CHAPTER 56

488 66 23
                                    

RICCO ANDRE

"Ricco, anak." Nagulat ako nang biglang magsalita si Papa Allie. Halos madaling araw na pero hindi ako makatulog kaya lumabas muna ako sa balcony para doon magpahangin at magmuni-muni. Hindi ko inaasahang gising pa siya.

Lumingon ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi nang makalapit siya sa akin. "Papa Allie. It's late. Bakit hindi pa po kayo nagpapahinga?"

Tumitig muna siya sa akin saglit bago tipid na ngumiti. "Ikaw ang dapat nagpapahinga na by now. Alam kong pagod ka today. After ng buong maghapong trabaho, dumeretso ka pa sa rehearsal."

"I'm fine, Papa Allie. Hindi naman po ako masyadong pagod."

"I see." Tumango tango siya at pagkatapos ay tinabihan ako at nakitanaw sa kawalan habang nakakapit sa balustrade. "Why are you here, though? Did I interrupt something? Are you meditating?"

"Sort of." sagot ko sabay higop sa e-cigeratte. Nakatingin lang sa akin si Papa Allie habang binubuga ko ang usok sa hangin. Nakalimutan ko, hindi ko pa pala naipagpaalam sa kanya na gumagamit ako ng ganoon (nagquit na ako sa pagyoyosi) so hindi ko sure kung anong iniisip niya. "Nagiisip-isip lang po. At the same time, heto, para magvape at magpahangin."

"How are you, Son?" tanong ni Papa Allie at malungkot ang tinig niya kaya muli akong napalingon sa kanya.

"I'm good, Papa Allie, bakit po?"

"Are you sure you are really going to sing, sa kasal ng kuya mo?"

Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.

"Ricco, I know why you cried kanina sa rehearsal."

Hindi pa rin ako kumibo dahil pakiramdam ko, piniga ang puso ko bigla sa pagkakabukas ng topic tungkol doon.

"Alam ko, although it's been a while since we last talked about it, na nandiyan pa rin yung feelings mo for him, after everything, after all those songs that you sang, after all this time. Mahal mo pa rin siya."

Dahil sa sinabi ni Papa Allie, tumulo ang luha ko at hindi ko napigilan.

"Nasasaktan ka, Ricco. And if that is too much -."

"Papa Allie, I'm sorry. I won't stop loving him. I never did, and I never will. Hindi, kahit isang beses."

"But he's getting married now. Don't you think it's time to let go?"

"NO!" malakas kong sinabi "I'm sorry, Pa. I don't think I can ever let go. Blame it to my heart, because it's so stubborn. I did not stop loving him kahit pa nalaman ko noon na magkapatid kami. So I won't expect my heart to stop loving him now dahil lang sa ikakasal na siya."

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. "Anak nga kita, Ricco. Sa akin mo namana ang pagiging stubborn ng puso mo."

Natigilan ako. Tungkol ba sa present na sitwasyon (yung paglalahong bigla ni Papa Rodel) yung pagiging stubborn na tinutukoy ni Papa Allie sa kanyang sarili, o something na nangyari sa nakaraan?

"What do you mean? Did you ever need to be (stubborn)?"

Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Papa Allie at sigurado ako na may luha sa kanyang mga mata bago niya inalis ang tingin sa akin at muling tumanaw sa madilim na kawalan.

"There was a point in our lives, kami ng Papa Rodel mo, that we felt na hanggang doon na lang. We were so young then. He turned away from me, to choose his family. So basically, our relationship was over. If my heart wasn't stubborn, siguro, hanggang doon na nga lang talaga yun. But I chose to hold on. I never stopped loving him."

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon