KYLE
Pagkatapos ng ilang minutong lumublob at lumakad lakad ako sa mababaw na parte ng pool (minsan, nilulubog lubog ko ang ulo ko, dumadapa dapa sa tubig habang nakakapit sa hagdan), umahon na ako. Una, alam kong gusto nang lumangoy ni Jane sa malalim, nahihiya lang siyang iwanan ako. Pangalawa, kanina pa namin hindi kasama si King.
Hinahanap ko? Ayaw ko mang aminin, pero oo. Para bang kahit palabiro si Jane at masayang kausap, hindi kumpleto ang sayang nararamdaman ko kapag hindi malapit si King. Para bang gustong gusto ko yung pakiramdam na nasa paligid lang siya.
Nakita kong nakahiga siya sa beach chair at suot ang sunglasses ngunit hindi na muling isinuot ang bathrobe niya. Lantad na lantad ang maganda niyang katawan sa mga dumadaan pero parang wala naman siyang pakialam.
Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng inis, kung bakit parang gusto kong takpan ang katawan ni King mula sa malisyosong paningin ng ibang tao. Normal lang naman ang ganoong ayos dahil nasa pool kami, at maliban sa aming dalawa, marami pang ibang lalaki na ganoon din ang suot pero wala naman akong pakialam. Bakit pag kay King, big deal?
Lumakad ako papunta sa kanya at hindi pa man ako nakakalapit ay nakangiti na siya at litaw na ang dimple sa magkabilang pisngi.
Isinuot ko muna ang asul na bathrobe bago humiga sa katabing beach chair ng hinihigaan ni King. Pagkatapos ay isinuot ko din ang sunglasses.
"Why did you stop?" tanong ni King. "I was having a nice time watching you and Jane from here."
"Sa malalim na daw kasi siya. Saka ayoko nang lumubog. Hindi naman ako marunong lumangoy." sabi ko naman. Inilibot ko ang paningin sa paligid. "Ang ganda dito."
"I'm glad you liked it."
Tumango ako kahit hindi naman nakatingin sa akin si King. "Nabanggit sa akin ni Jane na isa lang ito sa malaking pag-aari ng tito mo."
Ewan ko bakit nabanggit ko pa ang salitang 'malaki'. Hindi naman kailangan. Tuloy, napansin kong ngumiti na naman ng kakaibang ngiti si King.
"Hmmm. Yeah. This is just one of the many." Tumawa siya. "But you know what, mas malaki ang pag-aari ko."
Pakiramdam ko, uminit ang mukha ko. Nakakailang. Lalo at Tagalog pa ang ginamit niya – bagay na napakabihira niyang gawin. Gustong gusto ko siyang ihulog sa pool. Parang sira ulo.
"Wala na bang ibang laman ang isip mo kundi puro ganyan?" tanong ko, pinipigilan ang sariling matawa.
"Actually, that's just the second thing. Ang talagang laging laman ng isip ko ay ikaw."
Natigilan ako. Sa pagkakataong ito ay hindi tumawa si King, ni ngumiti man lang. Tahimik siyang nakatingala sa langit. Parang lumukso ang puso ko sa sinabi niyang iyon at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
"Pinagsasasabi mo." sabi ko. Pakiramdam ko, mas lalong uminit ang mukha ko.
"Oh my. I forgot to give you some sunblock. Namumula ka, Kyle. Are you OK?"
"There you are!" si Jane, na ikinagulat ko. Pero salamat na rin dahil nagkaroon ako ng dahilan para wag pansinin ang sinabi ni King. "What are you guys doing here? Aren't you going to swim anymore?"
"Not anymore." sabi ni King.
"Oh my god, Kyle. Namumula ka!" sabi ni Jane. Bumalik na naman tuloy doon ang topic. "Are you OK? King, hindi mo siya binigyan ng sunblock? May nilagay ako doon sa bag ah."
"Yeah, I forgot. I'm so sorry."
"OK lang ako." sabi ko naman. "Maya maya, wala na 'to."
"Alright. Sure ka ha?" tanong ni Jane na muli nang isinuot ang pink na bathrobe. "So what are we doing next?"
BINABASA MO ANG
Mon Amour (My Love)
RomanceA Sequel to 'The Other Half' Angelo returns home from France after six years, wealthy and accomplished. Yet, despite his success, he is still a virgin. He's determined to lose his virginity by any means necessary. Then he meets Kyle, a striking and...