Prologue

452 11 0
                                    

Nag-iisang anak si Kariya Okade. Bukod doon ay tagapagmana din sya ng isang mayamang Kompanya. Ang Shimajiri Corp. Ang Mommy nya ang nagpapatakbo ng ng kompanya habang ang Daddy nya ay isang Engineer. Lahat ng gusto nya ay napakadali lang nyang nakukuha. Pero hindi sya kontento dahil hindi naman nya ginusto ang ganoong buhay. Paano nga ba naman, hindi sya masyadong lumalabas ng bahay. Halos wala syang social life dahil sa home schooling nya. Bukod pa doon ay tinuturuan din syang makipaglaban. Gumamit ng mga armas. Lalo na ang mga deadly weapons. Tulad ngayon, kakatapos lang nyang mag practice. "Tapos na po ang practice ngayon Ms.Okade. Arigatou". Ang wika ng instructor nya sabay ukod. After that umakyat na sya sa kwarto nya. Hinayaan nya ang sarili nya na bumulagta sa queen sized bed nya. "Walang social life at di man lang nakaka apak man lang sa isang school campus. Puro home school, Karate, Judo, Jujutsu,Fencing and so much more. Am I living in hell?" Ang sabi nya sa sarili nya at saka sya nagbuga ng isang buntong-hininga. "Ayos ka lang ba anak?" Tanong ng Mommy nya na kakarating pa lang. "Hindi ka pa nag aayos ha? Ngayon dadating si Mr.Sendoh kasama ang anak nya." Dagdag pa nito. At dahil doon, naligo na sya at nag ayos.
( In the living room)
" Konnichiwa, Sendoh-san." Ang bati ni Mr.Okade sa bisita. "Where's Kariya?" Tanong ni Akira. Si Akira Sendoh ay ang lalaking nakatakdang pakasalan ni Kariya.  "Andito na ako" Ang wika ni Kariya habang naglalakad. Tumigil sya at saka umukod bilang pagpapakita ng galang at respeto. Lumapit sa kanya si Akira at niyakap si Kariya. "Matagal na din tayong hindi nagkita Kariya." Wika nito. "Napakagandang pagmasdan" puna ni Mr.Sendoh. "Simulan na natin ang kasunduan" ang mungkahi ni Mr.Okade. "Excuse me po. But can I just atleast... talk?" Wika ni Kariya. "Talk for yourself hija". Ang wika ni Mr.Sendoh. "Okay.... All of my life wala akong ginawa kundi ang sumunod sa gusto nyo. Actually parang hinahayaan ko na lang na manipulahin nyo ang buhay ko. I have no social life, I have never experienced to step in a school campus. Hindi tulad ni Akira. Nakakapag-aral sya sa Ryonan. Mom, Dad, alam ko naman pong kahit ayokong magpakasal kay Akira wala po akong magagawa." At bigla na lang syang lumuha ng di nya namamalayan. "Sana po, hayaan nyo po akong maranasan ang mga bagay na di ko pa nagagawa. Bago man lang po ako ikasal kay Akira. Hayaan nyo po sana akong mag aral sa isang school kung saan mararanasan ko ang magkaroon ng mga kaibigan. At makipagkompitensya sa iba." Natahimik silang lahat sa narinig nila mula kay Kariya. "Tama sya Dad, nakukuha naman nya lahat ng gusto nya. Pero napaka unfair naman po na di nya maranasan ang mga naranasan natin. Bakit di nyo na lang sya payagan Mr and Mrs Okade?" Ang wika ni Akira  "Okay lang naman po yun diba?" Dagdag pa nya sabay ngiti. "Okay Kariya. Pumapayag na kami anak. Basta magpapakasal ka kay Akira after mong makatapos ng high school." Ang wika ni Mr.Okade. Ngumiti si Kariya.
Kinabukasan ay nai-enrole na si Kariya sa Shohoku. Pinapili kasi sya at Shohoku ang pinili nya. Bakit hindi sa Ryonan kung nasaan ang fiancè nya na si Akira Sendoh? "Kasi nandun si Akira" yun ang paliwanag nya.

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon