Rayne's
Katahimikan ang bumalot sa paligid namin habang nasa daan. Napansin kong palingon-lingon sa akin si Nathan habang nagda-drive siya pero mas pinili nitong hindi magsalita.
Nag-walk out ako agad kanina pagkatapos sabihin ni Nathan na hindi siya pumapayag sa desisyon ko na ikinatuwa na naman ng matandang iyon. Nakalimutan kong kontrolado nga pala siya ng King and Queen ng organization na ito.
Itinigil ni Nathan ang kotse niya sa park ng subdivision namin. Hindi pa siya nagsasalita ay bumaba na ako at nagsimulang maglakad palayo. Mabuti na rin na itinigil niya ang kotse niya, naiinis akong kasama siya.
"Babe." Tngna. Natatawag niya pa akong ganyan? Mas binilisan ko ang paglalakad para makarating agad ako sa bahay namin, malapit na rin naman at sanay akong maglakad.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko para mapatigil akong maglakad."Babe, let me explain." Binawi ko ang kamay ko sa kanya.
"Ang duwag mo, Nathan." Galit ako. Galit ako sa kanya. Bakit ngayon pa siya natakot? Gusto niya ba habang-buhay na lang kaming sunod-sunuran sa kanila? Na kami ang magpa-plano kung paano papatayin ang mga target nila? Na kami ang papatay kapag komplikado na?
"Fine. Ako na ang duwag pero pakinggan mo muna kasi ang side ko, Rayne." Napatawa ako.
"Ano pa bang kailangan kong marinig bukod sa hindi mo pagsang-ayon? Takot ka sa kanila? Nathan, I thought we both want to get out of this sht." Iniwan ko na ulit siya don pero pinigilan niya ulit ako.
"Nathan tama na! Akala ko pagkakataon ko ng makalaya sa impyernong 'yon, pero bakit ganito? Let's just end this day. Gusto kong magpag-isa."
"Rayne." Pinigilan niya ulit ako.
"Sinabi nang—"
"DAHIL MAMAMATAY KA!" Naputol ang pagsigaw ko dapat dahil sa lakas ng sigaw niya pabalik. At oo, nagulat ako dahil ngayon niya lang ako sinigawan. At ano? Mamamatay ako? Matagal na akong unti-unting namamatay.
"Naiintindihan mo ba? Rayne, ikaw ang kapalit ng kalayaang hinihingi mo, ikaw at ang pamilya natin. Inaamin ko, duwag ako. Dahil ayokong may mawala sa inyo. Aanhin ko naman ang kalayaang iyon kung ang kapalit naman non ay mangungulila ako? Alam mong kapag umalis tayo sa organisasyong ito, hindi na sila magdadalawang isip na targetin ang pamilya natin. Rayne, ito lang ang alam kong paraan para protektahan kayo." Nakita kong may luhang tumulo sa mata niya, dahil kahit madilim, kumislap ito sa replekyon ng ilaw na malapit sa amin. Nasasaktan siya.
"Alam kong napaka-makasarili ko dahil ayokong maiwan babe. Nakita ko kung paano ka nawalan ng ganang mabuhay. Babe, natatakot ako na baka kapag may nawala sa inyo kahit isa, ikaw man o ang pamilya ko, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa inyo." He managed to say those words pero hindi sapat para mawala ang galit ko sa kanya.
"Duwag ka nga." Tumalikod na akong muli sa kanya. Nasaan na ang matapang na Nathan na kilala ko? Nasaan na ang Nathan na walang sinasanto kapag lumalaban? Akala ko sa dalawang taon naming magkasama, kilala ko na siya.
"Wanna know a secret? You must be dead by now if it's not because of that organization, if it's not because of the gang you encountered two years ago." Napatigil ako. Anong pinagsasabi niya? "Ako ang nagsali sa'yo sa secret org." Biglang nagpantig ang tenga ko sa narinig. Kung galit ako kanina, mas galit ako ngayon. Hindi ko nakontrol ang sarili ko at sinampal siya. He's the one to be blamed in this miserable life of mine? Akala ko masakit na makakita ng mga kabataang pumapatay at ikaw ang nagplano kung paano sila papatay pero mas masakit palang malaman na ang mahal mo ang dahilan kung bakit nasasaksihan mo ang mga ganito.

BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Espiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...