"I love you."
Napangiti ako kahit nakapikit pa dahil sa ala-alang pumasok sa isip ko.
Bakit ang pogi ng boyfriend ko? Lol.
May bago na akong alarm clock hihihi
"Hi." Napabalikwas ako nang pagmulat ng mga mata ko si Nathan ang nasa harap ko. As in ang lapit ng mukha niya sa mukha ko tapos ngiting ngiti pa. Akala ko nananaginip pa rin ako!
"N-Nate, anong ginagawa mo dito?" Natatarantang tanong ko. Hindi ko magawang humarap sa kanya, nakahiga pa rin siya habang nakaupo at nakatalikod naman ako sa kanya.
"Hinihintay magising ang baby ko." Ang sweet ng boses niya tapos niyakap niya pa ako mula sa likod.
Shocks talaga! Ang bango bango niya tapos nakayakap siya sakin na babagong gising!? Baka amoy panis na laway pa ako. Nakakahiyaaaaaa!
"L-lumabas ka nga!"
"Okay. Pero bilisan mo, may pupuntahan tayo." He kissed me before leaving my room. Ako 'yong nandiri sa ginawa niya. He saw me at my worst appearance. Gosh!
Sunday na nga pala ngayon, ang araw na haharapin na naman namin si kamatayan. -.-
Dali-dali akong pumunta sa pinto para ilock 'yon at dumireso na sa CR para magtooth brush at maligo.
Hindi ko alam kung saan ang punta namin pero alam kong diretso kami mamaya sa Zone dahil doon magaganap ang tradition war.
Kaya hindi na ako masyadong nagpaganda. Nagsuot lamang ako ng black and white sweatshirt at black pants na usual outfit ko na tinernuhan ng black elevated sneakers. Hindi ako emo promise.
Wala na sina mommy paglabas ko ng kwarto ko. Of course Sunday today, alam na kung saan pumunta ang tatlong 'yon tss
Nakita ko naman agad si Nathan sa sofa na busy sa phone niya. Dumiretso na lamang ako sa kusina kesa istorbohin siya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko noong nasa kotse na niya kami. Kahapon pa niyang tinanggal ang cast sa braso niya pero nakabenda pa rin ang parte ng palad niyang may sugat pa rin.
"Malalaman mo rin kapag nandoon na tayo." Hindi ko gusto ang ngiti niya, ngiting may binabalak. Pero imbes na makipagtalo, hinayaan ko na lamang siyang magconcentrate sa pagda-drive.
"Are you nervous?" Tanong niya pagkababa namin ng kotse. Umiling na lang ako dahil hindi naman talaga ako kinakabahan, more like naguguluhan lang kung bakit kami nasa Cuneta Astrodome ngayon. May basketball game ba?
Nang nasa entrance gate na kami saka lang nagsink in sa akin kung bakit kami nandito. Shayne and Jilliane were walking towards us smiling like they're expecting us to come.
'Welcome to our dearest Church.'
That's what I've read sa tarpulin na nasa may gate.
"Wth Nathan!?" Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at naglakad palayo.
Sa dinami-rami ng pwedeng puntahan, dito pa? Nagpapatawa ba sila? They're using Nathan para bumalik ako sa Kanya but NO. I won't. Bakit ako babalik kung Siya naman ang unang nang-iwan? Kaya ko namang mabuhay nang wala Siya.
"Rayne." Biglang may humawak sa braso ko para pigilan ako.
"What the f Nathan! Sa tingin mo talaga papasok ako dyan? Heck no! Uuwi na ako." Konting lakad na rin lang naman ang lrt mula dito.
"Rayne, seriously, what's your problem!?" Wala akong paki-alam kung pinagtitinginan na kami ni Nathan dito basta hindi ako papasok diyan.
"Akala ko ba naka-move on ka na?" Napatigil ako sa tanong niya. Malayo na rin ang boses niya, hindi na pala niya ako hinahabol.
"Prove it then." Pahabol pa niya. Paglingon ko, naglalakad na siya pabalik sa entrance gate.
BINABASA MO ANG
Trouble Yet Indispensable
Spiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...
