Trouble 4: Lagoon

299 17 3
                                        

Natapos ang first week nang matiwasay. Marami pang prof ang hindi nagpakita at yung iba naman nagbigay lang ng syllabus then introduction.

Monday. Papunta ako sa tambayan ko nang bigla akong harangin ng tropa ni clown. Akala ko tapos na sila sa pagka-isip bata e. Hindi naman sila nanggulo last week maliban sa mga masasamang titig nila. Tss

"Miss us, Rayne?" Mayabang na sabi ni clown. Bakit clown? Ang kapal kasi ng make up nya, daig pa yung clown huahua

"There's nothing to miss about Lianna so fvck off." Hanggat maari kasi ayoko ng away dito sa school, ayokong ma-kick out ulit.

"Aww. Nagsasalita na si Rayne." Tumawa sila nang mapang-asar. "Hey, what about we play? You'll be our living barbie! Oh my gosh! This would be exciting!" Immature tss

"Why need a barbie when you're a clown yourself?" Tinalikuran ko na sila. Ayoko talaga sa tatlong bibe na 'to. Aarte tsk

"Who told you to leave when I'm not done with you yet? I will never be done with you Venetia. You'll pay for my pain." Sabi ni Lianna habang mahigpit na nakahawak sa buhok ko.

"Talaga?" Bigla akong umikot at hinawakan ang braso nya saka inilagay yon sa likod niya. "Pa'no mo gagawin yon kung wala ka namang magawa sakin? Hindi ka pa ba nadadala? Ano, gusto mo ng revenge? For Pete's sake, you messed with me first!"

"Girls, get her!" Sigaw niya habang dumadaing sa sakit. Pwe! Weak.

"Sige, subukan niyong lumapit at babaliin ko talaga ang braso ng clown na'to." Parang natakot naman ang dalawa niyang kasama kaya tiningnan lang nila si Lianna nang nag-aalala. "Stop pestering my life dahil kahit babae ka, kahit anak ka pa ng pinakasikat na abogado, masasaktan kita."

"What's happening here!?" Biglang sabi ng lalaking bagong dating. Si Christian Orense, yung vocalist ng bandang IgKnights. A smirk formed in my lips at itinulak si Lianna kay Christian, too bad, nasalo niya. Pwede nang pang-music video, kaso ang sakit sa mata.

"Sa'yo na yan. At kung pwede, 'wag mo na ulit hahayaang lumapit sakin yan, I might kill her." Sabi ko kay Christian bago sila iniwan.

Hindi ko alam kung bakit bukas yung pinto sa fire exit, yung palabas na talaga ng building. Usually kasi naka-lock yon and behind that door is the peaceful lagoon na palagi kong tinatanaw sa 4th floor ng building na'to.

I heard a strumming of a guitar at sa hindi ko maintindihang dahilan, sinundan ko ang pinanggagalingan ng tunog. And then I saw a back of a man, he holds the guitar and singing in a low voice.

How could you make them break my heart?

If I can't say that I miss you
Let me say one last thing

I miss him
And all the things he could do
Yes, I miss him
Just as much as I miss you
Oh, I miss him
I know you're wondering who
Yes, I miss him
I miss the man I was with you

Parang kinakantahan nya lang ang sarili niya. Damang dama niya yung pagkanta at hindi niya man lang napansin na may kasama siya. Ngayon ko lang narinig na ganon yung boses niya, parang nasasaktan talaga siya. Napabuntong hininga siya pagkatapos ng kanta.

"Hindi ko alam na may talent ka pala sa pagkanta Chris Gabriel." Sabi ko pagkaupo ko sa tapat niya.

"K-kanina ka pa?" Natatarantang tanong niya.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon