KYLE
Kinumpleto ko ang pagsasara ng butones ng polo ni King. Humahalimuyak na naman siya sa bango kaya hindi ko alam kung dapat ko bang tapusin ang pagbibihis sa kanya o huhubaran ko na lang siya ulit at hahalikan nang hahalikan.
Nginitian ko siya. "Ayan, tapos na."
"Thanks, Kyle." sabi niya, nakangiti rin nang ubod tamis. "How do I look?"
"Ang gwapo mo, King. Pasensya ka na, mahal yata yung damit na nasira ko kagabi."
Tumawa si King. "It doesn't matter. Nothing in the whole world is worth the happiness I had last night. Thank you, Pogi."
Bago pa ako nakahuma ay hinalikan na ni King ang bibig ko. Napakasarap. Parang nanlalambot ang mga tuhod ko.
"Kailan kita makikita ulit?" tanong ko.
"Hmmm." sabi niya habang inaayos ang buhok. "I just need to go to the office today. And then I will see my parents later. I will go to Jane's restaurant tonight. I'll see you there."
"OK." nakangiti kong tugon. "Mas gaganahan akong kumanta mamaya."
Muling hinalikan ni King ang bibig ko. Sa pagkakataong iyon ay isinabit pa niya ang braso niya sa batok ko.
"I love you, Kyle. Thanks for coming into my life."
Natigilan ako. Nakakapanibago ang mga bagay na naririnig at nararanasan ko pero sobrang sarap sa puso.
"I love you. Salamat din, King."
Inihatid ko siya hanggang sa elevator at nang sumara na iyon ay muli na akong bumalik sa loob ng condo unit. Tila wala sa sariling humiga ako sa kama. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. Basta ang alam ko lang, mula sa puntong iyon nang nagdaang gabi, nagbago na ang lahat ng bagay.
At masaya ako, na sa pagbabagong iyon, isang pag-ibig ang pinapasok ko sa aking buhay. Sa wakas. Tapos na rin ako sa lungkot. Panahon na para maniwala na ang buhay ay hindi lamang puro paghihirap at pag-iisa. Pagkatapos ng lahat, mayroon rin palang isang magandang bagay na nakalaan para sa akin.
***
KING"Hello, Jane."
"Where are you, King?"
"I'm driving, on my way to the office."
"I'm not going to ask where you stayed the whole night. I already know. Buti na lang at pinauwi ko siya."
I chuckled. "That was thoughtful of you, Jane. Thanks."
"What's going on?"
"If you're asking about me and Kyle—yes, he's my boyfriend now."
Jane screamed. "OMG!"
"You didn't need to scream, Jane. I told you I'm driving. I almost hit the gas."
"Sorry. Natuwa lang talaga ako. Do you know how hard it was for me not to tell you that in an email?"
"Wait. So you knew?"
"I knew it was coming. I could see it in his eyes too. I'm just so happy for you, King."
I smiled. "Thank you, Jane."
"You guys just look so good together. Nakakainis lang."
"Why?"
"Come on, King. You're both so handsome. It's frustrating for girls like me. Imagine, there's already a shortage of good-looking guys, and then the ones who are really handsome, sila pa ang nagkakagustuhan. Nakakainis!"
BINABASA MO ANG
Mon Amour (My Love)
RomanceA Sequel to 'The Other Half' Angelo returns home from France after six years, wealthy and accomplished. Yet, despite his success, he is still a virgin. He's determined to lose his virginity by any means necessary. Then he meets Kyle, a striking and...