Trouble 1: First Day

1K 33 6
                                        

"Pangako, kahit anong mangyari nandito lang ako palagi sa tabi mo."

Nagising ako dahil sa ala-alang pumasok sa panaginip ko.

Panaginip..

Pwede palang mapanaginipan ang nakaraan? Napailing na lang ako at napabuntong-hininga.

Nakakatawang isipin pero ang mga ala-ala niya ang gumigising sakin tuwing umaga. Ang mga ala-ala nya ang nagsisilbing alarm clock ko at hudyat ng panibagong umaga na wala siya.


I miss you..

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama ko. Hindi naman kasi pwedeng magmukmok lang ako sa isang sulok. It's been years and I need to move on.

5:15 am.. I'm done preparing myself kaya bumaba na ako.

"Good morning, breakfast ka muna ate Yen." Sabi ni Shayne na naabutan kong naghahanda ng almusal kaya lumapit na ako para kumain.

Habang kumakain napansin ko na nakatitig siya sa akin. I gave her 'what!?' look na nagpailing sa kanya.

"I always wonder what if incidents years ago didn't happen. Would you still be like that?" Napatigil ako ng pagkain. Heto na naman kami. "Would you still choose to be hard headed and cold to everyone?"

"Stop." Napahawak ako nang mahigpit sa kutsara't tinidor ko.

"What if kuya's alive? Or kuya Gab---"

"Could you just please stop!?" Pinakalma ko ang sarili ko. "I'm done. I have to go."

"How I wish I could just take away that pain in you." Narinig kong sabi nya bago ako makalabas ng bahay.

Inalis ko sa isip ko ang tono ng boses niya habang kinakausap ako kanina. Nakakabwisit na marinig ang nga litaniya niya at ang mga what if's niya. Asking as if it will change anything, eh?
Nothing will change the fact that they were gone. And it's because of me.. because of my stupidity.

Napabuntong hininga na lang ako bago naglakad muli hanggang sa makarating ako sa unang destinasyon ko tuwing Lunes nang umaga. Maliwanag na pero hindi pa sumisikat si haring araw, tama lang para masabi kong ito ang pinakagusto kong oras sa buong araw.

"Hi kuya. I'm here again. Buti pa dyan no? Tahimik. Peaceful. No one will mess up with you. How I wish I could feel the same." Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa hangin na humahampas sa mukha ko. Kinuha ko sa bag ko ang sketch pad ko at tinitigan ang isa sa mga drawings ko — a picture of my own paradise. Sana katulad na lang ako ng drawing na'to, hindi nag-eexist.

Malapit nang sumikat ang araw kaya napagpasyahan kong itigil na ang pagdo-drawing ng surreal na ginagawa ko kahapon pa at ibinaling muli ang atensyon sa puntod na nasa harap ko.

Justin Zayne Venetia

"Come to think of it kuya, I'm starting to learn living without you. Ang magaling na si Jazlyn Rayne Venetia ay second year college na sa wakas hayys. Good news ba? Sakin kasi hindi e, mas gusto kong kasama kayo. Pero wag kang mag-alala kahit nahihirapan ako, pipilitin kong tuparin yung pangako ko sa'yo."

— - —***

*BEEEEPPPP* *SCREEEEETCCCHHH*

"ANO BA!? ARE YOU BLIND!?" Narinig kong sigaw nung isang lalaki sa hindi kalayuan. Paglingon ko, pinapagalitan nya ang matandang pulubi na nagso-sorry kaya medyo lumapit ako.
"..How stupid! Kung nag-aral ka lang sana nang mabuti noon baka hindi ka pagala-gala at paharang-harang sa daan. Abala ka sa mga nagmamadali e! Pulubi na nga, t*nga-- OUCH!"

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon