CHAPTER 53

446 59 16
                                    

RICCO ANDRE

Inilapag ko ang ballpen na ginagamit ko sa pagpirma ng napakaraming mga papeles sa ibabaw ng desk ko. Sumandal ako sa aking office chair at sandaling pumikit habang tinatapik-tapik ng dalawa kong daliri ang noo ko. Nakakapagod. Hindi ko alam bakit Lunes pa lang ay parang wala na akong kaene-energy.

"Kuya Ricco." si Azalea, na ang lakas lakas ng boses kaya naman napadilat ako at napatingin sa kanya. "Ay, nagpapahinga ka ba? Sorry."

"No, that's okay." sabi ko naman at muling dinampot ang ballpen ko habang naghihikab. "Ano ba yun?"

"Tatanungin lang sana kita kung saan ka magla-lunch mamaya. May lunch meeting ka ba, or anything?"

Umiling ako. "Wala naman. Baka dito na lang ako maglunch – sa pantry. Ikaw ba? Saan ka kakain? Sa labas?"

"Oo, may gusto kasi akong itry. Yung bistro na binabanggit ng kaibigan ni Jared last time, business daw nilang mag-asawa. Masarap daw ang foods. Eh malapit lang yun dito. Baka gusto mong sumama. Tutal, wala ka namang lunch meeting pala."

"O sige, sama na lang ako sa'yo." mabilis kong tugon. "Besides, wala rin si Joshua kaya walang magdridrive para sa akin."

"Ah wala ba? Kaya pala kanina ko pa hindi nakikita. Eh pa'no ka pumunta dito kung wala pala yung driver mo?"

"Eh di lumipad." sagot ko, sabay tawa. "What kind of question is that? Malamang, nagtaxi."

"Ano ba yan, Kuya Ricco?" tumatawang tanong ni Azalea bagamat kitang napikon dahil nakairap. "Alam ko namang lumipad ka dahil halata naman. Sa payat mong 'yan, para kang saranggola."

"Aba, aba. Bumabawi ka ha?" Nagcrumple ako ng isang scratch paper at ibinato sa kanya pero mabilis siyang nakailag. "However, that's foul, Azalea. We don't do body shaming here."

"I know, I know. I'm sorry. I'm just teasing. Pero ibalik ko lang yung topic kay Joshua. Anong meron, Kuya Ricco?"

Dahil doon ay natahimik ako at napatingin sa kanya. Iba ang ngiti ni Azalea.

Umiwas ako ng tingin. "Anong meron? Wala. What are you talking about?"

Hindi sumagot si Azalea at itinuloy ang mapang-asar na tingin.

"Ay naku, Azalea, don't give me that look."

"Namumula ka!" Lalong lumaki ang ngiti niya. "Kuya Ricco, wag ka na ngang echusera! Anong wala eh kitang kita naming lahat 'yun. Ako, na akala ay puro porma lang si Joshua sa'yo, nashock talaga ako nang nakita kong nagkiss kayo!"

Agad akong lumingon sa paligid bagamat alam ko naman na dalawa lang kami ni Azalea sa loob ng office ko. "Correction. He kissed me. Hindi kami nagkiss. Don't be ridiculous."

"Pero you just let him. You did not stop him. Kuya Ricco, for god's sake, you have to tell me the truth. Anong meron? Kayo na?"

"God, no!" mainit kong sinabi. "Azalea, enough na sa topic na 'yan, pwede? There's nothing to tell you kasi wala naman talaga. Walang kami. Walang anything. It was just a kiss. Yun lang."

"Fine." nakalabi at nakataas ang kilay na sinabi ni Azalea. Itinuon ang mga mata sa nakatengga niyang trabaho sa mesa. "Baka sa'yo lang wala. Baka kaya siya umabsent ngayon ay dahil hindi niya ma-take na wala lang pala sa'yo yung nangyari na 'yun."

Hindi na ako sumagot dahil hahaba lang ang diskusyon at mapipikon lang ako kay Azalea kahit ayoko sana. Bigla bigla tuloy, bumalik sa isip ko ang mga nangyari noong Friday night na iyon.

Nagulat ako nang bigla akong hawakan ni Joshua sa mukha at hinalikan ang bibig ko. Muli, tumulo ang luha ko. Nagsigawan ang mga kainuman namin at yung iba'y pumalakpak pa, kasabay ng pagtatapos ng kanta ni King.

Mon Amour (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon