Trouble 44: Another Shot

190 13 0
                                        

Naging madali ang paglipas ng panahon pagkatapos ng unforgettable performance na iyon. Bakasyon na (sa wakas) pero sa totoo lang, wala akong magawa. Mga ganitong panahon kasi dati, sumasabak ako sa misyon sa secret org or kung hindi naman, ako ang sumasabutahe sa misyon ng iba pang member. Kung ano ang trip ko sa dalawa, iyon ang gagawin ko. Pero ngayong buwag na ang samahan, wala na akong pagkakaabalahan. Ang alam ko lang, dahil sa tradition war na nangyari kung saan napatay ni Mikhaila ang King nito, tuluyan nang nawala ito pero nanatili ang mga gangs na buo pa rin na parang naghihintay lang sa muling pagbukas ng pagkakataon na magkaroon ng impluwensya at kapangyarihan.

Nagising akong umiiyak dahil sa isang bangungot, bangungot ng nakaraan namin ni Nathan. Araw-araw na lang ganito ang nangyayari. Paano ako makaka-move on kung palaging ipinapaalala sa akin ng utak ko kung sino ang sinayang ko? Napasabunot ako sa buhok ko. I really hate this life.

Hapon na pala kaya agad akong nag-ayos ng sarili at lumabas ng kwarto.

"Hi ate Yen." Masayang bati ni Shayne na ngayon ay may suot na apron at nagmamasa ng dough. Siya lang ang tao sa bahay na naabutan ko.

"Where's mom and dad?" Tanong ko at kumuha ng juice sa ref.

"As usual, at work." Napatango na lang ako. Oo nga pala, kami lang ang may bakasyon.

Biglang tumunog ang doorbell kaya nagkatinginan kami ni Shayne. Pareho ang sinasabi ng mata namin, 'buksan mo na' pero hindi siya nagpatalo at ipinakita pa na busy siya kaya padabog akong nagtungo palabas ng bahay para tingnan kung sino ang dumating.

"Hi ate Yen." Masayang bati ni Jill at niyakap ako pagkabukas ko ng gate. Nakaramdam ako ng awkwardness sa ginawa niya, sinaktan ko ang kuya niya and here she is, hugging me. Pinapasok ko na siya sa loob.

Hindi ako makapag-salita. Alam naman na kasi nila na wala na kami ni Nathan e and it's awkward to see and talk to his sister. Ang lakas nga pala ng epekto ng mga taong konektado sa ex mo, now I know kung bakit pinag-iinitan ako palagi ni Lianna dati.

"Kumusta ka na, ate?" Tanong nito nang nasa living room na kami. Napakibit balikat na lamang ako. Anong isasagot ko? Mukha ba akong ok? "Mahal ka pa rin niya." Nginitian niya ako at nagpatiuna na papasok ng kusina kung nasaan ang best friend niya.

Mahal niya ako? Ni hindi nga siya nagmakaawa na bumalik ako sa kanya e. Napatingala ako dahil sa nagbabadyang luha ko. Tsk weak ko naman.

'Anong gagawin mo kapag may bagay kang ginive up pero gusto mo ulit makuha? Will you take it back?'

Tinext ko si Iyel pagkapasok ko sa kwarto hoping he'll give me a good advice.

'Kung hindi pa naman huli ang lahat, yes. I'll give it another shot. I'll take it back. Bakit, ano ba yon?'

Napangiti ako sa sagot niya. Baka ako talaga dapat ang makipagayos sa kanya. Nireplyan ko na lang si Iyel ng 'nothing' at lumabas na ng bahay.

'Let's talk. Meet me at our secret place, on the way na ako.'

Nanginginig ang kamay ko habang tinatype ang message na iyon para kay Nathan. Kinakabahan ako. I want him back, hindi ako matatahimik hangga't hindi kami nagkakaayos. I love him at kaya kong ibaba ang pride ko to have him again. Desperate? The heck I care.

Sinalubong agad ako ng malamig na hangin pagdating ko sa tuktok, malapit na ring lumubog ang araw. Ito ang place kung saan mas nakilala ko ang totoong Nathan. Umupo ako sa ugat ng nagiisang puno dito na nagbibigay lilim sa lugar. Hindi masyadong malapit sa dulo kung saan palagi kaming tumatambay kapag nanunuod ng sunset, tama lang para masabing ito ang sentro at pinakamataas na bahagi ng lugar na ito.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon