CHAPTER 34

583 87 11
                                    

RICCO ANDRE

Hindi ko kinailangan ng matagal na panahon para mahimasmasan sa nangyari. Sa katunayan, lahat ng sinabi kong masama at masakit kay King, hindi ko naman gustong sabihin talaga. Nagkataon lang na naguumapaw rin ang emosyon ko at hindi ko alam kung paano ko lalabanan, kung kaya nagawa kong sabihan siya ng kung ano ano.

Nung sinabi niyang hindi niya nakuhang maging masaya mula nang mawala ako, halos bumigay na ako. Halos yakapin ko na siya. Halos magsorry na ako sa nagawa ko. Kaya lang, biglang pumasok si Papa Rodel sa kwarto ko.

Naging mabilis ang pangyayari. Ang alam ko lang ay nasaktan nang labis si King sa ginawa ni Papa Rodel na pagtulak sa kanya at pagkabig sa akin. Mabilis siyang lumabas at hinabol siya ni Papa Allie na papunta pa lang sana sa kwarto ko.

Ako naman ay hindi magawang magsalita kahit pa nakailang tanong na sa akin si Papa Rodel. Nanginginig ang buong katawan ko. Masama pa rin ang pakiramdam ko dahil sa aksidente, na dinagdagan pa ng suntok ni King sa mukha ko. Higit pa roon, ay ang sakit sa kalooban na alam kong nasaktan ko ang damdamin niya.

Ilang sandali pa nga ay narinig namin na kumalabog ang hagdanan. May tumatakbo pababa at sigurado akong si King iyon. Lumabas kami ni Papa Rodel sa kwarto at naabutan namin si Papa Allie na hinahabol si King habang papalabas siya ng malaking pinto.

"Angelo. Son! Where are you going? Pag-usapan muna natin ito!"

Hindi siya pinansin ni King. Dere-deretsong lumabas at maya maya pa'y natanawan na namin ang kotse niyang palabas ng gate.

Umupo si Papa Allie sa sofa at tahimik na pinahid ang luha sa mga mata niya. Nakakadurog ng puso ang makita siyang umiiyak. Nakakaguilty, dahil alam kong may kinalaman ako sa luha niyang iyon. Lumapit si Joanna at inabutan siya ng isang basong tubig.

Pagkatapos uminom ay tinignan niya ako nang tuwid sa mga mata.

"I won't ask you anymore. Hindi na mahalaga sa akin what went on between you and your Kuya Angelo tonight. I just want us to talk, though."

Kinabahan ako. Seryoso si Papa Allie. Ano kayang paguusapan namin?

Napansin kong tuloy pa rin sa pagtulo ang luha mula sa mga mata ni Papa Allie. Ibig sabihin, hindi na para sa nangyari lang kanina ang mga luhang iyon. May mas higit pang dahilan.

"God knows, kung gaano kalaki ang pasasalamat ko, that night na inuwi ka ni Angelo dito. For fifteen years, natutunan ko nang tanggapin na nawalan ako ng anak, although napakasakit. Sino bang magulang ang gugustuhing mamatayan ng anak? That's why I'm so thankful na malaman na all these years, buhay ka pala, Ricco. And now you're back. I know fifteen years is a very long period of time, and kung gagawin kong pattern si Kuya Angelo mo, I could say na maraming marami ang pwedeng nangyari sa'yo within that period. However, I waited for you. As you can notice, hindi kita pinilit magsalita kung ano ang nangyari sa'yo. I waited until you're ready to tell me, to tell us."

Hindi ko magawang magsalita. Minabuti ko na lamang na manahimik at makinig sa mga sumunod pang sinabi ni Papa Allie.

"But now, I think it's time Ricco. I know it's not proper to say this, and I know this isn't your fault. Pero anak, parang hindi na kita kilala. Ibang iba ka na sa Ricco na iniingatan ko sa alaala ko. Will you please tell me everything?

Huminga ako nang malalim. Alam kong mahihirapan ako. Isipin ko pa lamang na balikan ang mga nangyari, halos mamatay na ako sa sakit. Ngunit tila wala naman akong magagawa. Batid kong karapatan din nila na malaman ang tunay na nangyari sa akin.

"Whatever you've been through, you have to tell us. Kung masakit man, you have to endure it. Kasi hindi ka makakalaya kung hindi mo sasabihin ang lahat sa amin, anak."

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon