Trouble 39: Give Up

153 12 0
                                        

Do not ever ever ever give up if it's something you love to do.

Do not ever ever ever let go if it's someone you want to hold on to... even if it hurts, because you're now dealing with forever love.

"Hey! You're spacing out again, Ayen. Akala ko ba ok na kayo ni Joash?" I stared at him without answering his question na nagpaayos ng upo nya.

Nandito kami ngayon sa lagoon habang pinapanuod ang iba na magpraktis. Naka-indian seat kami pareho sa mismong lugar kung saan ko ginamot ang sugat niya noong una kaming magkita dito. Chill na lang kasi ang music team dahil may meeting ang mga officers for polishing at halos lahat sa music team ay officer ng klase, kami lang dalawa ang hindi. Because the most awaited 'Showcase for a Cause' will happen soon.

"Paano mo malalaman kapag kailangan mo ng mag-give up sa isang bagay?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ko syang titigan nang matagal.

"Madali lang. Mahahanap mo yon sa Word of God. Kapag sinabi Niyang give up edi give up kapag sinabi Niyang pursue then go pursue it." Napaismid ako sa sagot Niya.

"Tch. Aware ka naman siguro na hindi ako naniniwala sa Word of God na sinasabi mo. Hindi totoo ang nakasulat sa Bible." Bored na sagot ko sa kanya.

"Sus. Pero naniwala ka dati. Dapat paniwalaan mo pa rin because that's the Word of God and it never fails." He insisted.

"Word of God, Word of God e sulat lang din naman ng tao yan. Ni hindi mo nga nakita yung God na tinutukoy nila diyan e. Kasi nga fiction. Bakit mo papaniwalaan yon e tao lang din naman tayo pare-pareho? We can all write base on our own imagination." Pagtuligsa ko pa sa sinabi niya. Alam kong natigilan siya sa tabi ko kahit hindi ko siya tignan pa. Napangisi ako.

See? Tama ako. Walang kwenta yan. Hindi ko man alam kung anong kinain nila at bigla silang nagbago but I bet that's just temporary, mawawala din yung ipinagpalaban nilang 'faith'. They will just give up because the burden is too heavy to carry.

Biglang nag-vibrate ang phone ko. Nathan's calling.

"Hello sa pinakamagandang babae sa buhay ko." Masayang bati nito at ako bilang pabebe, hindi ako ngumiti kahit sa loob loob ko kinikilig ako.

"Bakit?" Walang emosyong sagot ko sa kanya.

"Nasa labas ako ng school niyo, hinihintay kita." Sagot niya na parang hindi apektado sa way ng pakikitungo ko sa kanya. I ended the call without even answering him.

Tumayo na ako at pinagpagan ang jogging pants na suot ko.

"Alis na ako." Paalam ko kay Iyel bago naglakad palabas ng school.

Paglabas ko ng gate ay nakita ko kaagad ang maaliwalas na mukha ni Nathan habang nakasandal sa kotse niya. Oo nga pala, nakuha na niya ulit lahat ng na-confiscate sa kanya.

"Hi." Masayang bati nito at binuksan ang pinto sa likod niya. Napabuntong hininga ako pagkapasok sa loob ng kotse niya. May nakalimutan na naman siya.

"Where are we going?" I asked on our way to somewhere pero nginitian niya lamang ako at nagfocus lang sa pagdadrive. Napairap na lamang ako at napagtripan ang stereo na nagbibigay ingay sa paligid namin, ayoko ng awit na nililikha nito kaya inilipat ko pero parang pare-pareho lamang ang tema ng mga musika - worship.

Dinala niya ako sa rooftop ng isang hotel kung saan matatanaw ang manila bay at ang papalubog na araw na lalong gumaganda dahil sa reflection nito sa tubig. Napangiti ako, the ambiance, the view and the one I am with, it's almost perfect. Pumikit ako habang dinadama ang hanging tumatama sa mukha ko. Pagmulat ko, nakita ko si Nathan na nakangiti habang pinagmamasdan ako kaya mas lumapad ang ngiti ko.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon