care about you. We want to understand why you're doing this and see how we can help."

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon