(Rukawa's P.O.V)
Ngayong araw na ito ang sports festival ng Shohoku. Kasagpi naming mga Freshmen ang Sophomores. Isinali nila kami ni Sakuragi sa speed race. Andito na kami ngayon sa likod ng school kung saan magaganap ang mangyayaring speed race. "Hoy gunggong.. wag kang babagal bagal." Pang aasar ko kay Sakuragi. "Lakas mong magyabang palibhasa Soro ka kaya mabilis kang tumakbo." Ang sagot naman nya.. "Gunggong". Yun ang tangi kong nasabi.Hay nako.. para syang ewan.. sa unang track nandun ang unang tatakbo na may hawak na dalawang dangkal na tubo. Marami namang sumali pero.. ang isa sa kalaban ni Sakuragi doon ay ang bungal na Mitsui. Na sya namang kasagpi ni Miagi.
Sa pagputok ng hudyat ay nagsimula na ang race.. nagsimula na rin silang tumakbo. Sige Gunggong bilisan mo pa.. Ayokong matalo dalian mo...
Ilang saglit pa ay nakarating na sya sa kinakatayuan ko. Halos kasabay nya lang si Mitsui. Nang mahawakan ko yung maliit na baton kumaripas na agad ako ng takbo. Kaso mabilis talaga itong si kulot kaya di ko namalayan na malayo na ang agwat namin sa iba naming kalaban. Konti na lang.. maaabot ko na ang ribon sa finish line..
At... konting konti na lang...
Kasabay ng pagpito ay ang pagkadapa ni Miagi dahil naapakan nya ang sintas ng sapatos nya. Di nya alam na nakalas pala.. kaya.. kami ng gunggong ang nanalo..
"Hahahaha, ibang klase ang swerte mo Soro.. Akalain mo na nanalo ka dahil nadapa si Kulot?" Ang wika ni Sakuragi sakin sabay paulan ng tapik sa likod ko.. Lumapit naman si Miagi at sinabing.. "Hindi ko matatanggap ang pagkatalo namin.. isa itong malaking kadayaan.. REMATCH!" Reklamo pa nito sa amin. "Alam mo kulot kahit humingi ka ng rematch sa amin. Matatalo ka pa din.. alam mo kung bakit? KASI MATANDA NA KAYO NG BUNGAL NA YAN!!! NYAHAHAHAHAHAH🤣🤣🤣" Pang aasar pa ni Sakuragi sa kanya. "Anong sabi mo?! Wala kang galang sa mas nakatatanda.." Singit naman ni Mitsui. "Oo Mitchi.. matanda ka na nga.. Gurang na bungal pa NYAHAHAHAHHA" ang wika naman ni Sakuragi.
Di ko talaga alam kung bakit ang lakas mang asar ng Gunggong na to eh.
"Ang sama ng ugali mo Hanamichi 😢" ang paawang wika ni Miagi.. "Tss.. Tatanda ka din unggoy." Dagdag pa ni Mitsui.. hay.. maiwan na nga sila. Matutulog na lang ako sa rooftop.
PAGING MR.KAEDE RUKAWA, MR.KAEDE RUKAWA.. PLEASE PROCEED TO BASKETBALL GYM IMMEDIATELY..
Ano? Bakit? Wala namang practice ah.. "Nako pasensya na di namin nasabi.. sabi kasi ni coach Anzai gusto ka nyang makausap. Pero di namin nasabi agad sayo Rukawa.. pasensya na..." wika ni Mito. Yung kaibigan ni Sakuragi. Malayo layong lakarin papunta sa Gym.
Malapit na ako sa Gym nung may tumugtog na kanta mula sa radio room. Hindi ko na lang pinansin pero yung chorus ng kanta. Tinamaan talaga ako..
🎵Nang dumating ka sa buhay ko...
Binago mo lahat.. pati ang aking mundo..
Binigyan mo ng ngiti.. at ligaya ang buhay.. pangako sayo na hindi kita.. iiwan...🎵Tama.. mula ng dumating si Kariya sa buhay ko marami nang nagbago. Nangako ako sa kanya na di ko sya iiwan pero... wala ako ngayon sa tabi nya.. o kahit ng mga oras na nasa panganib sya. Wala akong nagawa kundi ang maglaro ng baaketball..
Napatungo na lang ako at di ko rin namalayan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Napasandal ako sa dingding na malapit sa pinto ng gym.. "Sorry Kariya.. Sorry.." ang tangi kong nasabi sa sarili ko.
Pumasok ako sa Gym pero wala naman si Coach Anzai doon. Pero bigla na lang nagsara ang pinto ng gym. Pucha... ano to? Sinet ba nila ako? 😒
Wala namang ibang tao dito.. kaya siguro pwede naman ako matulog ano? Pagod ako sa race kailangan ko ng pahinga.
BINABASA MO ANG
Nang Dumating Ka
Fanfictungkol sa isang mayamang high school girl na naghahanap lang ng bagong experience. Ayaw magpakasal sa lalaking gustong ipakasal sa kanya. Pero wala syang magagawa laban sa gusto ng mga magulang nya. Kaya nakiusap sya na payagan syang mag aral sa is...