Nandito kami sa gitna ng quadrangle kung saan magaganap ang 'paghuhukom'. Hawak ni Nathan ang kamay ko habang naghihintay dumating ang eksaktong oras na makaharap ang 5th rank gang na makakalaban namin.
"Baby, mahal na mahal kita. Do not get killed, papakasalan pa kita. Just.. Protect yourself no matter what." He kissed me on my forehead. Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi namin masyadong nakikita ang isa't isa dahil gabi na at ilaw na lamang sa buildings na nakapalibot sa quadrangle na ito ang nagbibigay liwanag sa pwesto namin. Mukha siyang nagpapaalam. Napabuntong-hininga na lamang ako. Last na 'to. Kailangan lang naming manalo.
"Likewise." I kissed him on his cheek. "Ahh!" Napasigaw ako nang biglang may shuriken na dumaplis sa braso ko. Fvck.
"Dmn it. Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Nathan. Blood sht. Niyakap ako ni Nathan at iniikot. Isa pang shuriken ang tumusok sa ground na dapat tatama sa akin. "Tngna! Ang dumi niyong maglaro! Magpakita kayo!" Galit pero ma-awtoridad na sigaw ni Nathan. Tinalian niya ng panyo ang braso ko saka ako hinalikan sa noo.
Napalayo kami sa isa't isa nang may tumawa nang malakas, mala-demonyong tawa ang papalapit sa amin. Kasama ang mga alagad niya, pinalibutan nila kami.
Hindi lamang sampu ang nakapalibot sa amin. They're too many to be felt. Lagpas fifty ang presensyang nararamdaman ko.
Pinisil ni Nathan ang kamay ko bago ito bumitaw. Ipinikit ko ang mata ko at inihanda ang sarili ko sa pag-sugod nila.
Ito na talaga, simula na ng giyera.
Mabilis kong inilagan ang mga tirang papunta sa akin. Depensa lamang ang ginagawa sa bawat atake na papunta sa akin. Sa dami nila, kahit anong opensa ang gagawin ko, dehado ako. Nakita ko si Nathan na ganoon din ang ginagawa. Napangiti ako, hindi talaga mahahalatang gangster ang isang ito unless nakipaglaban siya.
"Sa amin ang atensyon Third kung gusto mong makatagal." Sabi ng isang malaking lalaki at hiniwa ang braso ko gamit ang kunai knife niya malapit sa sugat na natamo ko kanina. Fvck ang sakit.
Hindi pa ako nakakabwelo ay sinipa agad ng isa ang sugat ko kaya tumilapon ako. Tinatarget nila ang sugat ko para mas manghina ako. Dmn ang dami nila at ang lalakas. Nakakapagod pero nagsisimula pa lang ang laban. Hindi ako makatayo. Hindi pwede ito.
Ilang shuriken needles ang pinakawalan ko para hindi sila makalapit sa akin. Biglang nagtumbahan ang mga lalaking natamaan noon. Dahil ang nga needles na ito ay may pampatulog.
Pero hindi sapat ang mga shuriken needles na iyon para ubusin sila dahil hindi lahat ay natamaan. Kailangan ko ng tumayo. Hindi ako mahina na mapapatumba nila nang ganon na lang. Ako si Third, ang second in command ng Black Flame gang. I'm not the second in command for nothing.
"Ah!"
"Tngna Nathan! 'Wag mo akong protektahan!" Sigaw ko kay Nathan na nasa harap ko ngayon. Sinanggahan niya ang mga atake ng mga kalalakihan na dapat ay sabay sabay na ititira sa akin. Natamaan siya ng isang espada pero mabilis niya iyong sinanggahan ng espada niya.
"Hindi ko magagawa yan, babe. Poprotektahan kita kahit ayaw mo."
Naramdaman kong may susugod sa likod niya kaya mabilis kong kinuha ang sword ko at iwinasiwas sa kanila. Ang nag-iisa kong sword na ginamit ko rin kay Nathan noong isang araw. Wala akong balak gamitin ito pero hindi ako makakapayag na mamamatay kami dito. Magkatalikuran lamang kami ni Nathan at pinoprotektahan ang isa't isa.
Ginagamit kong depensa ang espada ko habang ang isa ko namang kamay ay pinapatamaan sila ng shuriken needles ko. Wala na, ubos na ang needles pero hindi pa rin nauubos ang kalaban namin. Nararamdaman ko na ang panghihina. Hindi madaling makipaglaban kapag nauubusan ka na ng dugo at ginagamit mo pa rin ang parte ng katawan na iyon para mabuhay.
Pero kaya ko. Kakayanin ko silang talunin. Kaunti na lamang sila. Nagkahiwalay kaming muli ni Nathan. Hawak ko sa isa kong kamay ang isang shuriken pero nabitawan ko rin iyon dahil may sumipa na naman sa braso kong sugatan. P0t@ngna talaga. Napaka nila. Mas ginagalit nila ako. Wala pa man din akong balak patayin sila pero hindi ata talaga pwede ang hindi ako papatay kaya ibinigay ko ang natitira kong lakas para labanan sila ng patas.
Patay kung patay. Wala na akong pakialam kahit natatalsikan na ako ng dugo nila. Hindi ko akalaing gagamitin ko ulit ang espadang ito para pumatay. I am a monster once again. Hindi ko na makontrol ang sarili ko.
Seeing those dead bodies bathing on their own blood makes me crazy. My desire to kill for more arouse.
Hindi ko na inaalala ang mga vital signs nila. Kung kanina, sa mga braso o binti ko lamang sila pinatatamaan ng shuriken needles, ngayon ay wala na akong pakialam kahit ulo pa nila ang matamaan ng mga kunai ko. Mamatay sila. Iyan lang ang nasa isip ko.
Suddenly, my environment changed. Wala na ako sa quadrangle kundi nasa lugar kung saan namatay ang kuya ko.
Madilim. Nakakatakot at mas nakakatakot ang sigaw ng kuya ko habang pinagtutulungan ng mga kalalakihan at unti-unting nawawalan ng buhay. Hindi ko nakita ang sarili kong naka-gown dahil heto ako ang bagong Rayne na nilalabanan ang mga kabataang iyon. Walang takot na pinapaslang sila isa-isa.
Kuya, maipagtatanggol kita. Tngna wag ka munang mawawalan ng buhay dahil makakalapit na ako sa'yo. Mapapatay ko na silang lahat. Kuya, mabibigyan ko na ng hustisiya ang kawalang-hiyaang ginawa nila sa'yo at sa akin. Nagagalit ako. Anong karapatan nilang sirain ang pamilya natin? Hindi pa ba sapat na sinira nila ang pamilya ni Briel?
"AAAAHHHHH!" Napabalik ako sa kasalukuyan nang maramdaman ang sakit na nagmumula sa sugat ko. Hawak iyon ni Nathan.
"Tama na, babe. Kumalma ka na. Hindi ako ang kalaban mo dito. I love you." Niyakap niya ako bigla na nagpa-iyak sa akin. Nawalan na naman ako ng kontrol. Nanghihina ako. Niyakap ko siya pabalik.
"K-Kuya Zayne." Pinapakalma lamang ako ni Nathan the whole time na umiiyak ako.
"Malaya na tayo, babe." Nakangiting pahayag ni Nathan kahit duguan na ang mukha niya. He kissed me once again bago ako niyakap nang mahigpit.
Isang malakas at mala-demonyong tawa na naman ang narinig namin. Tawang nang-uuyam.
Pinalilibutan kami ngayon ng bagong dating na mga gang. Mas marami kesa sa nauna. Fvck.
"Sinong may sabing tapos na? Magsisimula pa lamang ang totoong laban Four and Third." Sabi ng isang lalaking nakangisi sa amin. They were the other gangs na nasa rank din. WTF talaga. Madumi talagang maglaro ang matandang iyon. Hindi niya talaga balak palabasin kami ng buhay dito. Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Nathan.
"Babe, gusto ko lang malaman mong ang ganda mo kahit haggard ka na ngayon. Mahal pa rin kita." Malokong sabi ni Nathan.
"Tngna mo Nathan, nakuha mo pang magbiro sa mga oras na ito. Buset."
"Hindi biro yon, babe. Maganda ka at mahal kita."
Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil may ilang tao na pumasok sa bilog na binuo ng mga gangs kanina. Parang sila ang mga leaders dahil presensya pa lang nila ay ramdam ng malalakas ang mga mas malapit na ito sa amin.
"Isali niyo naman kami sa laro niyo." Kinabahan ako nang biglang tumunghay ang mga bagong dating. Isang nakangising Aldrin ang nagsalita at binigyan kami ng nakakamatay na tingin.
Napatingin ako sa mga taong pumasok sa bilog kanina at napamura sa mga namukhaan ko.
Nathan's gang and mine. Fvck. Akala ko ba joke lamang na gang namin ang kakalabanin namin? Tngna dapat talaga pinatay ko na lamang ang matandang iyon.
Because it's not just our gangs but the gangs with the rank in the secret organization. Just wtf.
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Spiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...
