Trouble 11: D2

233 19 4
                                    

Rayne's

"Good morning mahal ko!" Masayang bati ni Nathan na nakaabang sa labas ng bahay namin.

"Good morning." Awkward na sagot ko. Pinisil niya lang ang cheek ko at hinawakan na ang kamay ko. We're holding hands while walking. Napangiti ako.

Isang linggo na mula nang sinagot ko siya. Matagal akong nakipagtalo sa sarili ko kung tama na ba ang panahon para sagutin siya pero medyo nagising din talaga ako sa kwento ng mama ni Hannah, baka nga oras na para mag-move on sa nakaraan at mabuhay sa kasalukuyan. Madami na akong nawalang opportunity kasama ang pamilya ko, ayokong mangyari yon samin ni Nathan kasi kung may pagbibigyan ako ng puso ko, gusto siya na.

"Alam mo, simula nang una mo akong dinala sa puntod ng kuya mo, medyo gumaan aura mo. Ano bang sinabi mo sa kanya?" Pambasag ni Nathan sa katahimikan. Napangiti ako ng maalala ang araw na yon. Yung araw pagkatapos sabihin nina mommy na walang ceremony for kuya kaya kinabukasan, napagtripan ko si Chris. Hindi maganda ang huli naming pag-uusap at simula din non, madalang ko na siyang makita sa school at hindi na rin niya ako pinapansin.

So back to that day... hindi ko rin alam kung bakit sobrang nag-alala ako nang sabihin ni Chris kay Nathan na boyfriend ko siya kahit alam kong hindi naman ito maniniwala. Siguro kasi ayoko na maisip niya na may papalit sa pwesto niya. Siya na ang naging best friend ko simula nang mawala si Iyel e. Ayokong pati siya mawala kaya nang araw na 'yon napagdesisyonan kong i-let go na ang nakaraan. Dinala ko siya sa puntod ni kuya, gusto ko lang ng support sa mga sasabihin ko sa kuya ko. Yeah, I cried that day, buti na lang nandon si Nathan para icomfort ako. At pagkatapos kong sabihin kay kuya ang mga gusto kong sabihin, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Huy, natulala ka na diyan, malapit na tayo sa school mo." Medyo nagulat ako sa biglang pagsalita ni Nathan at napailing ako.

"Wala. Sinabi ko lang na gusto kong buuin ang puso ko para maipagkatiwala ko na sa'yo." Pabiro kong sabi pero yon talaga ang pinag-dramahan ko nang mga oras na 'yon haha!

"Thanks for giving me a chance. Pangako, sa'yo lang ako." He cupped my face and said those words with sincerity.

A week after I joined a family picnic of strangers, napag-desisyonan kong sagutin na siya, sakto nang hinarana niya ako sa Zone kasama ang mga gang members nila.

I gave him a genuine smile.

"I trust you." I said. He kissed my forehead before saying goodbye.

"I love you!!" Pahabol pa niyang sigaw habang naglalakad nang nakatalikod bago tumakbo patungo sa school nila. Napailing na lang ako habang nangingiti. Medyo malayo pa ang school nila at malapit na siyang malate sa klase niya.

Pagharap ko, isang naka-poker face na Chris ang bumungad sa'kin tsaka ako nilagpasan at nauna nang pumasok sa loob. Laki talaga ng problema ng isang yon. Pero mabuti na rin sigurong hindi niya ako pinapansin para walang gulo.

"Okay class, for your Final Exam and project, we will have a pool of talent. I will let you decide on what theme you're going to present." Sabi ng prof namin sa humanities. Maraming nagreact na kesyo hindi pa nakakapag-midterms, finals agad. And the commotion began -_- 

"Quiet. Sinasabi ko lang sa inyo ang requirement for finals kasi wala kayong midterms sa subject na 'to. Para magpag-handaan niyo na rin since nakasalalay dito ang magiging grade nyo sa final exam at final project at dadaan naman ang Christmas break, makakapag-prepare kayo nang maaga. And mind you, I don't want a mediocre presentation. When it comes to humanities, I want you to show your inner self. I want you to express who you really are." Natahimik naman nga ang mga kaklase ko. Siya yung prof na hindi nagpapa-quiz, more on practical ang mga pinapagawa niya, activities na pwede naming i-express ang mga sarili namin. Ewan. Kahit hindi ako magaling sa pag-eexpress ng sarili ko, kaya ko siyang i-express through photography and arts, kaya ko siyang iexpress through this subject.

Trouble Yet IndispensableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon